INANUNSYO ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero na binuksan sa probinsiya ang tatlong bagong pasilidad para sa paggamot, pag-test, at pagkupkop sa mga hayop bilang parte ng pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan sa pangangalaga at pagsusulong ng kapakanan ng mga hayop alinsunod na rin sa Animal Welfare Act. Matatagpuan sa isang compound sa Brgy. Cogon, Juban ang mga bagong pasinayang Provincial Veterinary Office, Animal Shelter Building, at Animal Diagnostics Laboratory na one-stop shop para sa pets ng animal lovers at kabilang sa mga serbisyo rito ang diagnostic tests, pharmacy, African Swine Fever…
Read MoreAuthor: admin 2
DISTRICT 1 DEHADO SA BULACAN REDISTRICTING
PITONG kongresista, sa halip na lima ang nakatakdang ihalal ng mga residente ng 21 munisipalidad at tatlong lungsod sa Bulacan pagsapit ng Mayo, batay na rin sa Republic Act 11546 na nagtatakda ng karagdagang distrito para sa lalawigan. Sa ilalim ng batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, huhugot ng mga lokalidad na magiging bahagi ng 5th at 6th district, bagay na inalmahan ng mga residente ng 1st district na kinabibilangan ng Malolos City, dahil sa laki ng populasyon ng nasabing distrito. Giit ni dating Malolos City Mayor Danny Domingo,…
Read MoreALERT LEVEL 1 SA NCR PINAG-AARALAN NA
MASUSING pinag-aaralan ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang posibilidad na ibaba ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1, itinuturing na “least strict risk classification” na mayroon ang bansa sa pagtugon sa coronavirus (COVID-19) pandemic. Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay kasunod sa panawagan sa IATF na gumawa ng paunang hakbang para makawala na ang Pilipinas mula sa pandemic mindset. Sa isang panayam, sinabi ni Nograles na titingnan nila sa susunod na linggo ang…
Read More3 ARESTADO SA PAG-IMPRENTA NG PEKENG VAX CARDS
ARESTADO ang tatlo katao, kabilang ang may-ari ng printing press, sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District dahil sa paggawa ng pekeng vaccination cards sa Quiapo, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Rafael Cayabyab, 41, may-ari ng Lakay Printing Services sa #314 Quezon Boulevard sakop ng Barangay 353, Quiapo, Manila; Ricardo Lugtu, 25, binata, graphic artist at Samil Asmadi, 23, helper. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Ramon Nazario, commander ng MPD- Barbosa Police Station 14, bandang alas-7:20 ng gabi nang…
Read MoreMas epektibo pa rin – solon F2F CLASSES DAPAT ITULAK NG DEPED
KAILANGANG itulak ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng mas maraming eskuwelahan sa face-to-face classes dahil mas epektibo ito sa mga estudyante kumpara sa kasalukuyang sistema na distance learning. Ginawa ni ACT Party-list Rep. France Castro ang nasabing pahayag lalo na’t ibinaba na ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) kasama na ang Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan. “Face-to-face classes are still the best way for pupils to gain access to quality education. Opening schools in low risk…
Read MoreAKO BISAYA PARTY-LIST REP. SONNY “SL” LAGON, MAMIMIGAY NG PREMYO SA KANYANG 53rd BIRTHDAY!
HINDI talaga maitatanggi na napakarami nang pagkakataong nasilayan at nasaksihan ang buong pusong katapangan at katatagan sa kamalayan ng mga Pilipino. Siyempre, mula sa mga giyera, bagyo, pagputok ng mga bulkan, at iba pang kalamidad, nasubok ang tibay nating lahat. Walang eksaktong panahon kung paano nabuo ang konsepto ng Filipino resilience. Kung tawagin sa Tagalog, ito ay ang pagiging matatag ng mga Pilipino. Ngunit sinasabing maaaring ito raw ay nag-ugat sa mga paniniwala at pananampalataya ng mga Pinoy. Paano nga naman kasi, tuwing may mangyayaring hindi maganda o maranasan nating…
Read MoreOFW NA MAY SAKIT SA BITUKA, NAKATENGGA PA RIN SA POLO- RIYADH
MAGANDANG araw, mga ka-Saksi, muling humingi ng tulong sa Aksyon Bantay OFW ang kabayani nating si Cielo Sabando na tubong Surigao, at matagal nang may karamdaman sa kanyang bituka. Bagama’t nasa pangangalaga na siya ng POLO sa Riyadh, Saudi Arabia, si Sabando ay naghihintay pa rin ng kanyang exit visa simula pa noong 2020. Hindi pa raw siya napasama sa dalawang repatriation flights ng gobyerno noong nakaraang taon. Ipa-follow po natin ang kaso ni kabayaning Sabando sa tanggapan ni AKO OFW chairman Dok Chie Umandap na tumututok dito. *** Umaapela…
Read MoreCOMM. GUANZON AT ANG COMELEC
ANO BA ‘YAN? Magaling o medyo nagpapansin lang si Commissioner Rowena Guanzon ng Commission on Elections? Nang mapanood ko po kasi siya sa balita sa television, kinilabutan ako bakit nanlilisik ang kanyang mata?! ‘Di ba kapag ganoon ang ikinikilos ng isang indibidwal, ang paniniwala ng mga matatanda noon na baka sinasaniban ng masamang espiritu, o kaya’y lumilihis na sa katinuan ang kanyang pag-iisip? At kailangang maikonsulta o maipagamot ito sa isang espiritista upang mapalayas ang masamang espiritu na gumagambala sa kanya, o kaya’y kailangan kaagad siyang mapasuri sa mga manggagamot…
Read MoreSALUNGAT NA SAPANTAHA NG DALAWANG DALUBHASA
SA pagbaba ng bilang ng arawang tala ng mga positibo sa nakamamatay na karamdaman, muling nagsulputan ang mga naggagaling-galingan na wari ba’y mga dalubhasa sa larangan ng agham. Ayon sa grupong OCTA, naabot na ang sukdulan ng pandemyang naglugmok sa ating bayan. Batay sa kanilang pakilala, ang husay nila ay matematika – hindi siyensya o medisina. Sa tinuran ni Dr. Guido David, marami ang bumilib. Marami ang umasang tapos na ang pandemya, kaya naman ang resulta, lansangan muling dinagsa sukdulang magkapalit-palit na nga sila ng mukha. Giit ni David, maraming…
Read More