PNP HIRAP NA HIRAP SA PR

MAY bagong sistema na sa recruitment ng Philippine National Police (PNP) dahil lahat ng mga aplikante ay meron nang QR code para maiwasan ang palakasan sa pagpasok sa pambansang pulisya. Hindi tulad noon na kapag may kakilalang mataas na opisyal kahit hindi kuwalipikado ay nakapapasok sa PNP, kaya magandang hakbang ito para maibalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis. Ang problema lang ngayon ng Pambansang Pulisya ay ‘yung mga naunang nakapasok na hindi kuwalipikado kaya marami pa ring bugok sa kanilang organisasyon at ‘yun ang nagpapahirap sa public relation…

Read More

‘MARSO’ TANDEM LUMUTANG?

ISANG buwan na lang bago idaos ang May 9 national and local elections ay muli na namang may lumutang na bagong tandem, ito ay ang tambalang Marcos-Sotto o tinawag nilang “MarSo.” Sinasabi ng ilang grupo na ang MarSo tandem ay “perfect combination” o dili kaya ay “Combo Panalo.” Parang pagkain lang ha. Ito ngayon ang umuugong sa social media na tambalang MarSo o pinagsamang apelyidong Marcos at Sotto mula sa grupo na kumakatawan sa iba’t ibang sektor. Walang ibang nangunguna sa presidential race kundi si dating Sen. Bongbong Marcos (BBM)…

Read More

SAKLOLO, SAKLOLO MAY PULIS!

SA dami ng suliraning kinakaharap ng bansa dulot ng lugmok na kabuhayang iniwan ng ­pandemya at ­krisis sa ekonomiya, nakalulungkot isiping laganap ang mga pag-abuso ng institusyong dapat sana’y pinoprotektahan ang mamamayan. Nang balangkasin at isinabatas ang Republic Act 6975 of 1990, tuluyang nilansag ang Philippine ­Constabulary (PC) at Integrated National Police (INP) dahil sa laganap na pag-abuso at ipinalit ang Philippine National Police (PNP) sa hangaring iwasto ang mga maling kalakaran sa hanay ng unipormado. Subalit taliwas sa inaasahan, naipasa lang ang kultura ng pag-abuso na tila pangalan lang…

Read More

PINOY OFWs SA ITALY PINAGBUKLOD NG BOWLING

MATAGUMPAY na naisagawa ng mga Overseas Filipino ­Workers ang bowling competition sa Milan, Italy sa ­pangunguna ng FBAOM Playup Milano na Fraternal order of Eagles Club at Proudly Pinoy Milan. Ginanap nitong Abril 3, layon ng organizers na makadiskubre ng future national bowlers at palawigin ang sport sa mga kabataang isinilang at lumaki sa Italy. Kabuuang 72 bowling enthusiasts – 32 babae at 40 lalaki – ang nagpartisipa sa competition kung saan tinanghal na Bowling King si Dennis Labasan Aceres at Bowling Queen si Flor Alfarez. Kabilang sa mga runners-up…

Read More

Eastern Conference playoffs TOP SPOT SINELYUHAN NG HEAT

NAKUHA ng Miami Heat ang top seeding sa Eastern Conference playoffs, Biyernes (Manila time) matapos parehong matalo ang Boston Celtics kontra Milwaukee Bucks at Philadelphia 76ers kontra Toronto Raptors. Kinapos ang Celtics kontra Bucks, 121-127, habang naungusan ang 76ers ng Raptors, 114-119, sa Toronto. Dahil may dalawang natitirang games na lang sa regular season, nasementuhan ang No.1 spot ng Miami sa Eastern Conference sa record na 52-28 win-loss. Pumapangalawa sa East ang Milwaukee na may 50-30 kartada. Huling makakalaban ng Bucks ay Detroit Pistons ngayong Sabado (Manila time) at sa…

Read More

31st Southeast Asian Games UNANG PAGSISID NI ARIANA DRAKE

SASABAK sa unang pagkakataon sa Southeast Asian Games ang Fili­pino-American diver na si ­Ariana Drake. Gaya nang ibang atletang Pinoy na magpaparti­sipa sa 31st edition ng biennial meet sa Vietnam sa Mayo, gold medal ang target ng 18-anyos na diver mula sa Notre Dame ­Academy Girls High School sa Los Angeles, California. Ngayon pa lang ay ­excited na si Drake na ­i-represent ang Pilipinas sa SEA Games, lalo pa na ­mauuna ang event niya na gaganapin sa Mayo 8 o bago ang SEAG ­opening ceremony sa Hanoi sa Mayo 12.…

Read More

CALOY YULO, 27 PANG PINOY GYMNASTS SASABAK SA SEAG

PANGUNGUNAHAN ni World gold medallist Carlos Edriel Yulo ang mga Pilipinong gymnast sa darating na Southeast Asian Games sa Vietnam. Asam ng 28-member national gymnastics team na higitan ang tatlong ginto, limang pilak at apat na tansong medalya na nakamit nila sa 2019 edition sa Manila. Ayon sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP), maaaring may lima pang dumagdag sa mga sasabak sa SEAG sa Mayo. Makakasama ni Yulo sa men’s squad sina Jan Gwynn Timbang, Justine Ace De Leon, Juancho Miguel Besana, John Ivan Cruz at John Matthew Vergara.…

Read More

WIN STREAK NG ADMU WAWAKASAN NG UST

NI ANN ENCARNACION PIPILITIN ng University of Santo Tomas ­Growling Tigers na tuldukan ang pagragasa ng reigning champion Ateneo de Manila University Blue Eagles sa pagtatapos ng first round elimination ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament, Sabado sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Maghaharap sa ­quadruple-header ang 2-4 win-loss Growling Tigers at perpektong 6-0 Blue ­Eagles sa alas-4 ng hapon. Huling naglaban ang dalawang koponan noong Season 82 Finals kung kailan nasungkit ng Blue ­Eagles ang kanilang historic three-peat. Inalat noong Huwebes ang Growling Tigers kontra sa National…

Read More

GINANG, 2 BATA MINASAKER SA CAINTA

TADTAD ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang ginang at dalawang bata sa tinutuluyan nilang apartment sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal  nitong Miyerkules. Tinukoy ni Police chief Lt.Col. Orlando Carag ang mga biktimang sina Angelica Manaloto, 24 anyos ; Nica Mangi, 4 at Renz Orly Trinidad, 7 taong gulang. Hindi naman nabanggit kung parehong anak ni Manaloto ang mga bata. Base sa inisyal na ulat, ang kapatid na si Ericson ang nakatuklas sa krimen. Pinuntahan umano ni Ericson ang mga biktima ngunit nagtaka siya nang maabutan…

Read More