TRADER, ARESTADO SA BUY-BUST

ARESTADO ang isang negosyante na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief, Col. Ramchrisen Haveria Jr. ang naarestong suspek na si Michael Alejandrino, 43. Ayon kay Col. Haveria, dakong alas-9:00 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre, ng buy-bust operation sa harap ng bahay ng suspek kung saan ang undercover police ay nagpanggap na buyer at nakipagtransaksyon kay Alejandrino ng P500 halaga ng…

Read More

Driver tinangay BMW INABANDONA SA ROXAS BLVD.

driver

ISASAILALIM sa masusing imbestigasyon ang isang abandonadong BMW upang mabatid kung ang driver nito ay dinukot ng hindi pa nakikilalang mga suspek, makaraang matagpuang abandonado ang nasabing sasakyan sa Roxas Boulevard sa Malate, Manila nitong madaling araw ng Huwebes. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng Manila Police District-Malate Police Station 9, dakong umaga nang madiskubre ang dark blue na BMW na may plakang NDE-5943, habang umaandar pa ang makina at radio sa mismong tapat ng Aristocrat restaurant sa Roxas Boulevard. Dahil dito, kinordon ang paligid ng sasakyan saka…

Read More

JOPET SISON KASAPI NA NG PHILIPPINE EAGLES

TAPAT na paglilingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit ang naging pangunahing layunin ng kilalang TV host na si Jopet Sison sa kanyang pagsapi sa the Fraternal Order of Eagles Philippine Eagles. Sa isang simple ngunit makabuluhang induction ceremony na idinaos nitong Linggo, ika-30 ng Enero sa Thunderbird Resort sa Lalawigan ng Rizal, ganap nang naging miyembro ng Philippine Eagles si Sison na nakilala at minahal bunsod ng kanyang pagbibigay ng libreng payong legal sa mga Pilipino. Sa nakalipas na mahigit dalawang dekada, kasama ni Jopet Sison sa pagtulong…

Read More

2 TERORISTA NAPATAY SA LANAO

DALAWANG kasapi ng Daulah Islamiyah-Maute group ang napaslang matapos na makasagupa ng local terrorist group ang mga tauhan ng Philippine Navy 1st Marine Brigade sa Barangay Lumbac, Balabagan, Lanao del Sur Ayon kay Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., commander ng Western Mindanao Command, nagsasagawa ng focused military operations ang mga tropa ng Philippine Marines nang masabat nila ang grupo ni Polo Alim, isang Daulah Islamiyah-Maute group member. Agad na nagkaroon ng palitan ng putok at mabilis ding tumakas ang mga kalaban at inabandona ang bangkay ng kanilang kasamahan. Sa isinagawang clearing operations ng…

Read More

Online seller pala ASTANG SUNDALO ARESTADO

CAVITE – Inaresto ng Cavite Police ang isang pekeng sundalo habang naglalakad na may sukbit na baril sa kanyang baywang sa Imus City noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang naaresto na si Villardo Zape Peradilla Jr., 40, may asawa, online seller at residente ng ACS Apartment D, Brgy. Bayan Luma 7, Imus City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Mark Anthony Salvador ng Imus City Police, alas-2:00 ng hapon nang damputin ang suspek nang mamataan sa Brgy. Bayan Luma 4, Imus City, Cavite. Inaresto ang suspek base sa reklamo ng ilang concerned…

Read More

11 bahay natupok LOLA, 3 APO SUGATAN SA LIGHTER

BULACAN – Isang 65-anyos na lola ang nasugatan habang ang kanyang tatlong apo ay pawang nasa kritikal na kondisyon nang maiwan sa loob ng kanilang nasusunog na bahay makaraang sumiklab ang sunog na nagmula sa pinaglaruang lighter at tumupok sa 11 kabahayan sa Barangay Biniang 1st, sa bayan ng Bocaue sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Base sa inisyal na report ng Bocaue Fire Station, bahagyang nasugatan at dumanas lamang ng first degree burns ang 65-anyos na lola habang ang tatlo nitong apo, dalawang 2-anyos at ang isa naman ay isang taong gulang,…

Read More

8K BAGONG COVID CASES NAITALA NG DOH

INANUNSYO ng Department of Health na halos sampung libo pa rin ang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 sa bansa. Base sa datos ng DoH, may 8,702 ang karagdagang bilang ng kaso ng COVID-19 nitong Huwebes na nagdala sa kabuuang aktibong kaso na 153,335. Sa 153,335, ang kritikal ay 324;  severe ay 1,528; 3,067 ang moderate; ang mild ay 143,493; at asymptomatic ay 4,923. Mas mataas ang bilang ng gumaling sa sakit na 15,290, o kabuuang recoveries na 3,377,958 habang may 71 na pumanaw, nagdala sa kabuuang bilang…

Read More

MURDER VS 2 SUSPEK SA MALABANAN SLAY

ISINAMPA na ng Philippine National Police (PNP) ang kasong murder sa dalawang suspek sa pagpaslang sa beteranong mamamahayag na si Jesus “Jess” Malabanan, dalawang buwan makalipas ang krimen. Sinabi ni Undersecretary Joel Sy Egco, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang Special Investigation Task Group (PNP-SITG) ng PNP sa pagpaslang kay Malabanan at matagumpay na nakumpleto ang initial findings kasama ang paghahain ng murder charge sa Office of the Prosecutor ng Calbayog laban sa mga suspek na sina Aries Solomon at Jerry…

Read More

PNP-CAR AT PDEA PINURI SA PAGSALAKAY SA MARIJUANA PLANTATION

PINURI ni ACT-CIS at Benguet caretaker Cong. Eric Yap ang PNP-Cordillera at PDEA operatives sa pagsalakay sa sampung marijuana plantation sa Benguet at Kalinga, kamakailan. Ayon kay Cong. Yap, dahil sa good intelligence work ng mga law enforcement ay nadiskubre ang sampung Marijuana plantations. Sinabi ng mambabatas, matagal na niyang naririnig ang tungkol sa nasabing plantation ng Marijuana, pero puro bulong-bulong lang hanggang sa trabahuin ng mga awtoridad. “This clearly shows na marami pa rin sa ating mga alagad ng batas ang dedicated sa trabaho lalo na ang pagsugpo sa…

Read More