MATAPOS ang halos dalawang taon, balik paluan na sa pamosong Roligon Mega Cockpit sa Parañaque sa nakatakdang ‘Pistahan sa Mega’ 5-cock derby na may garantisadong P3 milyon papremyo simula sa susunod na buwan. Sa Abril 21 (Huwebes) ang unang 2-cock elimination na may day champion prize na P100,000. Susundan ito ng dalawa pang 2-cock eliminations para sa unang 100 kalahok sa Abril 25 (Lunes), at Abril 28 (Huwebes). Kasado na rin ang pupugan sa pamamagitan ng Mega Promotion at pagtataguyod ng Thunderbird’s The Winning Formula sa pagpapatuloy ng 2-cock elims…
Read MoreAuthor: admin 2
NCAA, UAAP BABALIK NA
PAREHONG magbabalik aksyon ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa Marso 26. May temang “Stronger Together, Buo ang Puso,” tampok sa NCAA ang men’s basketball at women’s volleyball tournaments, at online chess at taekwondo matches. Ayon kay NCAA Season 97 Management Committee chairman Manuel Raymund Castellano Jr. ng host De La Salle-College of St. Benilde, sabik na sila na muling magbalik matapos matigil dahil sa COVID-19 pandemic. “For two years, we’ve been waiting for contact sports to return, and we’re excited to…
Read MoreALASKA ‘FINAL DANCE’
KASABAY ng 96-80 pagkabigo sa NLEX sa Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum Sabado ng gabi, tuluyang nagpaalam ang Alaska bilang bahagi ng PBA sa loob ng 35 taon. Bilang tribute sa prangkisa, mismong si PBA commissioner Willie Marcial ang pumindot sa final buzzer kasunod ang pagpapatugtog sa kantang naging tatak ng team sa mahabang panahon: “Wala pa ring tatalo sa Alaska.” Maikli ngunit madamdamin ang maikling seremonya kasama ang Alaska players, coaches at staff, at ilang fans pa ang naging emosyunal sa “final dance” ng Aces. Matatandaang noong nakaraang…
Read More15 KINASUHAN SA PAGKAWALA NG MGA SABUNGERO
IPINAGHARAP na ng kasong kidnapping at serious illegal detention ang 15 katao, kabilang ang anim na hindi pa binanggit ang mga pangalan dahil sa pagkakasangkot sa pagkawala ng 34 sabungero. Ilan sa mga kinasuhan ay kinilalang sina Julie Patigonan, alyas “Dondon”; Mark Carlo Zabala; Virgilio Bayog; Roberto Milano Jr.; Jonas Alingasa; Johnny Consolacion; Herolden Alonto; Gler Cudilla at anim na iba pa. Ang mga ito ay staff umano ng Manila Arena sa Parañaque, City. Naghain ng reklamo sa Department of Justice ang mga kaanak ng mga sabungero matapos na isa…
Read More17 FRONTLINERS PARARANGALAN SA CALOOCAN
MULING ipagbubunyi ang Frontliners Day sa lungsod ng Caloocan bilang pagkilala sa kabayanihan ng lahat ng essential workers na buong tapang na sinuong ang panganib ng pandemya magampanan lamang ang kanilang tungkulin para sa bayan. Ngayong Lunes sa flag ceremony sa Caloocan City Hall ay nakatakdang parangalan ang mga natatanging frontliner para sa taong ito, kaugnay ng selebrasyon ng Frontliners’ Day sa lungsod. Ito’y pangungunahan nina Mayor Oca Malapitan at iba pang opisyales ng lokal na pamahalaan. Pangalawang taon nang ipinagdiriwang tuwing March 15 ang Frontliners Day mula sa pinagtibay…
Read MoreMEDICAL MISSION IDINAOS SA GAWAD KALINGA
MASAYANG sinalubong ng mga residente ng Bahay Kalinga sa Baseco Compound, Port Area, Manila, nitong Sabado ng umaga ang grupo ni Partido Federal ng Pilipinas mayoral bet Atty. Alex Lopez. Kasama ni Lopez ang runningmate na si Raymond Bagatsing at mga staff sa isinagawang medical mission dakong alas-8 ng umaga. Ang aktibidad ay inorganisa nina Anna Payawal, chairperson of Life UK, Jaybee Gayoso ng Tingog Party-list, Home Lab, at APL Go. Kabilang sa libreng serbisyong ipinagkaloob ng grupo ni Lopez, na kaalyado nina presidential frontrunner Bongbong Marcos Jr. at tandem…
Read More3 CPP-NPA PATAY SA SAGUPAAN SA MISAMIS ORIENTAL
TATLONG sinasabing mga miyembro ng communist terrorist group ang napatay ng militar sa sagupaan sa Claveria, Misamis Oriental, nitong Linggo, ayon sa ulat ng 4th Infantry Division ng Philippine Army. Sa report ng Army 402nd Brigade, habang nagsasagawa ng combat patrol operation ang kanilang mga tauhan sa Sitio Solana, Barangay Plaridel, Claveria, nang masabat nila ang isang pulutong ng communist New People’s Army. Agad itong nauwi sa palitan ng putok na ikinamatay ng tatlong NPA na kabilang sa Weakened Guerilla Front (WGF) Huawei, Sub-Regional Command (SRC)1, North Central Mindanao Regional…
Read More‘Cain at Abel’ KUYA PATAY SA TAGA NI BUNSO
MISTULANG ‘Abel at Cain’ ng kontrobersyal na biblical parricide case ang nangyari nang patayin ng isang lalaki ang kanyang kuya sa bayan ng Anilao, sa lalawigan ng Iloilo, ayon sa ulat ng pulisya. Ayon sa Anilao Municipal Police Station, agad namatay ang isang lalaki matapos tagain sa leeg ng kanyang nakababatang kapatid Para sa kapakanan ng pamilya, hindi na inilantad ng pangalan ng 41-anyos na lalaking umano’y pinatay ng kanyang nakababatang kapatid. Nabatid sa imbestigasyon, nag-iinuman sa tindahan ang suspek at ang isang ang kaibigan nito nang biglang dumating ang biktima…
Read More3 PULIS RIZAL HULI SA EXTORTION
RIZAL – Arestado ng mga awtoridad ang tatlong pulis na umano’y nangikil sa isang lalaki na nadakip sa ilegal na droga sa bayan ng Tanay sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni Tanay PNP chief of police, P/Lt. Col. Ruben Piquero kay PNP chief, Gen. Dionardo Carlos, kinilala ang mga arestado na sina Police Master Sgt. Darlino Casamayor Jr., Police Corporal William Sayago, at Pat. Allen Bey Tendilla, pawang nakadestino sa Intelligence/Drug Enforcement Team sa Tanay Municipal Police Station. Nag-ugat ang reklamo laban sa tatlong pulis nang kikilan umano ng…
Read More