PORMAL nang itinalaga kahapon bilang bagong hepe ng Quezon City Police District (QCPD) si Police Brigadier General Remus Balignasa Medina kapalit ni Brigadier General Antonio Yarra. Sa isang seremonya sa Camp General Tomas Karingal sa Sikatuna Village, Quezon City, pinangasiwaan mismo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Vicente Danao ang paglilipat ng responsibilidad bilang hepe ng pulisya para sa pinakamalaking lungsod sa Metro Manila ang pwestong iniwan ni Yarra kay Medina. Bago pa man itinalagang QCPD Director, nagsilbing si Medina bilang hepe ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG).…
Read MoreAuthor: admin 2
NAITATALANG DAILY COVID-19 CASES BUMABA SA 8K
UMAABOT na lamang sa 8,422 ang average na naitatalang bagong daily COVID-19 infections sa bansa simula Pebrero 1 hanggang 5. Base sa ulat ng OCTA Research Group, ito’y malaking pagbaba mula sa 17,025 noong nakaraang linggo. Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Linggo, mula Enero 18 hanggang 24, ang seven-day average ay nasa 28,666, at 34,958 naman mula Enero 11 hanggang 17. Ang reproduction number naman o bilis ng hawahan ng virus, sa buong bansa ay bumaba na rin sa 0.55 noong Pebrero 2,…
Read MoreTURISMO, TIYAKING WALANG KAPALPAKAN SA CONTACT TRACING
DAPAT siguruhin ng pamahalaan na walang kapalpakan ang contact tracing system sa pagluluwag ng travel restrictions at pagbubukas ng Pilipinas sa mga dayuhang turista. Ito ang iginiit ng Turismo Isulong Mo Partylist kahit na mga fully-vaccinated na turista lamang ang papapasukin sa bansa. Ayon kay Atty. Marco Bautista, nominee ng Turismo, kailangan fail-safe ang contact tracing para mapigilan kaagad ang paghahawaan kung sakaling may nakapasok sa bansa at madiskubreng positibo sa COVID-19. Sa ngayon ay ipinatutupad ang wala nang mandatory facility-based quarantine para sa mga darating sa bansa na kumpleto…
Read MoreSa pagsisimula ng pilot vaccination sa 5-11 age group ngayong Lunes GO SA MGA MAGULANG: MGA ANAK PABAKUNAHAN
HINIKAYAT ni Senator at Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak laban sa COVID-19 ngayong nakatakda nang simulan ng pamahalaan ang pilot vaccination para sa mga batang edad lima hanggang 11 ngayong Lunes, Pebrero 7. Dapat sana ay Pebrero 4 pa sinimulan ang naturang bakunahan ngunit naantala ito dahil sa hindi pagdating kaagad ng Pfizer vaccines na gagamitin sana sa naturang aktibidad. “Bagama’t hindi mandatory ang vaccination laban sa COVID-19 at hindi pwedeng pilitin ang mga tao, hikayatin pa…
Read MoreQC RTC, PINAG-OT PARA MAKALABAS ANG AKTOR?
USAP-USAPAN ngayon ang umano’y VIP treatment na ibinigay ng Quezon City Regional Trial Court sa isang sikat na aktor kaugnay ng paglalagak ng pyansa sa kasong cyber-libel na inihain ng isang party-list congresswoman. Ayon sa isang impormante, bago pa dumating sa tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Quezon City si Enchong Dee, mayroon nang tumawag mula sa isang opisina ng Quezon City judge sa utos na rin ng isang prominenteng personalidad sa Pilipinas na diumano’y backer ng aktor. Pagtatapat pa ng impormante, hindi na pinadaan sa angkop na standard…
Read MorePINAS TUMANGGAP NG 442K RESPIRATOR MASKS MULA CANADA
NAKATANGGAP ang Pilipinas ng 442,000 respirator masks mula sa Canadian government. Ang nasabing dami ng respirator mask ay first tranche mula sa 837,000 respirator face masks na bigay ng Canadian government sa Department of Health (DOH) bilang pagsuporta sa health care workers na nangunguna sa paglaban sa coronavirus pandemic. Nagkakahalaga ito ng P136 milyong piso. Nitong Biyernes, pinangunahan ni Canadian Ambassador to the Philippines, Peter MacArthur, ang pag-abot ng first tranche na 442,000 masks sa DOH headquarters sa Maynila. Noong Setyembre 2020, nag-turnover din ang Canada ng 120,000 N95 masks…
Read MoreBBM KAYANG LAMANGAN ANG MGA KATUNGGALI NG 27 MILLION VOTES, AYON SA KALYE SURVEY
KAYANG makakuha ng 27 milyon botong kalamangan si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. mula sa kanyang mga kalaban sa pagka-pangulo sa darating na May 9, 2022 national and local elections. Ayon sa Splat Communications, organizer ng Kalye Survey, ang ganitong uri ng pagtaya ay mula mismo sa pinagsama-samang datos na kanilang nakalap sa buong kapuluan sa mga nakalipas na buwan. Tinawag na Pulso ng Pilipinas, ang masinsinang pagsusuri at pagtaya ay may gabay ng consulting firm na Simplified Strategic Solutions (SSS). Anila, kung magkakaroon ng…
Read MoreLIDER NG DRUG GROUP HULI SA CAVITE
CAVITE – Unti-unti nang may kinalalagyan ang mga lider ng iba’t ibang drug group na nagpapakalat ng ilegal droga sa lalawigan, nang maaresto ang isang lider sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang naarestong suspek na si Abelardo Gutierrez, 42, ng Brgy. Congbalay, Kawit, Cavite, ang lider ng Abelardo Gutierrez drug group. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Nelvin Trajico ng Kawit Police Station, dakong alas-10:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU)…
Read MoreSakay ng inabandonang BMW CHINESE NATIONAL DINUKOT NG 4 ARMADO
ISANG Chinese national ang umano’y dinukot at iniwan ang luxury car noong Miyerkoles ng madaling araw sa panulukan ng San Andres at MH Del Pilar streets sa Malate, Manila. Base sa report ng MPD, isang Chinese national ang lumutang sa tanggapan ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng MPD-Malate Police Station 9, at mismong ito ang nagkumpirma na ang kanyang kababayan ay dinukot ng apat na kalalakihang sakay ng sports utility vehicle (SUV). Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang sasakyan ng biktimang BMW na kulay gray at may plakang NDE-5943…
Read More