1,034 CHAINSAW, TIMBOG SA MICP

boc

MALAKING perwisyo sa mga nalalabing kagubatan sa bansa ang naiwasan kasunod ng pagkabulilyaso ng tangkang pagpasok ng isang dambuhalang container na naglalaman ng hindi bababa sa 1,034 pirasong chainsaw na karaniwang gamit ng mga sindikato sa likod ng operasyon ng illegal logging sa mga kabundukan. Sa isang kalatas ng Bureau of Customs (BOC), tagumpay ang inilunsad na operasyon ng Enforcement and Security Service-Environmental Protection and Compliance Division (ESS-EPCD) ng Manila International Container Port (MICP), makaraang matukoy ang kargamentong saad ng isang intelligence report kaugnay ng kontrabandong inangkat mula sa bansang…

Read More

MONEY LAUNDERING BULILYASO, 2 HAPON ARESTADO SA NAIA

boc

ARESTADO sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Aviation Security Command (AVSE­COM) ang dalawang Japanese nationals na nagtangkang magpuslit sa bansa ng tumataginting na 100 mil­yong yen sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Gayunpaman, muntik nang makalusot ang mga suspek na kinilalang sina Yuzuru Marumo at Masayuki Aoyagi nang biglang sumulpot ang isang armadong grupong nagpakilalang mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at kinuha sa kanilang kustodiya ang mga suspek na dadalhin na sana ng mga operatiba ng BOC sa detention facility ng kawanihan…

Read More

UNITEAM PROCLAMATION RALLY, INAASAHANG DADAGSAIN NG LIBO-LIBONG MGA TAGA SUPORTA

bbm

HANDA na ang lahat para sa inaasahang pinakamalaking proclamation rally ng BBM-Sara UniTeam sa Philippine Arena sa Sta. Maria, Bulacan ngayong Martes na inaasahang dadaluhan ng mahigit sa 25,000 taga-suporta. Sabado pa lamang nang magsimulang dumating sa lugar ang mga volunteer para sa okasyon na inaasahang sesentro sa proklamasyon nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang katambal na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte. Sentro rin ng proclamation rally ang pagpapakilala sa senatorial slate ng UniTeam. Abala na ang mga supporters at volunteers sa pag-aayos ng lugar…

Read More

LAKERS PINASAN NI JAMES vs KNICKS

LIMANG larong absent si ­LeBron James sanhi ng left knee soreness. Sa kanyang pagbabalik sa laro, parang walang nangyari sa kanyang tuhod at inakay ang host Los Angeles Lakers sa 122-115 overtime win laban sa New York Knicks, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila). Inilista rin ni James ang 103rd career triple-double, matapos umiskor ng 29 points, may 13 rebounds at 10 assists sa 40 minuto. Itinakas din niya ang Lakers mula sa 21-point first-half deficit, pinakamalaking comeback win sa season. Dinomina ng Knicks ang first half kasunod ng 21-6…

Read More

PACQUIAO AT MORENO, PABOR SA E-SABONG

POSITIBO ang reaksiyon ng ilang presidential candidates ukol sa e-sabong. Sa “Panata sa Bayan” forum ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), pabor sina Manila City Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao sa electronic sabong at ilang online games o gambling. Ang nais lang DAW nila ay i-regulate ito. “Kung talaga siyang pro­b­lema, legal o ilegal, ­mananatili siyang problema,” ani Moreno. “I would rather put them under the authority and supervision of the state.” Kailangan aniya ng pondo ng gobyerno lalo na’t nananatili pa rin ang krisis sa…

Read More

Bakit ayaw magpabakuna ng maraming Pilipino?

NOONG Hulyo ng nakaraang taon, masayang-masayang ibinalita ng inyong lingkod na ako po at ang aking kabiyak na si Annie ay kapwa fully vaccinated na. Iyon ay matapos naming matanggap ang aming second dose ng Pfizer vaccine. Sino ba ang hindi magagalak kung malaman mo na kahit paano ay ligtas ka na sa COVID? Mali pala! Ilang buwan lamang ang nakalipas ay ginulat tayo ng balitang kailangan pa ng booster shot para maging ligtas sa virus. Sabi’y anim na buwan matapos ang 2nd dose ang pinakamainam para sa booster shot.…

Read More

GUANZON BIGO SA KANYANG TUNAY NA AGENDA

MATAPOS na magretiro ang kontrobersyal na Comelec commissioner na si Rowena Guanzon ay patuloy pa rin nitong inaakusahan ang kapwa opisyal na si Commissioner Aimee Ferolino, na siyang ponendo sa ilalabas na resolution. Bagama’t hindi pa nailabas ang desisyon, biglang inilabas ni Guanzon ang kanyang dissenting opinion kung saan bumoto ito para sa DQ ni BBM na bagay na kinukuwestiyon ng ilang legal experts dahil ‘di maaaring magkaroon ng dissenting opinion kung wala pang resolution na lumalabas. Nilabag daw ni Guanzon ang sub judice rule at ilang batas, na maaaring…

Read More

GASGAS NA ANG TOXIC CAMPAIGNING

HINDI lamang ang ating kalusugan ang higit na naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19, pagkat ang mga pabalik-balik na quarantine restriction at kawalan ng regular na trabaho ay higit ding nakaapekto sa mentalidad ng ating mamamayan. Sa darating na buwan ng Mayo, gaganapin nang muli ang panibagong halalan kung kaya’t hindi na bago ang kaliwa’t kanang batikusan na ating nasasaksihan sa mundo ng pulitika na tila ba ay paboritong teknik ng ating mga kandidato upang sila at hindi ang kanilang mga katunggali ang maluklok sa pwestong kanilang hinahangad. Kaya lamang,…

Read More

PAHIWATIG NI DU30 SA OMBUDSMAN

BATAY sa itinakda ng Saligang Batas, malinaw ang mandato ng Pangulo – ang pamunuan ang ehekutibong sangay ng pamahalaan at ang hukbong sandatahan ng bansa. Halaw sa salitang ehekutibo, trabaho ng isang Pangulo ang magpatupad ng mga proyekto at programa sa ikabubuti ng bansa. Wala sa kanyang mandato ang pag-aabogado sa mga usaping legal, partikular sa diumano’y iregularidad na pagsasalin ng controlling stake ng Malampaya gas field sa isang kaalyadong negosyante, kesehodang nag-ambag pa ito ng malaking halaga sa kanyang kampanya. Bagama’t abogado, taliwas naman sa angkop ang nakitang pihit…

Read More