KUNG pagbabatayan ang pinakahuling datos ng pamahalaan, nagsisimula nang magbunga ang mga pagsisikap na pabangunin ang ekonomiya. Sa tala ng Department of Trade and Industry (DTI), pumalo sa 25.4% ang itinaas ng Philippine Total External Merchandise Trade para sa nakalipas na taon, patunay ng pagsigla ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at iba pang mga bansa. Higit na mataas ang nasabing datos kumpara sa 20.1% growth na naitala naman noong 2020. Kabilang sa nakikitang dahilan ng pagsipa ng eko- nomiya ay ang masiglang kalakalang pinangangasiwaan ng Bureau of Cus- toms…
Read MoreAuthor: admin 2
SINDIKATO SA LIKOD NG AGRI SMUGGLING
Ni JOEL O. AMONGO HABANG abala ang mga mamamayan sa pinanabikang halalan, sinasamantala naman ng mga utak sindikato ang pagkakataong magkamal ng milyon-milyon sa diskarteng smuggling ng mga produktong agrikultura, sukdulang maperwisyo ang mga magsasaka. Katunayan, umaaray na ang mga magsasaka mula sa La Trinidad, sa lalawigan ng Benguet. Anila, hilahod na sila dahil ang kanilang ani ay binabarya ng mga negosyanteng mapagsamantala. Sa isang banda, hindi ang mga ganid na kapitalista ang ugat ng problema kundi ang mismong kagawaran at kawanihang kasapakat kundi man nakapikit ang mga mata. Kwento…
Read MoreMAS MABABANG KURYENTE SA BANSA, ISINUSULONG NG AKO OFW PARTYLIST
ISINUSULONG ng party-list group na AKO OFW ang pagpapababa ng presyo ng kuryente sa buong bansa upang mabawasan ang pasanin ng mga pamilyang hirap makapagbayad ng kanilang buwanang bill. Ayon kay AKO OFW founder Dr. Chie Umandap, malaki ang maitutulong ng pagpapababa ng kuryente sa Pilipinas para mabawasan ang mga inaalala ng mga konsyumer sa pagbabayad ng kuryente. Ayon sa Family Income and Expenditure Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), kumakatawan sa 8 porsyento ng gastos ng bawat pamilya sa Pilipinas ang kuryente, langis, tubig, at iba pang produktong petrolyo.…
Read MoreBBM NAGALAK SA MAINIT NA PAGSALUBONG NG MGA ZAMBOANGUEÑO
Ikinatuwa ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sa wakas ay nakarating na ang mensahe ng pagkakaisa sa lalawigan ng Zamboanga matapos ang mainit na pagsalubong na natanggap ng UniTeam mula sa libo-libong mga residente nitong Martes. Labis ang kanyang galak ng libo-libong Zamboangueño ang nag-abang at sumama sa kanyang motorcade mula sa Zamboanga Airport hanggang University of Zamboanga Summit Center na inabot ng halos tatlong oras. “Akala po namin, mabilis lang ang magiging lakad namin papunta sa aming rally venue. Maraming pong salamat na kayo po ay nag-abala…
Read MoreCRIME RATE SA NCR TUMAAS
BAHAGYANG tumaas ang crime rate sa National Capital Region (NCR). Hindi naman itinatanggi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagsipang ito ng crime incident sa Metro Manila simula nang ipatupad ang Alert Level 1. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni (NCRPO) PLT Col. Jenny Tecson, na kalimitan sa mga insidente na kanilang naitatala ay iyong mga nangyayari sa loob ng mga establisimyento o mga malls. Subalit, hindi aniya ito kontrolado ng mga pulis lalo pa’t may mga gwardya na talagang nakadeploy sa commercial establishments na ito. Magkagayon…
Read MorePinitik ng solon sa bentahan ng Divi Mall KAHIT PATAY GINAMIT NI ISKO
HINDI ikinatuwa ng isang kongresista ang pagsangkalan ni Manila Mayor Isko Moreno sa dalawang yumaong alkalde sa hangaring makaiwas sa bulilyasong kalakip ng pagbebenta ng Divisoria Mall na pag-aari ng pamahalaang lungsod. Para kay Manila Rep. Manny Lopez, dapat direkta at buong katapatang sagutin ng alkaldeng kandidato ngayon sa posisyon ng Pangulo, ang bawat tanong ng mamamayang hangad lamang ay malinawan ang tunay na dahilan ng kanyang pasyang ibenta ang naturang asset ng city government. “When candidates are asked direct questions about their actions in office, I suggest that Mayor…
Read More9 CICLs nasagip 235 ARESTADO SA P1.7-M SHABU SA CAMANAVA
UMABOT sa 235 katao ang inaresto, habang siyam na children in conflict with the law (CICL) ang sinagip sa pinaigting na kampanya ng Northern Police District laban sa ilegal na droga at kriminalidad mula Marso 21 hanggang 28. Sa nasabing petsa ay dinakip ang 58 kataong sinasabing durugista, 98 sugarol, dalawang carnapper, 12 magnanakaw, at 42 wanted sa sari-saring kaso sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) Ibinalibag din sa selda ang 11 akusado ng illegal possession of firearms at iba pang pang armas, tatlo sa panggugulo;…
Read MoreTrahedya sa bday celebration 1 PATAY, 8 SUGATAN SA SUMABOG NA LPG TANK
HINDI na naisalba ang buhay ng isang 23-anyos na binata sa Tondo Medical Center habang walo ang nasa malubhang kalagayan makaraang sumabog ang isang liquefied petroleum gas (LPG) tank habang masayang nagdiriwang ng kaarawan sa Tondo, Manila noong Linggo ng hapon. Ang biktimang si Angelito Carlito y Catabay, binata, construction worker at residente ng Vitas, Tondo, ay namatay nitong Martes ng umaga habang inoobserbahan sa Tondo Medical Center. Dalawa pang kasamahan ng biktima ang inoobserbahan sa naturang pagamutan. Anim naman ang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center kabilang ang…
Read More30 CALABARZON AREAS PASOK SA ELECTION HOTSPOTS
LAGUNA –Tinukoy ng Police Regional Office 4A ang 30 election areas of concern sa Calabarzon. Ayon kay Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Brig. Gen. Antonio Yarra, nasa 20 ang sakop ng yellow category na kinabibilangan ng limang lungsod at 18 bayan. Kabilang naman sa yellow category ang tatlong lugar sa Cavite, isa sa Laguna at isa sa Batangas habang dalawa sa lalawigan ng Quezon Ang nasa ilalim ng election “hotspots” ay mga lugar kung saan matindi ang labanan ng magkakatunggali sa pulitika, may mga armed group at maaaring may pananakot pa ng mga…
Read More