EMERGENCY PREP SA MT. BULUSAN ERUPTION INILALATAG

mt bulusan12

TINIYAK ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec. Ricardo Jalad na nagsasagawa ng mga paghahanda ang gobyerno sakaling magkaroon ng volcanic eruption kasunod ng nangyaring phreatic explosion sa Mt. Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon. Kasabay nito, maging ang mga ahensyang nasa ilalim ng NDRRMC at Office of Civil Defense sa panahon ng kalamidad, ay gumagawa rin ng kaukulang emergency preparations. Subalit inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) Director Dr. Renato Solidum, kasalukuyang nasa alert level pa rin ang sitwasyon ng Mt. Bulusan. Nilinaw ni…

Read More

OBRERO PATAY SA SARILING HUKAY

BATANGAS – Patay ang isang 20-anyos na construction worker makaraang matabunan ng gumuhong lupa sa ginagawang drainage canal sa Barangay Marawoy, Lipa City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:00 ng madaling araw, naghuhukay ang biktima si Jay Vincent Asada, gamit ang pala na umabot sa apat na metro ang lalim, sa tabing kalsada. Sa kasamaang palad, biglang gumuho ang lupa at natabunan ang biktima. (NILOU DEL CARMEN) 266

Read More

ISIS-EAST ASIA SPOKESPERSON NAPATAY NG MILITAR

NAPATAY ng mga tauhan ng Western Mindanao Command Joint Task Force Central ang spokesperson ng Islamic State of Iraq and Syria-East Asia (ISIS-EA) at tumatayong financier ng teroristang grupo sa Pilipinas, kasunod ng isinagawang joint operation sa Maguindanao, kamakalawa ng hapon. Ayon sa ulat na ibinahagi ni AFP WESTMINCOM commander, Lt. Gen. Alfredo del Rosario, isang intelligence driven operation ang inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng 601st Infantry Brigade, 40th Infantry Battalion, at military intelligence units sa Crossing Salbo, Barangay Poblacion, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao na nagresulta sa pagkakapatay kay Abdulfatah Omar…

Read More

3 BAGONG KASO NG BA.5 VARIANT NAITALA NG DOH

covid

NATUKOY ang tatlong kaso ng COVID-19 Omicron BA.5 subvariant sa huling genome sequencing dahilan para umabot na sa lima ang kabuuang kaso, ayon sa Department of Health (DOH). Mula sa Calabarzon ang dalawa sa mga pasyente habang ang lokasyon ng ibang kaso ay biniberipika pa, ani Health Usec Maria Rosario Vergeire. Ang pasyente na tinutukoy pa ang lokasyon ay fully vaccinated habang ang isa pang mula sa Calabarzon ay unvaccinated. Bineberipika pa ang estado ng isa pang pasyente. Ang mga ito ay itinuring nang recovered ngunit tinitingnan pa rin ng…

Read More

Mga tsuper at operator na bibigyan ng subsidy LISTAHAN NG LTFRB PINALALANTAD

KINALAMPAG ni Senador Grace Poe ang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa listahan ng mga drayber at operator na bibigyan ng fuel subsidy sa gitna ng patuloy na paglobo ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. Sinabi ni Poe na dahil sa makupad na pagtugon ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, tuluyan nang naipit ang sektor ng transportasyon. “Ilang drayber at operator ng public utility vehicles ang nakatakdang maglunsad ng malawakang transport strike kapag hindi natugunan ng pamahalaan ang problema sa patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo,” ayon kay…

Read More

Sa gitna ng pagsirit ng inflation rate P500 AYUDA KADA PAMILYA IBIGAY NA

HANGGA’T hindi natatapos ang giyera sa Ukraine na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis, lalong lolobo pa ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa. Ito ang babala ni House Ways and Means Committee chairman, Rep. Joey Salceda matapos i-report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas sa 5.4% ang inflation rate noong Mayo kumpara sa 4.9% noong Abril. Dahil dito, kinalampag ng kongresista ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay na ang ipinangakong P500 kada buwan na ayuda sa bawat pamilyang Filipino. Ipinangako ng Pangulo ang…

Read More

Pito pang kasabwat nabitag din DRUG TRAFFICKER, GUNRUNNER HULI SA CIDG

ARESTADO ang isang hinihinalang drug trafficker at gunrunner, at pitong iba pa sa ikinasang CIDG Flagship Project: OPLAN Paglalansag Omega, OPLAN Big Bertha at Salikop sa Brgy. Culiat, Quezon City noong Hunyo 6. Ayon sa ulat na isinumite ni CIDG-RFU-NCR director, Police Colonel Randy Glenn Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo  DC Cruz, kinilala ang suspek na si Angelo Santiago y Caballero, 22-anyos. Kabilang din sa inaresto ang pitong iba pang mga suspek na sina Leonardo Salazar y Celo, 31; Erwin Corpuz y Corteza, 42; Eduardo delos Santos y…

Read More

MAGSASAKA NAG-OBER DA BAKOD, NANGISAY

QUEZON – Patay ang isang magsasaka matapos na makoryente sa bakod na kinabitan ng live wire ng may-ari ng farm sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Linggo ng tanghali. Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Renato de Torres, 48-anyos, residente ng Barangay Sta.  Monica. Batay sa report ng Tagkawayan Police, ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng mismong may-ari ng farm na si Renato Lacambra, 63-anyos, retired PNP, at residente ng Brgy. Sto.Niño II, Tagkawayan, na nakabulagta sa loob ng compound ng kanyang farm na alagaan ng manok. Napag-alaman, nilagyan…

Read More

Nakalimutang ilabas ng kapatid 2-ANYOS NATUSTA SA SUNOG

CAVITE – Natusta ang isang 2-anyos na lalaking paslit nang makalimutan siyang ilabas ng kanyang kapatid mula sa nasusunog nilang bahay dahil sa pagkataranta sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktima na si John Lloyd Gonzales ng Brgy. Sabang, Dasmariñas City. Ayon sa salaysay ni Hannah Mae Ponce, 18, kay P/SSgt. Gilbert Santos ng Dasmariñas City Police, natutulog sila ng kanyang dalawang nakababatang kapatid sa kanilang barong-barong sa tabi ng Presaris High School sa Brgy. Sabang, Dasmariñas City nang magising siya na nasusunog ang likurang bahagi ng…

Read More