SENIOR OFFICIALS NG GOV’T, BINIGYAN NG GUN BAN EXEMPTION

MAGANDANG balita para sa senior officials ng pamahalaan, bibigyan sila ng “gun ban” exemption ng Comelec para sa kanilang ‘security details’ upang matiyak na hindi sila mapapahamak ngayong ‘campaign period’ at sa darating na aktuwal na halalan. Inamiyendahan ng Comelec en banc ang Resolution No. 10728 para sa rekalibrasyon ng election gun ban at upang mapabilis ang proseso ng pagbibigay ng eksempsyon sa mga karapat-dapat na opisyal ng pamahalaan. “These officials need to feel secure in performing their duties, free from fear and pressure from others,” ayon kay Comelec Chairman…

Read More

Paghahanda sa Semana Santa DOTr, LTFRB, I-ACT NAG-INSPECTION SA PITx

NAGSAGAWA ng inspeksyon ang pinagsamang mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx) nitong Lunes. Ito ay sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Semana Santa. Kasama sa mga nagsagawa ng inspeksyon ay sina DOTr Undersecretary for Road Sector and Infrastructure Atty. Mark Steven Pastor, LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III, I-ACT Chief Charlie del Rosario at mga opisyales ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pangunguna ni Chairman Romando…

Read More

LACUNA MULING PINALAGAN NG DIVI MARKET VENDORS

MULING pumalag ang mga tindera at negosyante ng Divisoria Public Market patungkol sa naging depensa ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna sa bentahan ng palengke sa hot seat online ng Manila Bulletin. Ayon kay Emmanuel Plaza, Chairman-Paralegal Services ng Divisoria Public Market Credit Cooperative, walang kinalaman ang mga dating alkalde ng Manila sa bentahan ng Divisoria market partikular na si Ex-Mayor Mel Lopez na ama ni mayoralty bet Atty. Alex Lopez taliwas sa akusasyon ni Lacuna. Aniya, malinaw na nakalagay sa Deeds of Absolute Sale, na sa pagitan nina Mayor…

Read More

TIANGCO, BELMONTE, MALAPITAN, BIAZON RUNAWAY WINNERS SA NCR

LUMABAS sa pinakahuling resulta ng survey mula sa HKPH Public Opinion and Research Center katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong, kung ang halalan ay gaganapin ngayon, ang mga sumusunod na kandidato ay magiging runaway winner sa mga highly urbanized na lungsod: Toby Tiangco (Congressman – Navotas), John Rey Tiangco (Mayor- Navotas), Joy Belmonte (Mayor- Quezon City), Along Malapitan (Mayor-Caloocan) at Ruffy Biazon (Mayor- Muntinlupa). Muling pinatunayan ng mga Navoteño ang kanilang pananampalataya sa magkakapatid na Tiangco nang magpalit sila ng posisyon, nagtitiwala na magkakasama silang makapagbibigay…

Read More

90% NG GOBERNADOR SA BANSA SUPORTADO SI BBM; LANDSLIDE VICTORY IPINANGAKO

bbm

AABOT sa 90 porsyento o 73 sa 81 gobernador sa bansa ang nagpahayag na ng suporta sa kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., kasabay ng kanilang pangako ng landslide victory sa darating na halalan sa Mayo 9. Dumating sa BBM headquarters sa Mandaluyong nitong Linggo ng gabi ang 16 na governors para igiit ang kanilang suporta kay Marcos. Ito ang ikalawang round ng pakikipagpulong ni Marcos sa mga gobernador para siguruhin ang tinatawag na “command votes” sa kanilang probinsya. “Yung sinabi ni Chavit (Singson) na almost 90 percent…

Read More

Ngayong Semana Santa MMDA NAKAPOSTE NA SA ENTRY/EXIT POINTS SA NCR

NAKATAKDANG mag-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 2,681 tauhan nito sa iba’t ibang pangunahing lansangan, transport hubs, at iba pang mahahalagang lugar sa National Capital Region (NCR) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Semana Santa. “Majority of the traffic personnel will be assigned to roads leading to provincial bus terminals, seaports, airports, and major churches, to ensure the safety of thousands of commuters expected to travel to nearby provinces to take advantage of the long Holy Week break,” sinabi ni MMDA Chair Romando Artes. Nakatuon ang pansin…

Read More

PINOY ‘TOURISM AWARENESS’ SUSI SA PAG-ASENSO

TUTUTUKAN ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) ang pagpapalaganap at pagpapalakas ng “tourism awareness” o kamalayan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng turismo dahil malaki ang maitutulong ng industriya sa pagbangon ng ekonomiya. Ayon kay Atty. Marco Bautista, nominee ng TURISMO, pangako nila ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang komunidad ng bansa sa mainit ang pagtanggap at interes ng mga Pilipino  sa turismo. Sinabi ni Atty. Bautista, nagagalak silang ibahagi ang kaalaman at karanasan sa sektor ng turismo sa ating mga kababayan na makikinabang sa muling pagsigla ng industriya sa pagdagsa…

Read More

PAGBIBIGAY NG HUSTISYA SA MAHIHIRAP PAIIGTINGIN

LALO pang pag-iibayuhin ng ACT CIS Partylist ang pagbibigay ng tulong sa mamamayan, gayundin ng hustisya sa mga inaapi o mga biktima ng pang-aabuso kapag ibinalik sila ng tao sa Kongreso. Ito ang pangako ni ACT CIS Nominee Edvic Yap sa isang panayam kamakailan. “Sa mga walang malapitan para sa hustisya, magtungo po kayo sa aming opisina at tinitiyak namin na hindi kayo uuwi nang luhaan,” ani Yap. Dagdag pa ni Yap, “lahat po ng nagpupunta sa opis namin ay kinakausap namin at hinahanapan agad ng solusyon ang problema nila”.…

Read More

Mga nasunugan sa Sta. Cruz, Manila inayudahan GO: PAMAHALAAN COMMITTED SA PAGTULONG SA MAMAMAYAN

PERSONAL na nagtungo si Senator Christopher “Bong” Go sa Sta. Cruz, Manila upang alamin ang sitwasyon ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog noong Biyernes at pinagkalooban niya ng kinakailangang tulong, kasabay ng pagtiyak sa mamamayan na nananatiling committed ang pamahalaan na tulungan ang mga nangangailangang komunidad sa gitna ng COVID-19 pandemic at iba pang crisis situations. “Mga kababayan ko, huwag ho kayong mawalan ng pag-asa at magtulungan lang ho tayo. Alam kong nasa gitna pa tayo ng krisis ngayon at nasunugan pa kayo” ayon kay Go. “Ang gamit po ay…

Read More