TAMAD sa depensa, maagang na-foul trouble at walang maisagot sa bawat ibato ng Boston Celtics. Resulta: Sweep (4-0)! Tuluyan nang pinagbakasyon ng mas determinadong Celtics ang Brooklyn Nets, 116-112, (Martes sa Manila) sa New York. Dahil sa naging resulta ng kampanya ng Nets, maraming dapat pag-usapan ang koponan sa offseason. Bagama’t marami ang umasa, hindi lumaro si Ben Simmons, 24 oras bago ang tip off ng Game 4, wala sa Barclays Center ang player. Ayon sa ulat, maaga pa ng Lunes, si Simmons, agent niyang si Rich Paul at ang…
Read MoreAuthor: admin 2
3 IT EXPERTS ARESTADO SA COMELEC HACKING
GAMIT ang P10 million boodle money, nadakip ng PNP-Cybercrime Group sa tulong ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang tatlong IT (information technology) experts na sinasabing nasa likod ng pag-hack sa Commission on Elections (Comelec). Kinilala ni CICC Executive Director Cesar Mancao ang mga suspek na sina Joel Adajar Ilagan, alias Borger; Adrian de Jesus Martinez, alias Admin X at Jeffrey Cruz Limpiado, alias Brake/Vanguard at Universe. Kabilang umano ang mga ito sa grupong XSOS na umaangking nag-hack sa system ng Smartmatic at ipinagmamalaking kaya nilang impluwensyahan ang magiging…
Read MoreCensorship ng FB/Meta sisilipin sa Senado BBM SPOX BIKTIMA NG ‘DIGITAL TERRORISM’
MAHIGIT dalawang linggo matapos suspendihin ng Meta Platforms Inc. ng Facebook ang hindi bababa sa 400 FB accounts ng mga netizens na nagsusulong sa tambalang BBM-Sara UniTeam, sunod na pinuntirya naman ng higanteng social media platform ang personal FB account ng tumatayong tagapagsalita ni leading presidential candidate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa isang kalatas, kinondena ni Atty. Vic Rodriguez ang Facebook Philippines kaugnay ng aniya’y pinakamataas na antas ng hayagang “censorship” at garapalang pakikialam sa soberanya ng mga Pilipinong tanging hangad ay makibahagi sa nalalapit na halalan…
Read MoreGOV. DIMAPORO: LANAO DEL NORTE 101% PARA KAY BBM
SINIGURO ni Governor Imelda ‘Angging’ Quibranza Dimaporo kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na 101% suporta ang ibibigay ng mga taga- Lanao del Norte para sa kanyang kandidatura sa darating na halalan. “Lanao del Norte is really for BBM. Even our local political opponents are also supporting (him). I told BBM I’m so happy in Lanao del Norte because even our political opponents are supporting you and Mayor Sara,” sabi ni Dimaporo. Sa panayam kay Dimaporo, ibinahagi niya kung paano sinuportahan ng mga taga- Lanao del Norte ang kanilang…
Read MoreALYANSANG LENI AT MILF INSULTO SA PAMILYA NG SAF 44
MASAMA ang loob ng mga pamilya ng SAF 44 kay Vice President Leni Robredo dahil sa pakikipag-alyansa nito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), na isa sa mga dahilan kung bakit napatay sa ambush ang mga bayaning pulis noong Enero 25, 2015. Nagtataka ang mga pamilya ng mga biktima kung bakit sa dami umano ng grupong puwedeng mahingan ng suporta ay sa MILF pa lumapit si Robredo, samantalang batid nito ang pait at kataksilan na sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay sa kamay ng mga ito. “Nanay ka ba…
Read MoreSa April 20-22 Tangere survey BBM 51%; ISKO NAUNGUSAN NA SI LENI SA 2ND PLACE
PATULOY pa ang pag-alagwa ng lamang ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa kanyang mga katunggali matapos itong makapagtala ng 51 porsyentong voter preference, ayon sa April 20-22 survey ng Manila Bulletin-Tangere. Mas tumaas pa ang bilang ni Marcos ng tatlong porsyento kumpara sa kanyang 48 porsyento na voter preference nitong Abril 6 survey. Naungusan na rin ni Isko Moreno sa pangalawang pwesto si Leni Robredo matapos itong makapagtala ng 20 porsyentong voter preference kumpara sa kanyang 24 porsyento nitong nakaraang survey. Si Leni ay nasa malayong pangatlo na…
Read More8K TONS “SMUGGLED” NA SIBUYAS NABUKO
HALOS walong libong metriko toneladang sibuyas mula sa ibang bansa ang pinayagan umano ng Bureau of Plant and Industry (BPI) na mailabas kaya naapektuhan ang mga lokal na magsasaka. Itinuturing ni House assistant minority leader Argel Cabatbat na ‘smuggled” ang mga ito. Sinita rin ng mambabatas ang BPI sa pagpayag umanong ma-release ang 7,800 toneladang sibuyas kahit walang karampatang papel at clearance. Sa briefing ng House committee on ways and means, inamin ni Jesusa Ascutia ng BPI-National Plant Quarantine Services Division na may pinayagan silang i-release sa kabila ng expired…
Read MoreHamon ni Gadon sa Rappler at Vera Files PNP I-FACT CHECK NYO RIN!
HINAMON ni UniTeam senatorial bet Atty. Larry Gadon ang tinawag niyang pinaka-bias at ‘hao shao’ na media sa bansa na Rappler at Vera Files na subukang i-fact check din ng mga ito ang Philippine National Police (PNP). May kaugnayan ang hamon sa ginawang pambubuko ng kapulisan na ‘bloated’ o dinaragdagan lamang ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang bilang ng mga dumadalo sa kanilang concert rally. Ayon kay Gadon, kung talagang may natitira pang sinseridad sa katawan ang pamunuan ng Rappler at Vera Files, i-fact check na rin nila…
Read More‘ESPIYA’ NG MGA VARGAS KUMANTA
SA halip na maging mata para sa isang kandidatong tumatakbong kongresista, pinili ng isang ginang na isiwalat ang diumano’y atas na magsilbing espiya laban sa isang baguhang politiko sa ika-5 distrito ng lungsod ng Quezon. Sa tatlong pahinang sinumpaang salaysay ni Aiza Mojica Cabazares, residente ng Tupaz Canan, Novaliches Proper, Quezon City, ipinagtapat niya na taong 2021 nang maging tauhan at mapabilang siya sa mga tinatawag na ‘angels’ ni congressional bet at QC Councilor Patrick Michael Vargas na kapatid ni last-termer Rep. Alfred Vargas. Sa kabila ng pagiging tauhan ng…
Read More