CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao – Bunsod ng pangamba sa kanilang buhay at kaligtasan, nagdesisyon ang mag-asawang kasapi ng communist terrorist group (CTG) na iwaksi na ang armadong pakikibaka at magbalik-loob sa gobyerno sa pamamagitan ng pagsuko sa mga tropa ng 5th Special Forces Battalion sa Brgy. Ned, Lake Sebu, South Cotabato. Kinilala ang sumuko na si alyas “Loloy”, isang political instructor, kasapi ng Platoon Madrid ng South Regional Command Daguma, at misis nitong si alyas “Lalay”, isang medic sa nasabing pangkat, kapwa sa ilalim ng Far South Mindanao Region.…
Read MoreAuthor: admin 2
P1-M TINANGAY NG NAKAPUTING VAN
LAGUNA – Tinatayang P1 milyong cash ang natangay ng hindi kilalang mga armado makaraang holdapin ang general manager ng isang gaming company habang sakay ng kanyang kotse sa provincial road sa Barangay Calumpang sa bayan ng Liliw sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Garry Boy Vallejo, general manager ng Gallotech Venture Inc. Batay sa report ng Liliw Police, hinarang ang biktima ng mga suspek na armado ng baril na sakay ng isang puting van habang ito ay bumibiyahe patungo sa Sta. Cruz, Laguna dakong alas-2:00 ng hapon…
Read MoreMAGKAANGKAS SA MOTORSIKLO NATUMBOK, 1 PATAY
CAVITE – Namatay ang isang lalaki habang nilalapatan ng lunas ang isa pang biktima nang banggain sa likurang bahagi ang kanilang motorsiklo ng isang Isuzu rebuilt jeepney sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kapwa isinugod sa ospital sina Mark Vincent Delos at RJ Ocampo, kapwa nasa hustong edad, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ang una. Kinilala naman ang driver ng Isuzu Rebuilt jeepney na may plakang RF G985, na si Niño Lumagui, nasa hustong edad. Ayon sa ulat, dakong alas-8:00 nang mangyari ang insidente sa…
Read MoreHindi lang ugat ng krimen at droga PROSTITUTES BITBIT DIN NG POGO OPERATORS
(BERNARD TAGUINOD) PANAHON nang palayasin ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa dahil nagiging ‘ugat na ito ng kademonyohan” na sumisira sa moral ng mga Pilipino. Giit ito ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers matapos matuklasan na bukod sa mga naunang naiulat na krimeng kaakibat ng pagkakaroon ng POGO sa bansa ang pagkalat ng prostitutes. “Di naman natin nilalahat, pero ang POGO ang tila naging ‘root of evil’ na naglikha at nagdala ng bisyo at krimen sa ating bansa tulad ng kidnap for ransom,…
Read MoreSCAFFOLDING SA QC HOUSING PROJECT BUMIGAY, 1 PATAY
PATAY ang isang construction worker at 10 iba pa ang sugatan nang gumuho ang scaffolding sa ginagawa nilang housing project sa Quezon City kahapon ng umaga. Dead on arrival sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Francis Anzures, 45, ng Brgy. Baesa, QC dahil sa mga tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan. Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang kanyang mga kasamahang sina Renato Gallo, 49, foreman; Jerick Medino, 20; Mark Dave Asis, 21; Reynante Mandak, 50; Junrey Acoymo, 38; Jayson Rebalga, 27; Jerald Silvio, 20; Jorie Modesto, 40;…
Read MoreMALAKANYANG NABAHALA SA PAMAMASLANG KAY PERCY LAPID
NABABAHALA ang Office of the President (OP) partikular na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyaring “senseless killing” sa isang batikang mamamahayag at kasalukuyang radio commentator ng DWBL na si Percy Lapid. Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na inatasan sila ni Pangulong Marcos na tingnan ang isinasagawang imbestigasyon ng pananambang at pagbaril sa biktima, pasado alas-8 kagabi, Oktubre 3, ng hindi pa nakikilalang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Las Piñas City. “In fact I was in communication with certain officials who advised me…
Read MoreBOC-SLFU, WAGI SA SEPT TARGET
WALANG kahirap-hirap na naabot ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa San Fernando sa lalawigan ng La Union ang itinakdang target collection ng naturang distrito para sa buwan ng Setyembre. Sa datos ng BOC Financial Service (BOC-FS), nakapagtala ng P1,055,542,982.88 kita ang BOC-Port of San Fernando, La Union (BOC-SLFU) katumbas ng “outstanding performance” sa larangan ng wasto at naaayong sistema ng paglikom ng buwis at taripang kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento sa pinangangasiwaang pantalan sa gawing hilaga ng Luzon. Batay sa pagtataya ng BOC-FS, lumabis pa…
Read MoreBOC-LEGAZPI HATAW SA ANNUAL TARGET!
TATLONG buwan bago matapos ang 2022, sapul na agad ng Bureau of Customs – Port of Legazpi ang (BOC-Legazpi) ang itinakdang target collection ng naturang distrito para sa kasalukuyang taon. Sa ulat ng BOC Financial Service Office, umabot na sa P406.49 milyon (katumbas ng P31.43 milyong surplus) ang ipinasok na kita ng BOC-Legazpi – malayo sa takdang target collection na P375 milyon. Sa pagtataya ng BOC Financial Service, nakapagtala ng 8.38% increase ang naturang distrito. Para naman kay BOC-Legazpi acting District Collector Arthur Sevilla, malaking bentahe sa kanyang pinamumunuang distrito…
Read MorePAGBABAGONG LUBOS
imbestigahan natin ni JOEL O. AMONGO KUNG ang target ng pamahalaang linisin ang isang ahensyang kilala bilang kanlungan ng katiwalian, higit na kailangan ang isang mabigat subalit maingat na pagpapasyang magbibigay-daan sa tinatawag na rigodon. Subalit taliwas sa karaniwang rigodon, hindi angkop ang pakikipagpalitan lang ng mga opisyal sa mga sensitibong pwesto. Para sa mga Customs broker at port trucker, panahon nang palitan ng buo ang talaan ng mga opisyales ng Bureau of Customs (BOC) kung ang seryoso ang bagong talagang Customs Commissioner na linisin ang kawanihang pinamumunuan. Bagama’t nakikitaan…
Read More