ABRA – Isang umaatikabong palitan ng putok ang sumiklab kahapon ng umaga sa pagitan ng mga pulis at mga armadong lalaking lulan umano ng sasakyang pagmamay-ari ng bise-alkalde ng bayan ng Pilar sa nabanggit na lalawigan. Ayon sa ulat ng Regional Mobile Force Battalion 15 kay Cordillera Police Regional Director Brigadier General Ronald Lee, dakong alas-10:30 ng umaga kahapon nang mangyari ang insidente sa Barangay Poblacion ng nasabing lokalidad. Nabatid sa salaysay ng mga pulis sa PNP checkpoint, pinara umano nila ang isang puting van (Toyota Hi-Ace) bilang tugon sa…
Read MoreAuthor: admin 2
KOTSE SINALPOK NG NAG-OVERTAKE NA TRUCK
QUEZON – Sugatan ang driver ng isang kotse matapos nitong makasalpukan ang kasalubong na trailer truck sa Quirino Highway, San Vicente, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, nitong Martes ng madaling araw. Sa tindi ng salpukan ay nawasak ang unahan ng kotse, tumilapon at nahulog sa kanal. Ilang minuto ring naipit ang driver na si Felix Tumotorbo, 36, taga Taguig City, at naging pahirapan ang pagsagip sa kanya. Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktimang matinding napinsala ang katawan. Masuwerte namang hindi nasaktan ang kasama nitong babae sa kotse. Nasira rin…
Read More1 patay, 1 sugatan NAGSALPUKANG 2 MOTORSIKLO, INARARO NG VAN
QUEZON – Isang motorcycle rider ang patay at isa ang sugatan nang araruhin ng isang van ang dalawang nagsalpukang motorsiklo sa provincial road sa Barangay Santol, sa bayan ng Mauban sa lalawigang ito, noong Lunes ng madaling araw. Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa ospital ang biktimang si Jeffrey Uller, 21, laborer at residente ng Barangay Ibabang Dupay, Lucena City. Ayon sa report ng Mauban Police, binangga ang motorsiklo ni Uller ng motorsiklong minamaneho ng umano’y nakainom na si Mark Anthony Aranta Orejola, 39, taga Mauban, dakong alas-4:20 ng madaling…
Read MoreMSMEs PINAGHAHANDA SA COVID-19 SURGE
KAILANGANG mapaghandaan at mapalakas ang Medium, Small and Micro Enterprises (MSMEs) sa gitna ng posibilidad na magkaroon ng surge sa 2nd half ng 2022 bunsod ng mababang vaccination rollout ng booster shot. Ito ang binigyang diin ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion sakali’t magkaroon ng surge at magpatupad na naman ng lockdown. Aniya, walang duda na masisira ang momentum ng maliliit na negosyante. Sinabi pa ni Concepcion na hindi lang magiging malala ang ekonomiya dahil sa posibilidad ng COVID surge dahil nandiyan pa rin aniya ang gulo sa pagitan…
Read MoreVCM TESTING MAPAPANOOD VIA LIVESTREAM
KAILANGANG masiguro na ang mga gagamiting vote counting machine ay gumagana at walang aberya bago ang takdang halalan. Ayon sa Comelec, walang magaganap na eleksyon kung hindi maisasagawa ang final testing and sealing sa mga gagamiting vote counting machine sa halalan. Isasapubliko ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng live streaming, ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez. Gusto aniyang ipakita ng Comelec sa publiko na walang magiging problema sa mga VCM at iniimbitahan ng ahensya ang publiko masaksihan ito gaya ng mga election watchdog, stakeholders at mga accredited citizens arm. Sinabi…
Read MorePAGBIBIGAY NG 2ND BOOSTER SHOT IKAKASA SA ABRIL
MAAARING simulan ng Department of Health (DoH) ang pagbibigay ng fourth dose o second booster shot para sa mga vulnerable sector sa huling linggo ng Abril. Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni DOH Usec. Myrna Cabotaje, na nag-aplay na sila ng amendments sa Emergency Use Authorization o EUA para sa mga piling bakuna na puwedeng ibigay na second booster. Bukod dito, hinahanda na ani Cabotaje ang mga guidelines na ipatutupad ukol dito kasabay ng patuloy nilang pakikipag-usap sa mga eksperto. Tuloy-tuloy rin aniya ang mga isinasagawa nilang hakbang para…
Read MorePAGPAPALAWIG NG WFH NG BPO SECTOR, SUPORTADO
SUPORTADO ni Senador Leila de Lima ang panawagan ng Information Technology and Business Process Management firms na suspindihin ang return-to-office order ng Fiscal Incentives Review Board. Sinabi ni de Lima na bagama’t maganda ang intensyon ng kautusan para sa economic activities sa retail industries sa eco-zones, kailangan ding timbangin ang rason ng mga IT-BPM firms at employees. Ipinaliwanag ng senador na wala ring garantiya na ang return-to-office order ay magdudulot ng positibo sa ekonomiya dahil nanganganib din na mawalan ng resources at trained employees ang industriya kung agad papalitan ang…
Read MoreKURSONG RAILWAY ENGINEERING PINASUSULONG NG SENADOR
ITINUTURING ni Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva na malaking job generator ang pinakamalaking railway project sa Pilipinas, kaya nanawagan ang senador ang pagsulong ng railway engineering and technology courses sa mga paaralan sa bansa. Sinabi ni Villanueva na nangangailangan ng trained and skilled manpower para patakbuhin ang planong Philippine National Railways South Long Haul project (PNR Bicol). Dagdag ng senador na kailangang umpisahan na ng gobyerno ang pagkakaroon ng mga programa sa mga unibersidad at kolehiyo na gagawa ng isang lupon ng railway technology experts sa bansa. Sa ngayon, may graduate…
Read MoreStatement on Nacionalista Party Endorsement and Laylo Survey:
“We thank the officers and members of the Nacionalista Party, specially its President and Chairman Manuel B. Villar, for their unequivocal support and endorsement of presidential and vice-presidential frontrunners Bongbong Marcos and Sara Duterte. The NP endorsement will surely serve as another insurance to the bandwagon of support for the UniTeam from political parties which comes at a time when a clear 61% majority of our people have again made known their preference for Bongbong Marcos to be our next president founded on an equally high 53% trust rating for…
Read More