Magra-rally binalaan ng PNP CANVASSING NG KAMARA GAGAWIN 24-ORAS

HANDA na ang dalawang kapulungan ng Kongreso na simulan ang canvassing ngayong naihatid na sa Batasan Pambansa ang mga ballot box na naglalaman ng Certificates of Canvass (COCs) para sa presidential at vice presidential candidates sa katatapos na halalan. Upang mapabilis ang canvassing, plano ng liderato ng dalawang kapulungan ng Kongreso na magtrabaho ng 24 oras kada araw. Pasado alas-singko ng umaga nang ihatid ng convoy ng military trucks ang mga ballot box na unang inilagak sa Senado. Kasunod nito ang pinaigting na seguridad sa loob at labas ng mababang…

Read More

Sa mga sangkot sa fixing activities ONE-STRIKE POLICY SA DRIVING SCHOOLS

INIREKOMENDA ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mas pinahigpit na regulasyon at one-strike policy para sa driving schools at pribadong kompanya na tumutulong sa mga fixer sa kanilang illegal activities. Nabunyag na karamihan sa fixing activities ay mayroong sabwatan ng mga empleyado ng Land Transportation Office (LTO), driving schools, emission centers, at medical clinics, base sa serye ng entrapment operations at imbestigasyon na isinagawa ng ARTA katuwang ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group sa LTO branches. Ang mga operasyon at paglansag sa fixers ay naging matagumpay matapos ang…

Read More

BATAS SA PAGPAPAIGTING NG PARENTING SKILLS APRUBADO NA SA SENADO

PINAPURIHAN ni Senador Win Gatchalian ang pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa sa panukalang batas na magpapaigting sa parenting skills, bagay na aniya’y magsusulong ng epektibong pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon, paglaki, at development ng mga kabataan. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2399 o “The Parent Effectiveness Service Program Act,” ang Parent Effectiveness Service (PES) Program ay bubuuin upang palawigin ang kaalaman ng mga magulang at parent-substitutes pagdating sa kanilang mga tungkulin at mga responsibilidad. Layunin ng PES Program na tulungan ang mga magulang sa pagprotekta sa karapatan…

Read More

PAGKAKAISA NG BANSA KAY BBM RAMDAM NA

RAMDAM na ang pagkakaisa ng buong bansa para kay incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bagama’t sa Hunyo 30, 2022 pa ito pormal na magsisimulang manungkulan. Sa pulong kasama ang mga miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kamakalawa ng gabi, sinabi ni incoming House Speaker Martin Romualdez, “The theme of the campaign of President BBM was unity and that’s what I environ most in NPC, you always have this unity in the party, tonight I see this unity, I see this unity spreading not just within Congress, but within the…

Read More

WANTED: HEALTHCARE WORKERS

KUNG pagbabatayan ang mga datos na isinapubliko ng Department of Health (DOH), tila humuhupa na ang bilang ng mga positibo sa nakamamatay na COVID-19. Gayunpaman, malinaw na nananatili pa rin ang banta ng pandemya. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang humirit ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagsusulong na itaas ang overseas deployment cap ng Filipino healthcare workers. Giit ng POEA, napapanahon nang pahintulutan ang pag-alis ng 7,500 healthcare workers kada buwan – katumbas ng 90,000 doktor, nars at iba pang health professionals. Ang totoo, sadyang maraming Filipino healthcare…

Read More

FR. ROBERT REYES ALAGAD KA BA TALAGA NG SIMBAHAN? PUNA Ni JOEL AMONGO

MARAMING nagtatanong sa PUNA kung alagad ba talaga ng simbahan itong tinatawag nilang Running Priest na si Fr. Robert Reyes. Kung talagang alagad daw ito ng simbahan (Katolika), bakit ganyan ang kanyang pananaw? Ang tinutukoy po ng ating mga tagasubaybay ay ang panghihikayat nito na tutulan ang pag-upo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Si Mang Robert mismo ang nanguna sa isinagawang rali kamakailan sa harapan ng Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa isyu na kanilang inilatag hindi kasi nila matanggap ang pagkapanalo ng batang Marcos. Duda sila sa…

Read More

FOOD CRISIS? DPA Ni BERNARD TAGUINOD

KUNG merong umiilaw ang mata sa babala ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na magkakaroon ng food crisis ay ang importers kasama na ang smugglers. Bago ang babala ni Dar, pinangangambahan ang food crisis sa mundo dahil sa giyera sa Ukraine na itinuturing na world granary dahil sila ang may pinakamalaking produksyon sa wheat na ginagawang arina. Tandaan natin, hindi ganun kalaki ang konsumo natin sa arina dahil ang staple food natin ay bigas kaya hindi ko alam kung bakit nagbabala si Dar na magkakaroon ng food crisis…

Read More

NAGLAHONG PANGARAP NG MGA PANATIKONG PINKLAWAN OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO

TULUYAN nang napatid ang kaisa-isang hibla na pinanghahawakan ng mga panatikong pinklawan na makaupo pa sa Malakanyang ang manok nila na si Leni Robredo kahit alam nilang natalo naman ito noong nakaraang eleksyon kay incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos. Sa totoo lang ay hindi ko maubos-maisip kung saan ­kumukuha ng kapal ng mukha ang mga talunang pinklawan na ito para pangarapin pa nila na makakaupo pa si Leni ­samantalang naging maayos at malinis naman ang eleksyon. Dahil nga sa maayos na ­halalan at sa bilis ng ­transmission ng resulta ng…

Read More

31st Southeast Asian Games BANDERANG KAPOS

SA kabila ng mga pagsisikap, hindi nasustenahan ng Pilipinas ang overall championship sa Southeast Asian Games at nagtapos sa 4th place sa Vietnam. Muntikan pang mag-5th place lang ang bansa, mabuti’t nakahabol pa ng gold medals ang Gilas women’s basketball squad, at boxers na sina Ian Clark Bautista, Rogen Ladon, at Olympic bronze medalist Eumir Marcial. Tagumpay rin sa kanilang protesta ang Team PH sa Muay Thai 57kg men’s event, nang ipagkaloob kay Philip Delarmino ang gold medal at silver kay Vietnam’s Nguyen Doan Long. Overall ay may 52 gold…

Read More