17th PRESIDENT

NGAYONG tanghali, June 30, manunumpa na ang ika-17 Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos siyang iluklok ng 31,104,175 Filipino voters noong nakaraang eleksyon o 58.77% sa mga botante ang bumoto sa kanya. Kabilang sa 16 na naunang pangulo ng bansa ay sina Emilio Aguinaldo, Manuel L. Quezon, Jose P. Laurel, Sergio OsmeΓ±a, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal, Ferdinand Marcos Sr., Corazon Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, Benigno Aquino III at Rodrigo Duterte. Sa makasaysayang National Museum ang…

Read More

INAGURASYON NI PBBM

INAASAHAN na ng Local Β­Government Units (LGUs) at iba pang opisina ng Β­gobyerno na nasa ilalim ng Department of the Interior and Local Β­Government (DILG) na Β­magiging maganda ang takbo nito sa pamumuno ni Incoming DILG Secretary Benhur Abalos. Hindi matatawaran ang karaΒ­nasan ni Abalos na kanyang magiging baon para harapin ang bagong hamon bilang kalihim ng DILG. Mula sa pagiging dating mayor ng Mandaluyong City, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman at maraming iba pang posisyon, ay naging campaign manager siya ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nitong nakaraang May…

Read More

DALHIN SA HUSGADO

HINDI na ikinagulat ng publiko ang paglalabas ng talaan ng pinaniniwalaang mga sangkot sa agri-smuggling sa bansa. Dangan naman kasi, masyadong mahaba na ang kanilang pagsasamantala sa hangaring kumita nang bonggang-bongga. Ayon sa ulat ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), pasok ang 22 malalaking pangalan kabilang ang diumano’y mga tiwaling opisyal na nakikipagsabwatan sa mga sindikato sa likod ng pagpupuslit ng mga produktong agrikultura sa bansa. Pero parang may mali. Una, kulang yata ang talaan. Marahil nawaglit lamang sa NICA ang pangalan ng opisyal ng kagawarang lumalagda sa importation permits.…

Read More

DUTERTE PINASALAMATAN NG KAMARA

“THANK you for your outstanding and excellent service to the Philippine nation.” Ito ang mensahe ni House Majority Leader Martin Romualdez kay President Rodrigo Duterte na bababa na sa puwesto ngayong tanghali ng Hunyo 30 at papalitan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bilang tradisyon, sasalubungin ni Duterte sa Palasyo ng Malacanang si Marcos bilang kanyang kapalit bago pumunta sa National Museum ang huli para manumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Ayon kay Romualdez, mula rito ay magiging private citizen na si Duterte na uuwi na sa kanyang tahanan sa…

Read More

Sa pagbasura ng SC sa DQ petitions WALA NANG BALAKID KAY PRES. MARCOS

NANINIWALA ang dating opisyal ng Commission on Elections na maayos ang magiging takbo ng anim na taong termino ni President Ferdinand Marcos Jr. Ito ay bunga ng pagbasura ng Supreme Court sa disqualification cases na inihain laban sa bagong Pangulo. Si Marcos Jr. ay manunumpa ngayong araw bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Ayon kay dating Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, pinagtibay ng desisyon ng SC sa disqualification cases ni Marcos Jr. ang kanilang naunang desisyon na nagbabasura sa mga nasabing petisyon. “I personally view the Supreme Court’s concurrence to our legal…

Read More

Bayan ng Rodriguez balik sa dating Montalban TINIG NG MAMAMAYAN NANAIG – NOGRALES

(BERNARD TAGUINOD) SA wakas ay matutuldukan na ang kalituhan hindi lamang sa mga residente kung Montalban o Rodriguez ang itatawag sa kanilang bayan. “An expression of the people’s will and an end to confusion”. Ganito inilarawan Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles matapos maging batas ang panukala nito na ibalik sa dating pangalan na Montalban ang bayan ng Rodriguez. “Sa wakas, mareresolba na ang ilang dekadang kalituhan na dala ng isyung ito. Republic Act No. 11812 now puts a stamp of authority on the widely-accepted practice of calling our town…

Read More

50 bagong kaso naitala PINAS MAY 93 OMICRON SUBVARIANT BA.5 CASES NA

NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 50 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant BA.5 dahilan upang pumalo na sa 93 ang kaso nito sa bansa. Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may 38 indibidwal ang mula sa Western Visayas, lima naman ang mula sa National Capital Region, at pito ang returning overseas Filipinos (ROFs). Ani Vergeire, isa sa mga tinamaan ay fully vaccinated laban sa COVID-19, ang isa ay unvaccinated, habang ang vaccination status ng natitirang 48 ay bineberipika pa. Ang isa ay nakapag-develop ng mild symptoms…

Read More

RADIO BROADCASTER NA POLITICAL LEADER NILIKIDA

NAGSASAGAWAΒ ng imbestigasyon ang Cagayan de Oro City PNP hinggil sa radio broadcaster na nilikida ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Kinilala ang biktimang si Federico “Ding” Gempesaw,Β isang radio broadcaster, driver ng taxi, at isa ring political leader. Lumitaw sa pagsisiyasat, pumarada ang biktima sakay ng kanyang minamanehong taxi sa harap ng kanyang bahay nang dikitan ng hindi pa kilalang mga suspek at siya ay ilang ulit na pinaputukan. Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril sakay ng isang motorsiklo. (JESSE KABEL) 269

Read More

HEPE NG LIAN PNP PATAY SA AKSIDENTE

BATANGAS – Patay ang hepe ng pulisya ng bayan ng Lian matapos na ang minamaneho nitong SUV ay sumalpok sa isang ten wheeler truck sa national highway sa Barangay Tulo, sa bayan ng Taal noong Martes ng madaling araw. Ayon sa Taal Police,Β idineklarang dead on arrival sa Batangas Provincial Hospital sa bayan ng Lemery si P/Maj. Amiel Bernardo Sanhi, residente ng Barangay Calicanto,Β  Batangas City, dahil sa grabeng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng ulo at katawan. Batay sa report, dakong alas-12:50 ng madaling araw nang mangyari ang insidente, tinangka…

Read More