MOST WANTED SA TONDO NATUNTON SA CAVITE

ARESTADO ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District at Cavite PNP ang isang wanted person na matagal nang pinaghahanap ng batas, makaraang matunton sa Cavite City. Kinilala ang suspek na si Randy Dela Cruz y Sunga, 22-anyos, jobless, residente ng Lecheros St., Barangay 61, Tondo, natunton ng mga awtoridad sa lalawigan dahil sa tip mula sa impormante. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., commander ng MPD- Special Mayor Reaction Team (SMaRT), bandang alas-3:15 ng hapon noong Biyernes nang isilbi ang arrest warrant laban sa suspek. Pinangunahan…

Read More

13 AREAS SA BULACAN ZERO COVID CASE NA

covid

BULACAN – Patuloy na bumababa ang aktibong kaso ng coronavirus sa lalawigang ito, makaraang maitala ang 50 active cases, isang linggo na ang nakararaan at posibleng mabawasan pa ang mga kaso, ito ay matapos iulat na 12 bayan at isang siyudad ang kumpirmadong zero COVID-19 case na bunga ng epektibong health program ng provincial government sa ilalim ng pamumuno ni re-elect Gov. Daniel R. Fernando. Base sa report ni Felicisima L. Mungcal, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)-Malolos, naitala ang kumpirmadong kaso ng COVID sa Bulacan…

Read More

Nagpa-load saka tumakbo MANGGAGANTSO ARESTADO

CAVITE – Arestado ang isang 26-anyos na lalaki makaraang takasan at hindi bayaran ang P20,000 halaga na kanyang ipina-load sa pamamagitan ng Gcash transaction  sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong cyber estafa ang suspek na si Aries Loyola ng Pinagbuhatan, Pasig City dahil sa reklamo ni Shiela Cojuangco, 39, ng Brgy. San Agustin, Magallanes, Cavite. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Armando Perez ng Magallanes Police Station, nagpa-load sa pamamagitan ng Gcash transaction ang suspek sa biktima ng halagang P20,000 sa pangalan ng isang…

Read More

DUQUE NEXT TARGET SA PHARMALLY SCAM

PINAYUHAN ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Health Secretary Francisco Duque III na kumuha ng magaling na abogado. Ito ay kasunod ng pahayag ni Duque na wala siyang pinagsisisihan sa kanyang mga naging aksyon na may kinalaman sa paglilipat ng pondo sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM). Matatandaang nabalot ng kontrobersya ang aksyon ng kalihim dahil sa mga sinasabing iregularidad sa procurement ng PS-DBM ng supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. Ipinaliwanag ni Drilon na malinaw alinsunod sa Revised Penal Code na may pananagutan si…

Read More

Sa tamang diskarte at pagpaplano P20/KILO RICE POSIBLE – DAR

POSITIBO si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie F. Cruz na maaaring mabigyang katuparan ang campaign promise ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo. Matatandaang mraming agriculture expert ang nagtaas ng kilay dito dahil imposible umanong mangyari at kung mangyari man, sa kalaunan ay papatayin nito ang local farmers. Ngayong nahalal na si Marcos bilang Pangulo ng bansa, maraming Pilipino ang nagpahayag na pinanghahawakan nila ang campaign promise nito,  ayon kay Cruz. Sa isang press briefing nitong Lunes, sinabi ni…

Read More

PRESYO NG LANGIS KAYANG TAPYASIN NG KONGRESO

KUMBINSIDO ang isang militanteng mambabatas na nasa kamay ng Kongreso ang solusyon sa dinaranas na dusang dala ng lingguhang pagpapataw ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo. “For the immediate relief to our people, we call  on the next Congress and the next administration to immediately pass a law that will suspend the collection of the excise taxes on oil now,” kay outgoing Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate, kasabay ng giit para sa regulatory measures sa industriya ng langis. Aniya, higit na angkop pangunahan ng 19th Congress na rebisahin at…

Read More

Sa panunumpa nina PBBM at VP-elect Sara SECURITY PLAN NG PNP PLANTSADO NA

HANDA na ang pwersa ng Philippine National Police (PNP) sa inagurasyon nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio. Bumuo na rin ng task force ang PNP para sa paghahanda sa seguridad at tinatayang nasa pito hanggang walong libong pulis ang ipakakalat sa National Museum kung saan gaganapin ang panunumpa ni Marcos Jr. sa Hunyo 30. Sinabi ni Col. Jean Fajardo, ang tagapagsalita ng PNP, binuo na ang Security Task Group Manila at Security Task Group Davao para sa inagurasyon ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.…

Read More

Alert Level 1 nananatili MT. BULUSAN TULOY SA PAG-AALBUROTO

NANANATILING nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon. Ito ay makaraang makapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nang patuloy na seismic activity ng nasabing bulkan. Bukod pa ito sa nangyaring phrea­tic eruption ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon, noong Linggo ng umaga, Hunyo 5, dahilan upang itaas ng Phivolcs ang alert status nito sa Alert Level 1 o low-level unrest, mula sa dating 0 lamang o normal. “Alert Level 1 status is now raised over Bulusan Volcano, which means that it is currently in an…

Read More

WSC 2 pre-finals, finals hahataw na ngayon

Aarangkada na ngayong araw, Hunyo 6, ang pinakahihintay na 4-cock pre-finals at grand finals sa ikalawang edisyon ng 2022 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum. Nasa 140 sultada mula sa 70 entries ang nakatakdang magsagupa ngayong araw para sa mga kalahok na nakakuha ng 4, 4.5, and 5 panalo mula elimination at semi-final rounds simula ala-una ng hapon ang walang tigil na bakbakan hanggang hating-gabi. Sasagupa sa grand finals sina Antonio Celedio Jr., Nyok/ Tony/ Engr. Canlas, at PT/ Francis Bagang na may malinis na…

Read More