Gen. Guillermo Eleazar HANDANG TUMUGON SA BAGONG HAMON

Sa unang pagtungtong pa lamang ni  Gen  Guillermo  Eleazar sa bulwagan ng Senado sa Hunyo 2022, kung sakaling hiranging bagong Senador ng mga botanteng Pilipino itong Mayo, dala nya ang simoy ng bagong pagasa – pagasang hinubog ng katalinuhan at matamang kaisipan, isang buhay na pinuhunanan ng karanasan at kasipagan, isang bago at dalisay na pagkataong pinanday ng katapangan, katapatan at dangal sa sarili Ang retiradong heneral ay matuwid at tapat – ginagawa ang naayon sa binitawang salita. Bawat kataga ay pinag-iisipan at hindi salat sa kahulugan. Ang ganitong kinalakhan…

Read More

4 KATAO SUGATAN SA BIGLANG ABANTE NG BUS

CAVITE – Apat katao ang sugatan makaraang biglang umabante ang isang bus nang matapakan ng driver ang gas acceleration habang nakatayo ang mga ito sa harap ng sasakyan sa isang transport terminal sa Imus City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga nasugatan na sina Wilson Kimpo Rotugal, 58; Arthur Henry Regis Apdo, 57; Lovely Mae Labra Durong, 21-anyos, at isang hindi pa nakikilalang biktima. Habang ang driver ay kinilalang si Jonathan Señorin, 26, binata, ng Brgy. Binakayan, Kawit, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilfred Guevarra…

Read More

9 KATAO NASAGIP SA TUMAOB NA BANGKA

SIYAM katao – kabilang ang pitong batang edad 12 hanggang 17 – ang nasagip makaraang itaob ng malakas na bugso ng hangin at nagtataasang alon ang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Tandu Bato, sa bayan ng Luuk, sa lalawigan ng Sulu. Sa pahayag ni 11th Infantry Division commander. Major General Ignatius Patrimonio, tumatayong lider ng Joint Task Force Sulu, kabilang sa mga nailigtas sa tumaob na bangka ang mga batang kinilala lamang sa pangalang Monisa, Sindah, Malia, Analiza, junaipa, Sarimah at Karina. “Based on the report submitted by Col. …

Read More

3 PATAY, 1 MISSING KAY ‘AGATON’

TATLO katao ang iniulat na namatay habang isa ang nawawala bunsod ng pananalasa ng Bagyong Agaton sa bahagi ng Mindanao at Visayan regions. Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, tatlo tao ang namatay habang isa ang nawawala sa Davao region sanhi ng malawakang pagbaha bunsod ng Tropical Storm Agaton. Sa ulat na ibinahagi ni Davao de Oro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Joseph Rhandy Loy, may natanggap silang report nitong Lunes na dalawang tao na may edad na 65 at 67, ang…

Read More

TULONG SA ‘AGATON’ VICTIMS INIHAHANDA NA NG UNITEAM

AGAD na pinakilos ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang UniTeam’s relief operations team para sa panandaliang paghahatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Agaton sa Visayas at Mindanao. Base sa mga huling ulat ay umabot na sa 38, 399 ang pamilyang apektado mula sa 106 iba’t ibang barangay sa Region 10, 11, Caraga at BARMM in Muslim Mindanao. Naghanda rin ang UniTeam’s legal team ng mga kinakailangang dokumento para humiling na mapagbigyan sila ng Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng relief mission at masigurong hindi sila…

Read More

Isa sa mga plano ni BBM LOW-COST HOUSING LOAN APPLICATION 1 WEEK LANG

MAAARI nang makakuha ng housing loan ang mga Pilipino sa loob lamang ng pitong araw kung matutuloy ang balak ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na buhayin ang isang natigil na programa upang masolusyunan ang kakulangan ng pabahay sa bansa. Dati nang ipinatupad ng Home Development Mortgage Fund (HDMF), na mas kilala bilang Pag-IBIG Fund, ang ‘7-Day Takeout Policy’ upang mapabilis ang proseso ng mga aplikasyon ng mga kuwalipikadong kumuha ng low-cost housing loans. “We recognize every Filipino family’s desire to have a decent and safe home.  We will…

Read More

BBM RUNAWAY WINNER SA OFWs SA HK, QATAR

SI presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ay nakakuha ng 85% at 83% boto, ayon sa pagkakasunod, sa pagsisimula ng overseas absentee voting noong Linggo (April 10), base sa exit polls na isinagawa sa Hongkong at Qatar. Ang Hongkong-based OFW na si Bryan Calagui, ay nagsagawa ng unofficial tally mula 8 ng umaga hanggang 6 ng hapon base sa nakuhang data mula sa tinatayang 5,000 voters. Sa nasabing data ay kitang-kita ang pangingibabaw ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer sa 3,357 votes. Malayong nakasunod si Leni Robredo na may…

Read More

MARCOS 59% SA RMN SURVEY; ROBREDO 20.7%

NANANATILING frontrunner si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. base sa ikaapat na pre-election survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE). Ipinakita sa resulta ng survey na ginawa noong Abril 1 hanggang 4, ang patuloy na pangunguna ni Marcos laban sa kanyang mga katunggali sa pagka presidente. Nakakuha si Marcos ng 59% mula sa balance Luzon, National Capital Region (NCR), Visayas, at Mindanao. Sinundan ito ni Vice President Leni Robredo na may 20.7%, Manila Mayor Isko Moreno na may 8.3%, Senator Manny Pacquiao…

Read More

MGA PANTALAN BANTAY SARADO SA COAST GUARD

BATAY-SARADO sa humigit kumulang 2,000 tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa sa gitna ng pagdagsa ng mga pasahero patungo sa mga lalawigan para sa Semana Santa. Sa isang kalatas, seguridad ng mga pwerto at kaligtasan ng mga pasahero ang pangunahin sa mga tututukan ng coast guard personnel na ikinalat sa 15 PCG districts kung saan mahigpit na ipinatutupad ang inspeksyon sa mga sasakyang dagat – barko man o maliliit na bangkang de motor. Paliwanag ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu, target…

Read More