MAHIGIT ISANG LIBONG SAKO NG BASURA NAHAKOT SA DOLOMITE BEACH

UMABOT sa mahigit 1,000 sako ng basura ang nahakot ng daan-daang volunteers na nagtulung-tulong sa paglilinis sa baybayin ng Manila Bay kabilang ang tinaguriang Dolomite Beach sa Roxas Blvd., Maynila kaalinsabay ng International Coastal Cleanup Day, Linggo ng umaga. Kabilang sa mga nahakot ng volunteers mula sa mga non-government organization at ahensya ng pamahalaan ang plastic sachets ng iba’t ibang produkto, tsinelas, plastic bags, at iba pang hindi nabubulok na basura. Ayon sa Philippine Coast Guard, nag-umpisa ang coastal cleanup dakong alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga. Kasabay rin…

Read More

TANOD ITINUMBA SA SARI-SARI STORE

PATAY ang isang 51-anyos na barangay tanod makaraang barilin sa ulo ng isang lalaki sa loob ng kanyang sari-sari store sa Benita St., Gagalangin, Tondo, Manila. Kinilala ang biktimang si Marvin Martinez y Laxamana, may asawa at residente ng Gagalangin, Tondo. Samantala, iniutos ni Manila Police District Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang pagtugis sa suspek na si Vello Bacha y Abibuag, nasa hustong gulang, at residente ng Paliparan, Dasmariñas Cavite. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang…

Read More

GINANG PINATAY NG ASAWA SA BIRTHDAY NG ANAK

patay

DAVAO DE ORO – Ang masayang salo-salo bunsod ng kaarawan ng isang batang lalaki ay nauwi sa lamay nang pagtatagain ng ama nito ang kanyang nanay sa loob mismo ng kanilang bahay sa bayan ng Maco sa  lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Ayon sa ulat ng Maco Municipal Police Station, napatay sa pananaga ang 20-anyos na si Jelly Joy Coscos. Habang hawak na ng mga awtoridad ang 28-anyos na live-in partner ng biktima matapos na sumuko sa kanilang barangay officials makaraan ang krimen. Ayon sa pulisya, masayang nagdiriwang ang…

Read More

3 SUNDALO PATAY SA AMBUSH SA BASILAN

BASILAN – Tatlong kasapi ng Philippine Army 18th Infantry Battalion ang namatay kasunod ng sagupaan laban sa isang grupo ng lawless elements sa Barangay Magkawa, sa bayan ng Al Barka sa lalawigang ito noong Huwebes ng hapon. Ayon sa inisyal na ulat na ibinahagi ni BGen. Domingo Gobway, commander ng Joint Task Force Basilan, hinihinalang inabangan ng nasa pitong miyembro ng lawless elements na pinamumunuan ng isang Abaas Jangkatan, ang mga sundalong papalit sana sa isang military detachment. Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan na ikinamatay ng tatlong sundalo, dalawa rito…

Read More

MISIS AT IRANIAN LOVER, IPINADAKIP NI MISTER

CAVITE – Ipinaaresto ng isang 46-anyos na welder ang kanyang misis at ang lover nitong Iranian national nang madiskubreng limang taon nang nagsasama ang mga ito sa iisang bubong sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 33 ng Revised Penal Code (adultery) ang mga suspek na sina Cynthia Tampol Atienza, 28, at Saeed Habibi, 54, Iranian national, kapwa naninirahan sa Brgy. Julugan 6, Tanza, Cavite, dahil sa reklamo ni Resty Gahol Atienza, ng Brgy. Santol, Balayan, Batangas. Ayon sa salaysay…

Read More

NEGOSYANTE NAGBIGTI SA CAVITE

CAVITE – Nagbigti ang isang 41-anyos na negosyante sa loob ng kanilang bahay sa Trece Martires City nitong Biyernes ng madaling araw. Dinala sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Eustaquio Capistrano ng Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite, subalit idineklarang dead on arrival. Sinabi ni Marilou Borba y Icarro, live-in partner ng biktima, kay P/SSgt. Bryan Jay Comia, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang madiskubreng nakabigti ang biktima gamit ang handle ng backpack sa 2nd floor ng kanilang bahay. Ayon kay Borba, ilang beses nang tinangka ng biktima…

Read More

RIDING IN TANDEM TINUTUGIS SA PAMAMARIL SA JAPANESE

CAVITE – Tinutugis ng mga tauhan ng Cavite Police ang riding in tandem na nakasuot ng uniform ng isang courier company, na responsable sa pamamaril sa isang Japanese national sa Gen. Trias City noong Huwebes ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Osamo Yamada, 52, director ng RTECH, at nanunuluyan sa Barangay Toclong 1C, Imus City. Inilarawan naman ang mga suspek na magkaangkas sa isang green na motorsiklo at nakasuot ng kulay orange na uniporme ng isang courier company. Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima malapit…

Read More

INIWAN NG MAG-INA, BINATILYO NAGBIGTI

NADISKUBRENG nakabigti sa kanilang bahay ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang iwanan ng kanyang kinakasama at ipagkait ang kanilang anak, sa San Andres Bukid, Manila nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Jude Angelo Tumilac, residente ng San Andres Bukid, Manila. Base sa ulat na isinumite ni Det. Jason Ibasco kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-12:00 ng madaling araw nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa kanyang kuwarto. Isinugod ang biktima sa Ospital ng Maynila subalit idineklarang dead on arrival. Ayon…

Read More

TUMAWID NA PASLIT PATAY SA SUV

DEAD on Arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang 4-anyos na babaeng paslit makaraang masagasaan ng isang SUV na Mitsubishi Montero Sport habang tumatawid sa southbound lane ng Adriatico St., sa panulukan ng Quirino Avenue, Malate, Manila, noong Huwebes ng hapon. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng SUV na si Gil Cruzada, 63-anyos, may asawa, retiradong overseas Filipino worker, at residente ng San Isidro, Parañaque City. Bukod kay Cruzada, posibleng sampahan din ng kaso ang magulang ng paslit dahil sa kapabayaan. Batay sa ulat ni Police SSgt.…

Read More