WINAKASAN ng Far Eastern University ang 12 taong paghihintay sa pagsungkit sa kampeonato ng 2022 UAAP Cheerdance Competition Linggo sa Mall of Asia Arena, Pasay City . Na-dethrone ng FEU ang two-time champion National University sa halos perpektong mga galaw para sa 727.5 score, 39 points ang lamang sa pumangalawang Adamson Pep Squad. “It’s been 12 years since last championship namin. Wala nang mas tatamis pa na nag-pay off ang hard work namin ngayon,” sabi ni winning coach Randell San Gregorio. Sa huling dalawang season, back-to-back second place ang FEU…
Read MoreAuthor: admin 2
WARRIORS NAMUMURO
PALAPIT na ang Golden State sa finale. Umiskor si Stephen Curry ng 31 points, habang may ambag si Andrew Wiggins na 27 points kasama ang isang posterized dunk kay Luka Doncic at akayin ang Warriors sa 109-100 win kontra Dallas Mavericks, para sa 3-0 lead sa Western Conference finals, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa American Airlines Center sa Dallas. Nagdagdag naman si Klay Thompson ng 19, dalawang 3-pointers sa fourth quarter at isang panalo pa, balik-NBA Finals ang Warriors, tatlong taon matapos ang kanilang limang sunod na finals…
Read MoreP55-M SHABU KUMPISKADO SA KANKALOO
ARESTADO ang isang lalaki nang makumpiskahan ng P55 milyong halaga ng umano’y shabu sa Caloocan City nitong Lunes ng madaling-araw. Ibinalibag sa selda ang suspek na si Tantawi Naga Sali, alyas “Tangie”, 35, ng Barangay 188, Caloocan City. Nadakip ang suspek dakong alas-3:50 ng madaling araw nitong Mayo 23 sa Phase 12, Riverside, Barangay 188, Tala matapos paiskorin ng shabu ang isang undercover cop. Umabot sa 8.1 kilo ang nakumpiskang hinihinalang shabu na may halagang P55,080,000 kaya’t idiniretso sa presinto ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous…
Read MoreIlalaban ng PDEA KATARUNGAN SA NAPATAY NA TAUHAN
TIWALA ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa justice system na umiiral sa bansa at iginagalang nila ang inilabas na resolusyon ng National Prosecution Service kaugnay sa naganap na ‘misencounter’ sa pagitan ng kanilang mga ahente at mga tauhan ng PNP-Central Police District Quezon City Police. Subalit nanindigan ang PDEA na ang napatay na tauhang si PDEA agent Rankin Bulintao Gano ay nasawi ‘in line of duty’ kasama ang kanilang confidential informant at ang Drug Enforcement Officers na kasama sa operasyon ay binaril, dinisarmahan at sumailalim sa physical na…
Read More400 NAIA PERSONNEL BINALASA NG BI
BINALASA ng Bureau of Immigration (BI) ang halos 400 nilang personnel na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ahensiya na masawata ang korapsyon sa nasabing tanggapan. Sinabi ni BI Port Operations Division chief, Atty. Carlos Capulong, nasa kabuuang 398 immigration officers na nangangasiwa sa pangunahing inspection duties sa premiere port, ang apektado ng pagbalasa. Inihayag niya na ito ay second rotation ng BI-NAIA personnel ngayong taon makaraan ang first rotation na inimplementa noong nakaraang Marso. Pinaliwanag pa ni Capulong, ang layunin ng…
Read MoreLALAKI PINATAY, ISINILID SA BAG NG BANGLADESHI
BATANGAS – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang Bangladeshi national matapos umanong patayin at isilid sa bag ang isang lalaki sa Sto. Tomas City, Linggo ng gabi. Ayon sa report ng Sto. Tomas Police, nadiskubre ang krimen matapos na tumawag sa kanyang landlady na si Jovilynn Villa ang suspek na si Ahmed Sabuj, 28, at itinuro ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima na iniwan nito sa kanyang inuupahang apartment sa Avant Garden Subd. sa Brgy. San Roque. Agad na nagtungo ang landlady himpilan ng pulisya at ini-report ang pangyayari. Nang puntahan ng…
Read MoreSABUNGERO TODAS SA TARI
QUEZON – Patay ang isang sabungero matapos na ito ay mahiwa ng tari ng manok na kanyang ilalarga sa sabungan sa bayan ng Tagkawayan, Linggo ng hapon. Kinilala ng Tagkawayan Police ang biktimang si Ronnel Nator, 47, tubong Zamboanga City at nakatira sa Brgy. Candalapdap, Tagkawayan Ayon sa ulat, nasa loob ng arena ang biktima at bibitawan na nito ang sasabungin para sa laban nang biglang pumiglas ang manok. Bunsod nito, tinamaan ng tari ang biktima sa kanang hita. Agad isinugod sa Maria L. Eleazar General Hospital ang biktima subalit idineklara…
Read More24 sugatan, 103 pa nasagip 7 PATAY SA NASUNOG NA FASTCRAFT VESSEL
QUEZON – Umabot sa pitong pasahero ang namatay matapos na masunog ang isang fast craft vessel sa karagatang sakop ng bayan ng Real sa lalawigang ito, nitong Lunes ng umaga. Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson, Commodore Armando Balilo, lima sa pitong namatay ay mga babae at dalawa ang lalaki. Kinilala ang mga namatay na sina Viola Empreso, Marivic Samareta, Edna Balanac, Mina Enciso, Charito Escareces, Andy Tejares, at Crisanto Debelles. Nasa 24 naman sa mga pasahero ang nasugatan at dinala sa mga ospital sa mga kalapit na bayan. Habang nasagip ang 103 pang sakay na…
Read MoreP670M KOPYANG KALAKAL HULI SA CAVITE, BULACAN
TUMATAGINTING na P670-milyong halaga ng mga “counterfeit products” ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Cavite at Bulacan kamakailan. Bitbit ang Letter of Authority na pinirmahan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, timbog sa ikinasang operasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service – Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD) sa mga bodega ng Maclane Storage Facility sa kahabaan ng Niog Road, Bacoor City sa Cavite ang P590-milyong halaga ng mga pinekeng produktong kargado ng mga mamahaling tatak tulad ng Nike, Adidas, Lacoste, Dickies…
Read More