INAASAHAN na ano mang oras ang paglabas ng asam-asam na ISO Certification para sa Subport of Dadiangas na sumailalim sa huling yugto ng prosesong isinasagawa ng external certifying body na Tüv-Süd. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), rekomendado na rin ng mga itinalagang Tüv-Süd auditors para sa ISO 9001:2015 Certification ang naturang tanggapang bahagi ng Port of Davao, bunsod ng ipinamalas na sigasig at husay ng mga kawani sa pagtupad ng kanilang buwanang collection target at pagpapatupad ng reporma sa nasabing distrito. Kabilang naman sa naging batayan ng Tüv-Süd ang…
Read MoreAuthor: admin 2
2 SILAT SA CAVITE, DROGA BULILYASO
TIMBOG sa isang pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA) at mga katuwang na ahensya ng gobyerno ang dalawa katao kaugnay ng nabistong drogang ikinubli sa mga laruang pambatang padala mula sa ibang bansa. Sa kalatas ng BOC, arestado sa kinasang controlled delivery operation sa Lungsod ng Bacoor sa lalawigan ng Cavite ang dalawang hindi pinangalanang suspek sa aktong pagtanggap ng mga drogang nakakubli sa mga laruang mula pa sa Victoria, London. Ayon sa PDEA na bahagi ng isinagawang imbentaryo ng kumpiskadong kontrabando,…
Read MoreMODERNISASYON NG BOC, SUPORTADO NG UN-ESCAP
Ni JOEL O. AMONGO KAPWA kinatigan ng United Nations Economic and Social Commission for Asia at Bureau of Customs BOC) ang isahang pagkilos ng mga miyembrong bansa sa pagpapatupad ng National Window System (NSW) na nagbibigay proteksyon laban sa mga sindikato sa likod ng pagpupuslit ng mga kontrabando. Sa ginanap na Summit 2022 na may temang “Towards the Next Generation of the Philippine National Single Window,” sinuportahan din ng UN-ESCAP ang isinusulong na modernisasyon ng BOC at iba pang ahensyang mandato’y palakasin ang ekonomiya ng bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos,…
Read MoreTOP 6 MWP SA PROVINCIAL LEVEL NASUKOL SA CAVITE
(SIGFRED ADSUARA) HINDI na umubra ang mala-palos na diskarte ng isang security guard na nasa listahan bilang Rank #6 Most Wanted Person (MWP) Provincial Level nang masakote ito sa ikalawang operasyon ng mga operatiba ng Cavite police kamakailan sa bayan ng Silang. Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek na si Victorious Baylosis y Blanca, alias Victor, 29, residente ng Brgy. Yakal Bulihan, Silang, Cavite, na kinabibilangan ng Robbery with Violence Against or Intimidation of Person at Murder. Sa ulat, base sa direktiba ni Regional Director PBGen Jose Melencio C…
Read MoreESKWELAHAN SA LOS BAÑOS NASUNOG
LAGUNA – Tinupok ng apoy ang ilang bahagi ng Lopez Elementary School sa Brgy. Batong Malake, sa bayan ng Los Baños noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection – Los Baños, dakong alas-6:00 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa dakong likuran ng eskwelahan. Natupok ang buong 2nd floor ng isa sa mga gusali at naabo ang limang silid-aralan. Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at nakontrol dakong alas-7:15 ng gabi at idineklarang fire-out bandang alas-8:00 ng gabi. Inaalam pa ng BFP ang halaga ng pinsala at ang sanhi…
Read MoreBAHAY NG KOREAN NATIONALS NILOOBAN
CAVITE – Nagkasa ng manhunt operation ang Cavite Police hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek na puwersahang pumasok sa bahay ng mga Korean national sa isang subdibisyon sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw. Inaalam pa ang pagkakakilanlan at bilang ng mga mga suspek na pumasok sa bahay ng mga biktimang sina Kidae Lee, 61; Byeongjun An, 55; Seonghwan Lee, 54; Hyoungwoo Kim, 43, at Seonghoon Kim, 51, pawang mga residente ng Eagle Ridge Subdivision, Brgy. Javalera, Gen. Trias City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-3:30…
Read MoreDRUG TEST BAGO RAKET SA MGA ARTISTA
ITINUTULAK ng chairman ng House committee on dangerous drugs na isailalim sa mandatory drug test ang mga aktor, aktres at iba pang celebrities bago sila bigyan raket. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mungkahi matapos mahuli ang aktor na si Dominic Roco at 4 kasama nito sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) noong Sabado ng madaling araw. Si Roco na anak ng multi-awarded actor na si Bembol Roco ay nakumpiskahan umano ng P112,000 halaga ng shabu, P14,000 halaga ng marijuana, weighing scale, at…
Read MoreWANTED SA RAPE SA CEBU NATUNTON SA RIZAL
SWAK sa selda ang isang lalaki makaraang madakip ng mga operatiba ng Special Mayor’s Reaction Team ng District Investigation Division ng Manila Police District, dahil sa tatlong kaso ng sexual assault, nang matunton sa pinagtataguan nito sa Taytay, Rizal noong Sabado ng umaga. Kinilala ang suspek na si alyas “John”, nasa hustong gulang at top 2 most wanted person sa Cebu City. Ayon sa ulat ni P/Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., bandang alas-7:00 ng umaga nang matunton ang suspek sa Tikling Road, Taytay, Rizal. Inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa…
Read MoreCARNAPPER NA RAPIST NABITAG NG NPD
NAGWAKAS sa karsel ang halos tatlong taong pagtatago ng isang suspek sa rape sa lalawigan ng Leyte at kasapi umano ng isang carnapping group, matapos masakote ng mga operatiba ng Northern Police District. Arestado ang suspek na si Alberto Panisan y Abrahan, 47, istambay, huling nanirahan sa Brgy. Valencia, Quezon City. Si Panisan ay sinasabing miyembro ng Limos carnapping syndicate na nag-o-operate sa Metro Manila, at ikaanim sa most wanted persons ng Police Regional Office 8. Ang suspek ay may warrant of arrest para sa kasong rape na inisyu ni Presiding…
Read More