SERBISYO NG PHILHEALTH ‘DI DAPAT MAAPEKTUHAN NG PREMIUM HIKE SUSPENSION

WALANG nakikitang dahilan si Senador Christopher Bong Go para maapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth sa suspensyon ng pagtataas ng premium nito. Ipinaliwanag ni Go na isinulong nila ang P79 bilyong alokasyon sa PhilHealth sa ilalim ng 2023 national budget bukod pa sa P21.17 billion para sa benefit package para sa dialysis coverage, mental health outpatient coverage, improvement ng Z-Benefit packages,  acute malnutrition, all case rate, rationalization ng ilang medical at surgical procedures, at implementasyon ng  comprehensive outpatient benefit package, kabilang na ang free consultation fees, laboratory tests, iba pang diagnostic…

Read More

ILANG BIYAHERO MULA CHINA POSITIBO SA COVID

PANSAMANTALANG dinala sa isolation facilities ang ilang pasahero na nanggaling sa China makaraang madiskubre ng Bureau of Quarantine (BoQ) na positibo ang mga ito sa COVID-19. Ayon sa ulat ni BoQ deputy director Roberto Salvador Jr., hindi pa ito makapagbibigay ng eksaktong numero ng mga biyahero na nadiskubre nilang positibo sa virus. “Marami nang dumarating na Chinese pero iilan lang naman ‘yung mga nire-require natin na mag-antigen test — ‘yung mga partially vaccinated. Meron ding nag-positive at ngayon naka-isolate naman po siya doon sa mga isolation facilities natin,” pahayag  ni…

Read More

P292.49M, PASOK SA SUBASTAHAN

SA halip na wasakin – tulad ng nakagawian – minabuti ng Bureau of Customs (BOC) na gawing pera sa paraan ng pagsusubasta ang mga nakumpiskang kargamento mula Enero hanggang sa huling buwan ng nakalipas na taon. Sa datos ng kawanihan, pumalo sa P292.490 milyon ang pumasok sa kaban ng pamahalaan bunsod ng mga isinagawang public auction ng mga nasabat na kalakal – kabilang ang mga mamahaling sasakyan, mga gadget, construction materials, bakal, yero, mga piyesa at iba pa. Paglilinaw ng BOC, hindi kabilang sa mga sinubasta ng 17 BOC district…

Read More

P231B, NALIKOM MULA SA BOC FUEL MARKING

MAS agresibong pagsusuri ng mga binebentang produktong petrolyo sa merkado ang inaasahang isusulong ng Bureau of Customs (BOC) sa hanga­ring ganap na wakasan ang fuel smuggling sa pagpasok ng taong 2023. Higit pa sa kampanya kontra oil smuggling, nakapagtala rin ng tumataginting na P230.89-bilyong ganansya ang kawanihan sa isinagawang pagsusuri mula Enero hanggang Disyembre 2022 sa 17.63-bilyong litro ng mga produktong petrolyo sa ilalim ng BOC Fuel Marking Program. Ayon sa BOC, malaking bentahe sa pamahalaan ang nasabing programang bina­langkas at ipinatutupad sa hangaring tukuyin ang mga kumpanyang nagbebenta ng…

Read More

P139-M SIBUYAS, BOTCHA BULILYASO SA MAYNILA

BINULAGA ng mga opera­tiba ng Bureau of Customs (BOC) ang sindikato sa likod ng malawakang agri-smuggling makaraang sabatin sa kabi-kabilang operasyon ang nasa P139-milyong halaga ng sibuyas at mga iladong karneng inangkat pa mula sa bansang China. Sa kalatas ng ahensya, kumpiskado sa mga ope­ratiba mula sa hanay ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang kargamentong duma­ting sa Manila International Container Port (MICP) mula China. Batay sa mga dokumentong kalakip ng nasabing kargamento, isang hindi tinukoy na trading company na nakabase sa Alabang (Muntinlupa) ang may-ari ng kontrabandong naglalaman…

Read More

Mula Enero hanggang Disyembre 2022 P35.5B AGRI-PRODUCTS, DROGA TIMBOG SA BOC

TUMATAGINTING na P35.5-bilyong halaga ng mga puslit na produktong agrikultura at iba’t ibang klase ng ipinagbabawal na gamot ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) mula Enero hanggang sa huling buwan ng 2022, ayon mismo kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa kanyang ulat sa Palasyo. Sa datos ng BOC, tinatayang aabot sa P23.5 bilyon ang halaga ng mga kum­piskadong agri-products sa mas pinaigting na operasyon laban sa agri-smuggling. Hindi rin nakalusot sa mahigpit na pagbabantay sa mga paliparan at pantalan ang P11.953 bilyong halaga ng iba’t ibang klase ng…

Read More

106 Customs brokers sapul din 298 IMPORTERS, BAWAL SA BOC!

SA hangaring tiyakin ang maayos at malinis na kalakalan, tuluyang tinabla ng Bureau of Customs (BOC) ang accreditation ng hindi bababa sa 298 importers kaugnay ng patong-patong na paglabag sa mga umiiral na reglamento sa kalakalan. Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, bukod sa kanselasyon ng accreditation ng mga importer, hagip din sa isinasagawang paglilinis ng kawanihan ang nasa 106 licensed Customs brokers na aniya’y nakitaan ng sapat na patunay ng ginagawang sabwatang lubhang ikinalugi ng pamahalaan. Sinampahan na rin aniya ng kasong kriminal ng Bureau’s Action Team Against…

Read More

BAGONG TAON, BAGONG SIMULA

Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO SA pagpasok ng taong 2023, bitbit ng Bureau of Customs (BOC) ang malaking hamon ng pagbabagong magbibigay-daan sa target na pagpapalit wangis ng kawanihang dating kilala lang sa larangan ng katiwalian at kapalpakan. Kabilang sa mga pagbabago ang pagtatalaga ng mga bagong opisyales na kukumpleto sa koponan ng mga taong inaasahang makakatuwang ng administrasyong Marcos Jr. sa katuparan ng pangakong sinambit ng Pangulo sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) noong buwan ng Hulyo ng nagdaang taon. Ang totoo, hindi pa man…

Read More

TANGLAW NG PAG-ASA REHAB CENTER PINASINAYAAN SA BULACAN

NEW TANGLAW REHABILITATION CENTER. Pinangunahan nina Governor Daniel R. Fernando at Vice Governor Alexis C. Castro ang unveiling of marker ceremony ng Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center sa Brgy. Bulihan, City of Malolos, Bulacan nitong Dec. 29, 2022. Nasa larawan din sina Congressman Danilo A. Domingo at Judge Sita Jose-Clemente of RTC-Branch 16. (CONTRIBUTED PHOTO)     UPANG gabayan ang mga children in conflict with the law (CICL) tungo sa mas magandang kinabukasan, pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang Provincial…

Read More