ANYARE SA AMNESTY INTERNATIONAL?

MATAAS ang expectation ng mga tao sa mundo sa ­Amnesty International (AI) lalo na ang mga biktima ng karapatang pantao dahil ang grupong ito ang nakikipaglaban para palakasin ang human rights sa daigdig kabilang na ang Pilipinas. Pero gumuho ang reputasyon ng AI matapos ang tila pagkampi nila sa Russia at sinisi ang mga sundalo ng Ukraine na gumagamit ng taktika na naglalagay sa panganib sa mga Ukrainian. Hindi ikinonsidera ng AI ang katotohanan na ang Russia ang lumusob sa Ukraine at ang mga sundalong Russo ang walang habas na…

Read More

MAY PROBLEMA ANG NATIONAL ID PROJECT

NOONG Enero ng nakaraang taon kung kailan nasa kasagsagan ang pananalasa nang COVID-19, nakatanggap ako ng abiso mula sa Makati City Hall kung saan inaanyayahan ang mga residente ng lungsod para magpatala kaugnay ng programa para sa national ID. Dahil maganda naman ang layunin ng programa ay agad akong nagpunta kasama ang isa kong anak sa city hall para magpatala. Gaya ng inaasahan ay pumila kami at matapos kaming kuhanan ng aming personal details at ­maging ng larawan ay natapos ang proseso. Pagkatapos noon ay sinabi ng staff ng Philippine…

Read More

GOV’T OFFICIALS NA PASAWAY, RESIGN!

KAYONG mga nasa gobyerno na ang pakay lang ay kumuha ng pwesto para pagkaperahan ang opisina na inyong pinapasukan, ngayon pa lang ay magsabay-sabay na kayong magsipag-resign. Sundan n’yo agad si Department of Agriculture ­Undersecretary ­Leocadio Sebastian na nasa likod ng kontrobersiya sa planong ­pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal. Si Sebastian ay napilitang magbitiw sa kanyang pwesto matapos na matuklasan na siya ang pumirma sa resolusyon na naglalayong mag-importa ng 300,000 metric tons ng asukal ang Sugar Regulatory Administration (SRA). Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong nakaraang…

Read More

Panawagang pagkakaisa ni PBBM binigyang diin ni Rep. Nograles CSO INILUNSAD SA ANGONO, RIZAL

PORMAL na nanumpa ang mga miyembro ng Civil Society Organization (CSO) sa bayan ng Angono, Rizal na pinangunahan ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles, kumatawan kay Vice President Sara Duterte. Sa panayam ng SAKSI Ngayon kay Nograles, ipinaliwanag nito ang kahalagahan ng CSO at ang papel na gagampanan nito sa pagbangon ng bansa. “Ang Civil Society Organization ay iba’t ibang samahan na kinakailangang dumaan sa proseso ng akreditasyon, sa tulong ng DILG, hindi naman komo mayroon kayong samahan ay kikilalanin na kayo, kailangan po natin ang akreditasyon para kilalanin…

Read More

SUNSHINE SAGWA NANG MAGPASEKSI

NAUBOS ang pasensya ni Sunshine Cruz sa mga basher na tumutuligsa sa kanyang pananamit. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post noong Aug. 10, sinagot ng 45 year old actress ang ilang komento na nagsasabing hindi akma ang kanyang sexy outfits sa edad, lalo na’t siya ay may anak na. Komento ng isang netizen, “kasawa rin ‘yung puro ganyan, itsura niya. Wala ba siya damit? Sabi pa ng isa, “what happen to you? Wala ka na sa edad pero nagpo-post ng ganyan.” Kalakip ang kanyang litrato na naka-two piece at ang…

Read More

JULIA LALONG MINAHAL SI COCO SA WAKAS NG FPJAP

VERY proud si Julia Montes kay Coco Martin dahil natupad ang pangarap nitong magdirek at ipinakita ang husay sa pagtatapos ng FPJ Ang Probinsyano. Sa kanyang appreciation post sa Instagram, ramdam ang wagas na pagmamahal ng aktres sa sikat na aktor. Isinabay ni Julia ang mensahe sa pagwawakas ng teleserye noong Biyernes ng gabi, August 12. “Proud na proud ako sa iyo!” bahagi ng mensahe ni Julia para kay Coco. Matagal nang napabalitang karelasyon ng aktres si Coco, na binigyan siya ng importansya sa huling eksena ng “Ang Probinsyano.” “Isa…

Read More

APPOINTMENT NI CELIS BILANG COMELEC COMMISSIONER KINUMPIRMA NG PALASYO

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang nominasyon ni Nelson Java Celis bilang Commission on Elections (Comelec) Commissioner. Pinalitan ni Celis si Commissioner Aimee Torrefranca-Neri. Mananatili ang termino ni Celis sa poll body hanggang February 2, 2029. Sa kabilang dako, sinabi naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na dadaan pa sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments ang nominasyon kay Celis. Si Celis ay nagtapos sa kursong Electronics and Communications Engineering sa Don Bosco Technical College. Siya ay nagtapos din ng Master/Doctor of Business Administration sa De La Salle University (DLSU) kung saan…

Read More

CABINET NI PBBM ‘DOING A GOOD JOB’

WALA pang nakikitang problema si Senador Christopher “Bong” Go, miyembro ng Commission on Appointments (CA) sa mga itinalagang Cabinet members ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kasalukuyan ay hindi pa nakatanggap si Go ng official list ng appointees subalit base sa kanyang obserbasyon, ang gabinete ni Pangulong Marcos ay ‘nagtatrabaho’. “Hindi pa dumating sa amin ‘yung listahan formally pero so far, nakikita ko na nagtatrabaho naman sila,” ayon kay Go sa isang panayam sa   Barangay Maliksi 2, Bacoor City, Cavite, nitong Linggo. “Kung qualified naman po ay susuportahan natin…

Read More

LOLO’T LOLA SA PINAS MAS MARAMI KAYSA BATA

BUMABA ang bilang ng mga kabataang Pilipino sa nakalipas na taon habang lumawak naman ang bilang ng mga lolo’t lola. Sinabi ng Commission on Population and Development (POPCOM) na ang “population pyramid” ng Pilipinas ay kasalukuyang mahigpit sa ilalim o laylayan, kinabibilangan ng mga kabataang Pinoy na may edad ” zero to 4″; habang tumaas naman sa itaas o sa tuktok, sumasalamin sa bahagi ng senior citizens o mga lolo’t lola dahil sa patuloy na paglago at pagdoble ng bilang sa nakalipas na 20 taon. Tinukoy ang kamakailan lamang na…

Read More