2 TIRADOR NG MOTORSIKLO ARESTADO SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang dalawang umano’y sangkot sa kasong carnapping sa Brgy. Vitin, sa bayan ng Bay sa lalawigang ito, noong Lunes. Nadakip ang mga suspek na sina Roger Lina Esculla at Jeffrey Agsalud matapos ireklamo sa kasong carnapping ng biktimang si Bryan Bautista Ortiz . Ayon kina P/SSgt. Dominic Julian at P/SSgt. Frederick Bembo, dakong alas-2:30 ng hapon nangyari ang insidente sa Brgy. Bitin, Bay, Laguna. Alas-5:20 ng hapon, nagsagawa ng joint follow-up operation ang Bay Police Station at Calamba PNP at nasakote ang mga suspek sa Sitio Pulong…

Read More

9 ARESTADO SA MGA BARIL SA ANGONO

RIZAL – Arestado ang siyam katao sa reklamong panggugulo at masamsam sa mga ito ang iba’t ibang klase ng armas sa Purok-2, Lower Sakura, Brgy. Mahabang Parang sa bayan ng Angono sa lalawigang ito Ayon sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay Calabarzon-4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Marvin Manlonongan Perez, Jerry Manlonongan, Reneboy Regala, Russel Gamilde, Reynaldo Regala, Randy Delfina, Noel Salan , Allan Pagdanganan at Ramon Silvestre. Napag-alaman, dakong alas-9:00 ng gabi noong Setyembre 4, inireklamo…

Read More

GUMAHASA SA 4 GURO PINATUTUGIS NI VP SARA

HINDI na natiis ni Vice President at Department of Education Secretary  Sara Duterte-Carpio na pagala-gala pa rin ang mga suspek sa panghahalay at pagnanakaw sa apat na mga guro sa Camarines Sur, kaya inatasan nito ang  Philippine National Police (PNP) na madaliin ang paghanahanap sa mga responsable sa krimen. Nabatid na may  isang buwan na ang nakararaan ay wala pa ring ‘lead’ ang PNP sa krimen kung kaya’t si VP Inday Sara na ang nag-utos sa mga ito na madaliin ang pagresolba sa kaso ng mga guro na ginahasa at…

Read More

SUNOG SUMIKLAB SA ABS-CBN

SUMIKLAB ang sunog sa compound ng ABS-CBN sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City, dahilan upang pansamantalang suspindehin ang mga programa ng TeleRadyo at ANC kahapon ng umaga. Bandang 7:00 ng umaga (September 6)  nang magsimula ang sunog sa Main Building, kung saan matatagpuan ang production studio at opisina ng Integrated News and Current Affairs division na nagpapatakbo sa Teleradyo at ABS-CBN News Channel. Sa pahayag ni ABS-CBN “Sakto” co-host Jeff Canoy, kasalukuyan siyang nagpoprograma ng makarinig ng fire alarm, at agad na pinasuspinde ang mga live news programs. Agad namang…

Read More

Dahil sa pabayang university admin MALABON UNIVERSITY, MAY MATRIKULA NA

NAGSAMPA ng petisyon ang mga mag-aaral ng City of Malabon University (CMU) bilang pagtutol sa pagkakatanggal ng CMU sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) ng Commission on Higher Education (CHED) at pag-obliga sa kanilang magbayad ng matrikula. Sa petisyon na ipinaskil online ng  mga estudyante ng CMU, inihayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga alalahanin sa pagkakatanggal sa CMU sa UniFAST, isang ahensyang pangunahing nagpapatupad ng Free Higher Education (FHE) at Tertiary Education Subsidy (TES) program sa ilalim ng Republic Act (RA)  10931, na kilala rin…

Read More

P9.6-M REWARD NG PDEA SA 11 TIPSTERS

MISTULANG tumama sa Lotto jackpot ng PCSO ang 11 civilian informants na naghati-hati sa kabuuang P9,684,257.86 cash rewards mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa awarding ceremony kahapon sa PDEA National Headquarters sa Quezon City. Pinapurihan ni PDEA Director General Wilkins M Villanueva ang mga impormante na kinilala sa pamamagitan ng kanilang mga codename: Dream, Indah, Aquaman, Bruno, Datu, Jojo, Mashu, Marvin, Mambo, Ali at Tin dahil sa pagbibigay ng impormasyon na humantong sa matagumpay na pagsasagawa ng anti-drug operations, pagkakasamsam ng malalaking halaga ng ilegal na droga, at ang…

Read More

Pagtitiyak ni Ruiz sa Senado ASUNTO ISASAMPA KONTRA SMUGGLER AT PROTEKTOR

Ni angel f. jose WALANG planong ibaon sa limot ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang rekomendasyong pagsasampa ng mga karampatang asunto ng Senado sa mga personalidad na bahagi ng talaang inilabas ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) kaugnay ng malawakang agri-smuggling sa bansa. Ito ang tiniyak ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasabay ng pahiwatig sa mga mambabatas ng patuloy na pangangalap ng mga ebidensyang higit na kailangan para tumindig ang kaso sa husgado. Bukod sa mga pangalan ng mga negosyante, bahagi rin ng naturang talaan ang…

Read More

PETISYON KONTRA BOC AUTOMATION, KINAPON

Ni JESSE KABEL TULUYAN ng kinapon ng husgado ang petisyong kumukwestyon sa siento-por-sientong automation ng mga transaksyon ng Bureau of Customs (BOC), batay sa inilabas na pasya ng Manila Regional Trial Court. Sa hatol na ibinaba ni Judge Paulino Gallegos ng Manila RTC Branch 47, binigyan lang ng limang araw ang BOC para tupdin ang desisyon ng husgado kaugnay ng nabinbing “computerized processing system” sa Aduana. “Considering the appointment of the new commission of the Bureau of Customs, honorable Yogi Filemon Ruiz, let the decision and writs of execution in…

Read More

Inspeksyon sa mga bodega, ‘di ititigil TRABAHO LANG!

Ni JUAN PABLO OPERARIO SA kabila ng mga batikos, hindi nagpatinag ang Bureau of Customs (BOC) kasabay ng patuloy at kabi-kabilang inspeksyon ng mga bodega bilang tugon sa direktiba ng Pa­ngulo – ang tiyaking walang magaganap na pagpiit sa mga produktong pang-agrikultura. Patunay nito ang pinakahuling pagsabak ng mga tauhan ng kawanihan sa lalawigan ng Batangas kung saan P1.8-bilyong halaga ng asukal ang tumambad sa isang bodega. Paglilinaw ng ahensya, hindi pagsalakay ang pakay ng operasyon kundi isang inspeksyon sa hangaring tiyaking naaayon sa batas ang dinatnang supply ng asukal…

Read More