SA kasagsagan ng kalamidad na tumama sa Misamis Occidental, naging maagap ang tugon ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves Jr. sa mga kababayan na lumapit dito kamakailan lang. Agad pinakiusapan ng mambabatas na kilala sa pagiging matulungin ang mga staff nito na agarang maghanda ng tulong sa naturang lalawigan. “Ito ang mga pangyayari na dapat ay agarang mabigyan ng tulong at solusyon. Kawawa ang ating mga kababayan kung hindi agad masasaklolohan,” pahayag ni Teves na kilala sa programa nito na “Teves Cares: Aksyon, Tulong, Solusyon!” Tatlong choppers na…
Read MoreAuthor: admin 2
SEGURIDAD SA PISTA NG NAZARENO PLANTSADO NA
MARIIN ang naging direktiba ni Police Brigadier General Andre Perez Dizon, director ng Manila Police District, sa kanyang mga tauhan para sa ipatutupad na seguridad sa mga mananampalataya sa Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila sa Enero 9, 2023. Kabilang sa nakasasakop sa fiesta ang MPD-Station 3 sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas; ang Barbosa Police Station 14 sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupaz, habang nakaposte rin sa paglabas at pagpasok sa simbahan ng Itim na Nazareno, sa pangunguna ni Police Captain Rowell Robles, ang…
Read MoreSHEAR LINE DEATH TOLL 52, 19 MISSING
UMAKYAT na sa 52 pamilya ang nagluluksa ngayong pagpasok ng bagong taon matapos na lumobo pa ang bilang ng mga namatay dulot ng mga pagbaha dahil sa pag-ulan dala ng shear lines, habang 19 pamilya ang patuloy na nagdadalamhati bunsod ng pagkawala ng kanilang minamahal sa naganap na Christmas flooding sa Visayas at Mindanao. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa pinakahuling situational report, may naitala rin silang 16 na sugatan na kabilang sa 595,693 katao na naapektuhan ng shear line. Samantala, nasa halos kalahating milyong katao…
Read MorePNP FULL ALERT HANGGANG JAN 6
INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine National Police na mananatiling naka-full red alert status ng buong pwersa ng pambansang pulisya hanggang sa “Feast of Epiphany” o hanggang Enero 6, 2023. Ito ay kasabay ng kanilang pahayag na hanggang sa pagpasok ng mga unang oras ng taong 2023 ay mapayapa at naging ligtas sa pangkalahatan ang pagsalubong sa Bagong Taon. Ayon kay PNP Public Information Office Chief P/Col. Red Maranan, walang malalaking kasong naitala saan mang bahagi ng bansa base sa datos ng PNP. Maliban sa dalawang ilegal na pagpapaputok ng baril na…
Read MoreMWP SA CARNAPPING NATUNTON SA BAGUIO
BINITBIT ng mga operatiba ng District Investigation Division ng Special Mayor’s Reaction Team ng Manila Police District ang isang 33-anyos na driver na inakusahang carnapper, sa bisa ng arrest warrant sa Baguio City, unang pasok pa lamang ng taong 2023. Kinilala ang suspek na si Ariana Jawod Manzano, binata, ng Sarok Camp 7, Baguio City. Si Manzano ay naitalang most wanted person sa district level, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (An Act Providing New Anti-Carnapping Law of the Philippines). Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte,…
Read MoreRIDER PUMAILALIM SA SASAKYAN, PATAY
CAVITE – Naabutang nasa ilalim pa ng isang Toyota Altis ang katawan ng isang rider habang isinugod sa ospital ang backrider nito, makaraan ang aksidente sa bayan ng Mendez sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktima sa pangalang Jericho, dead on the spot sa pinangyarihan ng insidente, habang ang backride nitong si Fritz Selutan ay isinugod sa ospital ng Tagaytay dahil sa mga sugat sa katawan. Kiniala naman ang driver ng isang Toyota Altis na may plakang TYO 753, na si Janeen Rose Abrantes Torneros, nasa hustong edad. Ayon…
Read MoreSANGGOL INABANDONA SA SEMENTERYO
QUEZON – Isang bagong silang na sanggol na lalaki ang inabandona sa loob ng sementeryo sa bayan ng Guinayangan sa lalawigang ito. Agad namang nasagip ng mga tauhan ng Guinayangan Municipal Police Station ang nasabing sanggol. Ayon sa report ng Guinayangan Police, dakong alas-3:20 noong Lunes ng hapon nang madiskubre ng isang residente ang sanggol na nakalagay sa isang sako sa bisinidad ng public cemetery. Agad itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad at natuklasan na buhay ang sanggol at nakakabit pa ang umbilical cord o pusod nito. Ayon sa mga awtoridad,…
Read MoreHUSTISYA GIIT SA PINATAY NA BUSINESSWOMAN SA DAVAO
WALANG plano ang Gabriela party-list group na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Kamara, na tantanan ang kasong pagpatay sa model at negosyanteng si Yvonne Chua Plaza sa Davao City lalo na’t isinasangkot ang dating commander ng Presidential Security Group (PSG) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. “We join calls for justice and for a thorough and impartial investigation on the case, and urge that no sacred cows will be spared,” ayon sa grupo ni Brosas matapos makaladkad ang pangalan ni Brig. Gen. Jesus Durante III. Base sa mga report, malapitang binaril…
Read MoreDEATH TOLL SA BAHA SA VISMIN, UMAKYAT SA 32
NAKAHANDANG tulungan ng China ang mga naging biktima ng malawakang Christmas flooding sa Visaya at Mindanao region bunsod ng malakas na mga pag-ulan sa mismong araw ng Pasko na nagdulot ng mga pagbaha at landslides. Sa isang statement, ipinaabot ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang kanilang pakikisimpatiya sa mga biktima ng naturang flash flooding. Nitong Huwebes, umakyat na sa 32 ang bilang ng mga namatay sanhi ng pagkalunod dahil sa baha at landslides, bukod pa sa 24 na idineklarang nawawala. Umaasa rin si Amb. Huang Xilian na makababangon…
Read More