MARCOS MAINIT NA TINANGGAP NG MGA KABABAYANG ILOKANO SA SULTAN KUDARAT

bbm

MAINIT ang ginawang pagsalubong ng mga residente ng bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa ikatlong araw ng kaniyang Mindanao campaign sortie, kasama ang UniTeam slate nitong Lunes ng hapon. Ang Lambayong ay may 79,000 residente kung saan 80 porsiyento ng populasyon ay marunong mag-Ilokano. Mayorya sa kanila ang nagsilabasan ng kanilang bahay, pumila sa kalsada upang abangan ang pagdating ng kanilang Apo Bongbong. Dating may pangalan na Don Mariano Marcos ang bayan ng Lambayong bilang pagkilala sa kabayanihan ng lolo ng standard bearer…

Read More

COVID-19 CASES SA CALABARZON, LUMAGAPAK SA 282

covid

BUMABA sa 282 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Calabarzon, ayon sa inilabas na data ng Department of Health (DOH) Calabarzon-4A kahapon. Batay sa datos, may mataas pa rin na aktibong mga kaso ang Cavite na may 102; habang 70 naman sa Rizal; kasunod ang Batangas, 46; Laguna, 45; Quezon Province, 18, at Lungsod ng Lucena na may naitalang isang aktibong kaso ng nakamamatay na sakit. Habang naitala naman ang 26 na recoveries sa buong rehiyon at dalawa ang namatay sa naturang sakit. Samantala, inabisuhan ang publiko…

Read More

CHINA KINASTIGO SA KAMARA

KINASTIGO sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang China matapos malagay sa panganib ang puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) habang nagpapatrulya sa Bajo de Masinloc. Hindi nagustuhan ni House Deputy Minority Leader Carlos Zarate ang ginawang “dangerous maneuvering” ng barko ng China at nailagay sa panganib ang BRP Malabrigo ng PCG. Nangyari umano ang insidente noong Marso 2, habang nagpapatrulya ang PCG sa West Philippine Sea (WPS) partikular na sa Bajo de Masinloc na kilala rin sa pangalang Scarborough Shoal, noong Marso 2. Ayon kay Zarate, walang dapat sisihin sa…

Read More

PNP, PDEA KINILALA SA P13.2-B RECORD-BREAKING DRUG HAUL

RECORD-BREAKING ang paglalarawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa dami at halaga ng nasamsam na mga droga sa pinagsanib ng operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa unang bahagi ng buwan ng Marso. Sa tala ng DILG, pumalo sa P13.2 bilyon ang halaga ng mga nakumpiskang droga ng pinagsanib na pwersa ng PNP at PDEA sa magkakahiwalay na operasyon sa National Capital Region (NCR) at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). Kabilang sa imbentaryo ng kagawaran mula Marso 6…

Read More

AREAS OF CONCERN TUTUKUYIN NG COMELEC

TUTUKUYIN na ng Commission on Elections (Comelec) sa Huwebes ang mga ‘areas of concern’ na nasa kanilang talaan kaugnay ng darating na halalan sa Mayo 9. Sinabi ni Commissioner George Garcia, sa Laging Handa briefing, na ang talaan ay base sa isinumite ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na may ‘color coded’ ang bawat lugar. “Asahan po ninyo by siguro hanggang Thursday ay mag-announce po ang Comelec sa pamamagitan po en banc, i-a-announce po natin kung ano talaga ‘yung areas of concern,” ayon kay…

Read More

Rep. Robes sa bagong batas sa PSA LILIKHA NG TRABAHO AT MABILIS NA PAGBANGON MULA SA PANDEMYA

PINURI ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes ang nalagdaang batas para sa pag-amyenda sa Public Service Act na aniya ay kailangan ng bansa para makabangon mula sa pandemyang dulot ng COVID-19. Bilang isa sa may-akda ng House Bill No. 78 na bersiyon ng Mababang Kapulungan sa pag-amyenda sa Public Service Act, sinabi ni Robes na ang pagbubukas ng ilang industriya para maging pag-aari na ng mga dayuhan ay higit pang makakaakit para sila mamuhunan sa ating bansa. “Opening up some of our industries like telecommunications, railways…

Read More

PANALO NI VICO NOONG 2019 PATUNAY NG SABLAY SA POLL SURVEYS

ANG panalo ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong 2019 ay magandang halimbawa na hindi palaging tama at maaasahan ang mga election survey. Mukhang patungo si noo’y incumbent mayor Robert Eusebio sa madaling panalo kay Sotto noon dahil palagi siyang una sa mga survey. Isang linggo bago ang halalan, iniulat ng ilang survey firm na posibleng landslide ang panalo ni Eusebio dahil mayroon siyang 66 porsiyentong approval rating kumpara sa 38 lang ni Sotto. Landslide win nga ang nangyari ngunit si Sotto ang lumitaw na nanalo matapos makuha ang 63…

Read More

SUBIC, MICP AT POM WAGI NG GOLD AWARD

MATAGUMPAY na nasungkit ng tatlong Bureau of Customs district collection offices ang prestihi­yosong “Gold Award” sa ginanap na Performance Governance System (PGS) Proficiency Stage Revalida kamakailan. Kabilang sa mga binigyang pagkilala ang Port of Subic na nakapagtala ng 97.90% na patunay ng mas pinahusay na implementasyon ng mga mekanismong kalakip ng BOC modernization program. Bago man nasungkit ng Port of Subic ang nasabing pagkilala, tumanggap na rin ng “Gold Award” ang nasabing tanggapan para naman sa Initiation at Compliance Stage. Swak din sa pamantayan ng husay ang Manila International Container…

Read More

SMUGGLED YOSI, SABAT SA DAVAO

PUMALO sa P27.6 milyong halaga ng mga ipinuslit na sigarilyo ang nasabat ng mga operatiba matapos ang isang pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) sa Barangay Aplaya, bayan ng Hagonoy sa lalawigan ng Davao del Sur. Bukod sa 690 kahon ng smuggled na sigarilyo, kumpiskado rin sa suspek na nakilala sa pangalang Tapsaren Alibasa ang dalawang kargadong baril – isang kalibre .45 at .9mm. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 11, nasakote ng pinagsanib na elemento ng Regional Special Operation Group–Regional Police…

Read More