KENDI CON CANNABIS NASABAT NG BOC

boc

NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang “gummy candies” na may halo umanong “cannabis” o marijuana, sa PHLPost Central Mail Exchange Center sa Pasay City noong Lunes. Isang nagpakilalang si Elvira Vicente ang umano’y nagtangkang i-claim ang nasabing package mula sa Central Mail Exchange Center. Nagpakita pa ito ng “authorization letter” ng isang Vincent Castillo na siyang nakasulat na consignee. Base sa ulat, nanggaling ang pakete sa Canada na idineklarang “personal gifts and clothing”. Nang isailalim sa “physical examination” ay natuklasan na naglalaman ito ng 20 pouches ng cannabis infused…

Read More

Media libre sa threat assessment 10 YRS. VALIDITY NG LISENSYA NG BARIL, NAGHIHINTAY SA PIRMA NI PRRD

baril

PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maipatupad ang 10-year validity ng lisensya ng baril ng mga sibilyan matapos ratipikahan ng dalawang kapulungan ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Act”. Sa ilalim ng nasabing panukala, mula sa kasalukuyang dalawang taong validity ng lisensya ng baril ng mga sibilyan, magiging 5 hanggang 10 taon na ito maliban lamang kung bawiin ito ng Philippine National Police (PNP) kung saan nirehistro ang mga armas. Ang validity ng permit to carry outside residence or place of business ay magiging dalawang taon na…

Read More

BBM PRESIDENTE NINA GOMA AT LUCY SA HALALAN 2022

MATAPOS ang ilang linggong suspense ay pormal nang idineklara nina incumbent Ormoc City Mayor Richard Gomez at asawang si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez (4th District) ang kanilang suporta para kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Sa kanilang Facebook page, sinabi ni Goma, isang award-winning actor na naging public servant, na si Marcos ang sinusuportahan nilang kandidato sa pagka-pangulo sa nalalapit na Halalan 2022. Isa sa mga dahilan aniya kung bakit si Marcos ang pinagkakatiwalaan nilang maging pangulo ng bansa ay dahil subok na nila ang…

Read More

CCP IPAGDIRIWANG ANG WORLD-CLASS ACTING SA PHILIPPINE PREMIERE NG ‘ON THE JOB: THE MISSING 8’

Ang WAGI! Celebration of Filipino Excellence, isang serye ng film screenings sa CCP, na magpapakita ng world-class acting talent sa ikatlong installment sa Philippine premiere ng “ON THE JOB: THE MISSING 8,” na mapapanood sa Pebrero 18, 2022 sa ganap na alas-5:00 ng hapon sa Tanghalang Nicanor Abelardo. Idinerehe ng multi-awarded director na si Erik Matti, ang pelikula ang nagdala sa aktor na si John Arcilla na makamit ang Coppa Volpi (Volpi Cup) para sa Best Actor sa 78th Venice Film Festival. Ang pelikula ay tumatalakay sa isang korap na…

Read More

YOUNG VIRTUOSOS NG NAMCYA MAGTATANGHAL NG FAZIOLI SA ISANG VIRTUAL CONCERT SERIES

Limang mga batang piyanista ang magkakaroon ng pagkakataon upang ipakita ang kanilang mga talento at kahusayan sa isang special virtual concert series na “Special Concert Series: Young Virtuosos Play on the Fazioli Piano,” sa Pebrero 9-13, 2022 na live streamed sa CCP Youtube Channel at Facebook Page. Sina Nathan Samuel Gemina, Michael Angelo Valenciano, Aidan Ezra Baracol, Inna Montesclaros at Ella Gabrielle Gaw ang magtatanghal ng isang classical piece sa isang 15-minute solo recital, na magpapamalas sa kanilang musicality at piano skills using the CCP Fazioli piano, isa sa iilan sa bansa.…

Read More

MAGDYOWA TIKLO SA PEKENG GAMOT

LAGUNA – Arestado sa mga pulis ang live-in partners na umano’y nagbebenta ng mga pekeng gamot, sa ikinasang entrapment operation ng mga awtoridad sa bayan ng Bay sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ng mga tauhan ng Bay Police ang mga suspek na sina Johnell Lilia, isang delivery rider, at Jerim Grace Blanco, sales representative, parehong residente ng Bay, Laguna. Batay sa report, ikinasa ng mga tauhan ng Laguna Police Provincial Office (LPPO) Intelligence Unit at Bay Municipal Police, ang operasyon laban sa dalawa dakong alas-7:15 ng gabi sa Barangay…

Read More

5 kasamahan na-rescue PULIS PATAY SA NPA

ISANG tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang napatay ng hinihinalang mga kasapi ng New People’s Army matapos na magsagawa ng law enforcement operation sa bayan ng San Miguel sa Catanduanes noong Martes. Agad na ipinag-utos ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo sa kanyang mga tauhan na huwag lubayan ang armadong kalalakihan na nanambang sa apat na pulis mula sa San Miguel MPS, kasama ang tatlong pulis mula sa provincial intelligence unit ng PNP, na nagsagawa ng operasyon para mag-serve ng warrant of arrest sa Barangay J.M. Alberto,…

Read More

TULAK PATAY SA PNP-PRO5, P6.8-M DROGA NASAMSAM

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa La Purisima Pili, Camarines Sur. Ayon sa report mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, ang suspek ay kinilalang si Glen Gan, nakatira sa Naga City Subdivision, Triangulo, Naga City. Ang nasabing operasyon ay nauwi sa palitan ng putok na naging sanhi ng pagkamatay ng nasabing suspek. Nakumpiska sa suspek ang isang pakete ng transparent plastic na naglalaman ng tinatatayang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na P6,800,000 ang halaga. Bukod dito, nakuha rin ang kalibre .45…

Read More

TOP 5 MOST WANTED NA KARNAPER, HULI SA RIZAL

RIZAL – Nadakip ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan ang isang 29-anyos nalalaking wanted sa kasong carnaping sa bayan ng Pililla sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, ang naaresto na si Jerry Obinguar, nasa hustong gulang at nakatira sa M.A. Roxas St., Brgy. Bagumbayan sa nabanggit na bayan. Ayon kay P/Maj. Florante Yu, hepe ng pulisya, dinakip nila ang suspek dakong alas-12:20 ng madaling araw noong Pebrero 1 sa bahay nito sa nabanggit na lugar. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest…

Read More