NOGRALES NANUMPA KAY VP SARA DUTERTE

(BERNARD TAGUINOD) NANUMPA bilang kinatawan ng ika-4 distrito ng lalawigan ng Rizal si Rep. Fidel Nograles kay Vice President Sara Duterte sa Davao City. Si Nograles ay lumamang ng mahigit 60,000 boto sa kanyang dalawang kalaban noong nakaraang eleksyon sa bagong congressional district ng Rizal o ang mismong bayan ng Montalban. “It is an honor to be sworn in by VP Sara, who has a strong and clear mandate to serve from the people,” ani Nograles. Miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ang mambabatas habang tumatayong co-chairman ng partido ang…

Read More

DAYUHAN NA SASAWSAW SA RALLY, PALALAYASIN

AGARANG deportasyon ang ipapataw ng Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang sasali sa mga rally o sa iba pang political demonstration sa bansa, ayon sa pahayag ng pamunuan ng ahensiyang ito. Ang babalang ito ay may kaugnayan sa presidential inauguration ni Ferdinand “Bongbong” Marcos kahapon sa harap ng National Museum sa Intramuros, Manila. Sa ilalim ng Immigration Laws, ipinagbabawal sa mga dayuhan na makisawsawΒ sa mga rally, sapagkat anila isa itong pagpapakita ng kawalang galang sa immigration laws. Bukod sa mga rally, “foreigners are also prohibited from supporting, contributing or…

Read More

TAX LITERACY ITUTURO SA MGA ESTUDYANTE

IPINORMA na ang isang panukalang batas sa Kamara na dagdagan ang ang aralin o subject ng mga estudyante sa bansa partikular na sa “tax literacy and responsibility” Sa House Bill (HB) 76,Β nais ni Albay Rep. Edcel Lagman na ituro ang subject na ito mula elementarya hanggang kolehiyo. Maging ang mga estudyante na kumukuha ng technical at vocational courses ay ituturo umano ang subject na ito kapag naipasa sa susunod na Kongreso na pormal na nagsimula kahapon bagama’t sa Hulyo 25 pa pormal na bubuksan. “Tax Consciousness and Responsibility ActΒ will complement…

Read More

CONCEPCION: MARCOS INAUGURAL ADDRESS, TAGOS SA MGA PINOY ENTREPS

“President Marcos spoke of the people’s dreams being his own dreams, of wishing for a better life in a safer, more prosperous country. I think that resonated deeply with our country’s small entrepreneurs,” sabi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion nang batiin niya si President Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. sa kanyang inagurasyon bilang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas. “Labis akong naantig sa inaugural address ng Pangulo,” ani Concepcion. “Ibinahagi niya ang isang komprehensibong pananaw para sa ating bansa, at ang katungkulan ng pamahalaan para sa mga mamamayan nito.” Sinabi ni…

Read More

Gov’t officials ng Negros Oriental, all out support kay Gov. Teves

TILA isang malaking pahiwatig na ang probinsya ng Negros Oriental ay magkakaroon ng malaki at magandang pagbabago matapos magtipon ang mga mambabatas, mga alklade at bise alkalde at ibang opisyales upang suportahan at saksihan ang oathtaking ni Governor-elect Pryde Henry Teves na ginanap ngayong araw. Sa unang pagkakataon, ramdam ng mga Negrosanon ang magandang kinabukasan na kanilang aasahan sa pamumuno ni Gov. Teves lalo pa at lahat ng alkalde ng probinsya ay todo suporta sa bagong luklok na governador ng probinsya. β€œKalimutan po muna natin ang politika, magsama-sama po tayo…

Read More

TUTULOY SA PRO O TITIGIL SA BOKSING?

TALO si Emmanuel Pacquiao Jr. o Jimuel sa ikaapat niyang amateur fight sa US kamakalawa ng gabi. Bago ang laban ginanap sa San Francisco’s Irish Center, hawak ni Jimuel ang 3-0 record. Pero, dinungisan iyon ni Chris Smith. Ayon sa mga nakasaksi sa laban, tumodo nang palitan ng suntok si Jimuel, subalit mas nanaig si Smith sa bandang dulo. Matapos ang laban, aminado si Jimuel hindi maiiwasang matalo, sa kabila nang Β­matinding ensayong ginawa niya. Hindi pa rin siya tiyak kung papasukin ang professional boxing. Mahalaga sa kanya, maka-kuha ng…

Read More

BELEN, LAURE SALI SA PH TEAM SA 2022 AVC CUP FOR WOMEN

ISINAMA ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang pinakamahuhusay na collegiate players sa national team na sasabak sa 2022 AVC Cup for Women na nakatakda sa Agosto. Sinabi ni PNVF national teams commission chair Tony Boy Liao, layon nila na maagang mahasa para sa international competitions ang mga young player sa bansa. Unang inilunsad ang Philippine Volleyball League (PVL) Invitational Conference kapartner ang Sports Vision ni Ricky Palou na magsisilbing tulay sa pagbubuo sa future national women’s team. Ilan sa inaasahang makaΒ­kasama sa AVC Cup ang kauna-unahang Rookie-MVP ng UAAP…

Read More

PBA PH CUP CHAMP, RUNNER-UP SA EASL

PLANO ng PBA na ang tatanghaling kampeon at runner-up sa 2022 Philippine Cup ang ilalaban sa East Asia Super League na gaganapin sa Oktubre. Makakasama ng PBA All-Filipino champ sa Group A ng EASL ang PLeague+ champ Taipei Fubon Braves, Korean Basketball League (KBL) runner-up Anyang KGC at Japan B. League counterpart Ryukyu Golden Kings, base sa resulta ng drawing of lots noong Martes. Kabilang naman sa Group B ang KBL champion Seoul SK Knights, Japan B. League title holder Utsonomiya Brex, Bay Area Dragons na irerepresenta ang Greater China,…

Read More

LIMANG TAONG TERMINO PARA SA BARANGAY CHAIRPERSONS?

PABOR Si Department of the Interior and Local Government Barangay Affairs Under Secretary Martin DiΓ±o sa panukalang palawigin sa limang taon ang panunungkulan ng barangay executives. Sa panayam ng DWIZ kay Usec. DiΓ±o, mas mainam na bukod sa limang taon ang bawat termino ay gawing pang dalawang termino ang bawat paninilbihan ng bawat barangay executives. Nauna rito, inihayag naman ng incoming administration na pinag-aaralan nito ang panukalang gawing limang taon ang kada termino ng barangay officials mula sa tatlong taon. Ayon kay Incoming Executive Secretary Vic Rodriguez, bukas ang papasok…

Read More