Dahil sa pabayang university admin MALABON UNIVERSITY, MAY MATRIKULA NA

NAGSAMPA ng petisyon ang mga mag-aaral ng City of Malabon University (CMU) bilang pagtutol sa pagkakatanggal ng CMU sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) ng Commission on Higher Education (CHED) at pag-obliga sa kanilang magbayad ng matrikula.

Sa petisyon na ipinaskil online ng  mga estudyante ng CMU, inihayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga alalahanin sa pagkakatanggal sa CMU sa UniFAST, isang ahensyang pangunahing nagpapatupad ng Free Higher Education (FHE) at Tertiary Education Subsidy (TES) program sa ilalim ng Republic Act (RA)  10931, na kilala rin bilang Universal Access to Quality Tertiary Education Law.

Nakasaad sa petisyon na dahil sa kapabayaan ng dating administrasyon ng nasabing unibersidad sa pagpapasa ng mga requirement para sa UniFAST, mawawalan ng ayuda ang CMU, at mapupwersang magbayad ng matrikula ang mga mag-aaral na karamihan ay mula sa middle hanggang low-income na pamilya sa Malabon, Navotas at South Caloocan.

Iginiit ng nagrereklamong mga estudyante na dapat maging “accountable” ang nakalipas na administrasyon ng unibersidad sa kanilang kapabayaan sa mga estudyante, propesor at iba pang stakeholders ng CMU, at inulit na karapatan nilang magkaroon ng libre at de-kalidad na edukasyon. (ALAIN AJERO)

444

Related posts

Leave a Comment