P9.6-M REWARD NG PDEA SA 11 TIPSTERS

MISTULANG tumama sa Lotto jackpot ng PCSO ang 11 civilian informants na naghati-hati sa kabuuang P9,684,257.86 cash rewards mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa awarding ceremony kahapon sa PDEA National Headquarters sa Quezon City.

Pinapurihan ni PDEA Director General Wilkins M Villanueva ang mga impormante na kinilala sa pamamagitan ng kanilang mga codename: Dream, Indah, Aquaman, Bruno, Datu, Jojo, Mashu, Marvin, Mambo, Ali at Tin dahil sa pagbibigay ng impormasyon na humantong sa matagumpay na pagsasagawa ng anti-drug operations, pagkakasamsam ng malalaking halaga ng ilegal na droga, at ang pag-aresto sa high-value targeted drug personalities sa ilalim ng PDEA Operation: Private Eye.

Ang “Operation Private Eye” ng PDEA ay isang programa sa pagkolekta ng impormasyon na nakabatay sa mamamayan na idinisenyo upang hikayatin ang aktibong partisipasyon ng mga pribadong mamamayan na mag-ulat ng mga aktibidad hinggil sa ilegal na droga sa kanilang mga komunidad.

Sa nasabing bilang ng civilian tipsters, ang informant na “Dream” ang tumanggap ng pinakamalaking cash reward, na nagkakahalaga ng P9 milyon para sa apat na magkakahiwalay na matagumpay na operasyon. (JESSE KABEL)

255

Related posts

Leave a Comment