HINDI na puwedeng palawigin pa ang kasalukuyang voter registration paglampas sa deadline nito sa Enero 31, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi na tinalakay sa deliberasyon ng poll body en banc ang pagpapalawig sa registration. Kaya payo nito, sa halip makinig sa mga sabi-sabi ay magparehistro na at huwag nang hintayin kung palalawigin o hindi upang masuportahan ang kasalukuyang opisyal na nanunungkulan sa kanilang komunidad. Target ng Comelec ang nasa 1.5 hanggang 2 milyong bagong botante sa pagtatapos ng registration period. Nauna nang…
Read MoreAuthor: admin 2
ABERYA SA NAIA PINASISIYASAT NI ROBES
NAIS malaman ni San Jose Del Monte City Representative Florida ‘Rida’ Robes kung paano pinamahalaan ang Air Traffic Management (ATM) System sa kabila ng pagpapasinaya noong 2018 lamang. Hiniling ni Rep. Robes, sa pamunuan ng Kamara na atasan ang House committee on good government na magsagawa ng inquiry sa iniulat na malfunction at shutdown ng bagong Communications, Navigation and Surveillance system para sa Air Traffic sa pamamahala ng Ninoy International Airport (NAIA) noong Enero 1. Si Rep. Robes ay kabilang sa 65,000 inbound at outbound passengers na apektado ng airspace…
Read MoreMAHIGIT 1M DEBOTO DADALO SA PISTA NG NAZARENO
TINATAYANG mahigit isang milyong Katoliko ang inaasahang dadalo sa aktibidad sa Quirino Grandstand sa Ermita, Manila para sa pista ng Itim na Nazareno simula ngayong Sabado. Pahayag ni Fr. Earl Valdez, attached priest ng Quiapo church, inaasahang maraming tao ang dadalo sa pagdiriwang sa nasabing lugar. “In previous years (pre-pandemic), we reached millions in total, and all Masses were filled. In the grandstand, probably, the usual number of devotees pre-pandemic. We expect the grandstand to have whatever devotees can occupy and together with the line for the tribute, it will really reach a…
Read MoreFIESTA NG STO. NIÑO PINAGHAHANDAAN NA
HINDI pa man sumasapit ang pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, pinaghahandaan na rin ang fiesta ng Sto. Niño sa Tondo at sa Pandacan sa ikatlong linggo ng Pebrero. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo III, umaga nitong Miyerkoles nang isagawa nila ang plano para sa darating na kapistahan sa Sto. Niño de Tondo, may ilang metro lamang ang layo ng simbahan sa Manila Police District Moriones Police Station 2. Katuwang sa plano si Police Major Mark Christopher Del Mundo, Deputy chief at si…
Read MoreSUGALAN SA MINDORO KINUKUNSINTI NG PNP?
SA kabila ng “no take policy” na giit ni Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin, patuloy ang pamamayagpag ng ilegal na pasugalan sa mga bayan ng Oriental Mindoro. Ang dahilan – kinukunsinti di umano ng lokal na pulisya ang operasyon ng sindikato sa likod ng malawakang ilegal na sugalang pinaniniwalaang tumatabo ng milyon-milyong piso kada araw. Panawagan ng mga residente mula sa nasabing lalawigan sa punong himpilan ng PNP at maging sa tanggapan ni Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos – palitan ang mga tinaguriang kunsintidor na…
Read MoreFERNANDO HUMAKOT NG PARANGAL PARA SA BULACAN
UMABOT sa 24 na pagkilala at parangal mula sa nasyunal at rehiyon ang nakamit ng lalawigan ng Bulacan sa loob ng unang anim na buwang termino nina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro. Inialay ni Fernando ang mga parangal sa mga tao sa likod ng tagumpay na ito, ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, na tumulong sa kanya upang maisakatuparan ang mga mithiin para sa dakilang lalawigan. “Ang dami po nating pangarap para sa ating bayan, ang dami po nating kailangang gawin para makamit ang mga pangarap na…
Read MoreMARINDUQUE INUGA NG 3.2 MAGNITUDE QUAKE
MARINDUQUE – Inuga ng 3.2 magnitude quake ang bayan ng Boac sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng umaga Enero 4, 2023, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng Phivolcs, naramdaman ang pagyanig dakong alas-10:02 ng umaga sa kanluran ng Boac. Ayon sa Phivolcs, ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 001 kilometro at tectonic ang origin ng lindol. Nabatid pa sa Phivolcs, naramdaman ang intensity 2 na pagyanig sa Boac, Marinduque, habang intensity 1 na lindol naman ang naramdaman sa Calapan City, Oriental Mindoro Wala namang iniulat…
Read MoreBUHAWI NANALASA SA ILOILO
HINDI bababa sa 50 kabahayan ang nasira sa pananalasa ng buhawi sa dalawang lugar sa lalawigan ng Iloilo noong Martes ng umaga. Ayon sa ulat ng local Office of Civil Defense, dalawang magkahiwalay na buhawi ang naitala sa bayan ng Oton, Iloilo at sa Iloilo City. Nasa 39 kabahayan ang nasira sa mga barangay ng Santo Domingo at Santa Cruz sa Iloilo City. Habang sa ulat ng Iloilo City Social Welfare and Development Office, 15 bahay ang partially damaged at 6 ang totally damaged sa Barangay Santo Domingo. Samantala sa Santa…
Read MoreNEGOSYANTE NIRATRAT SA MUNISIPYO, PATAY
BATANGAS – Patay ang isang 44-anyos na negosyante matapos na tadtarin ng bala ng hindi kilalang suspek habang sakay ng kanyang utility van sa harap ng munisipyo ng bayan ng Rosario sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ang Rosario Police ang biktimang si Anselmo Javier Jr., residente ng Brgy. Bayawang, Rosario. Batay sa report ng Rosario Police, nakaupo ang biktima sa driver’s seat ng kanyang Isuzu Traviz na naka-park sa harap ng munisipyo, nang tabihan ito ng isang motorsiklo at pinagbabaril ng lalaking nakasuot ng helmet at naka-kapote.…
Read More