UniTeam nais wasakin BBM SA SUPPORTERS: FAKE NEWS LABANAN

“WITH absolute certainty, the bind that keeps the mutual trust and respect between myself and Mayor Inday Sara remains unsoiled. And it will remain so,” ito ang iginiit nitong Martes ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. bilang tugon sa mga kumakalat na maling balita na layuning pagwatak-watakin ang UniTeam. “Our commitment to each other and the entire UniTeam is unconditional and stronger than ever. It is unbreakable,” dagdag ni Marcos patungkol sa tumitibay nilang samahan at tambalan ni Mayor Sara Duterte. Nagbabala si Marcos sa kanyang mga taga-suporta na…

Read More

Kahit inunahan ang Comelec decision — Roque OPINYON NI GUANZON WALA NANG SILBI

roque

MALINAW sa doktrina ng husgado at maging sa mga quasi-judicial bodies tulad ng Commission on Elections (Comelec) ang panuntunang pagtanggap ng dissenting opinion ng sinomang mahistrado sa kondisyong may pagpapasya na sa kaso. Paniwala ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque, masyadong napaaga ang paglalabas ng dissenting opinion ni Comelec commissioner Rowena Guanzon kaugnay ng kasong diskwalipikasyong inihain laban kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na kandidatong Pangulo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP). “If the 1st Division does not promulgate a decision by the time commissioner Guanzon’s term of…

Read More

Imee: Para iwas-aberya sa botohan NUMERO NG PRESINTO NG MGA BOTANTE IBIGAY NA

NANGANGAMBA si Senadora Imee Marcos na maraming botante ang maaaring ma-disenfranchise sa nalalapit na 2022 elections dahil sa ipatutupad na COVID-19 protocols sa mga presinto. Ayon kay Marcos, chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, nakukulangan pa rin sya sa ginawa ng Comelec na ‘simulation mock elections’ sa mga piling lugar sa bansa dahil sa naglitawang mga problema, lalo na sa pagboto, paghahanap ng pangalan at voting precinct ng botante, transmission ng boto dulot ng mahinang internet signal, at ang mahabang oras ng pagpila sa presinto. Lumitaw…

Read More

SOUTHERN LUZON MSMC LUSOT NA SA SENADO

PASADO na sa ikatlong pagbasa sa Senado ang House Bill No. 7952 na inakda nina Quezon 4th District Representative Angelina “Helen” Tan at Congressman Wilfrido Mark Enverga ng unang distrito para sa pagtatayo ng Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center sa Tayabas, Quezon. Ang ospital ay magsisilbing kauna-unahang pagamutan para sa iba’t ibang uri ng sakit sa Timog Katagalugan at isa sa magiging apex hospital o end-referral hospital sa lugar. Ito ay pamamahalaan sa ilalim ng Department of Health na siyang sisiguro sa pag-abot ng mahusay, epektibo, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.…

Read More

Himok ni Bistek bago matapos ang Duterte admin MARAWI COMPENSATION BILL, IPASA

marawi

NANAWAGAN si dating Quezon City at Senatorial aspirant Herbert ‘Bistek’ Bautista sa Malakanyang at sa Kamara na ipasa na ang Marawi Compensation bill upang matulungang maibalik sa normal na pamumuhay ang 300,000 Maranao at iba pang katutubo sa Marawi City na napilitang lumikas sa kasagsagan ng Marawi siege. Halos limang taon na ang nakararaan nang kubkubin ng ekstremistang grupong Islamic State ang Marawi City at naging madugo ang bakbakan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at mga rebelde na nagresulta sa pagkawasak ng buong lungsod. Sinabi ni Bautista na dapat…

Read More

KAGULUHAN SA NO VAX, NO RIDE POLICY ‘DI NA DAPAT MAULIT

no vaccine

UMAASA si Senador Risa Hontiveros na hindi na mauulit sa iba pang mga polisiyang ipinatutupad ng gobyerno ang nangyaring kaguluhan at kalituhan sa No vaccine, no ride policy sa gitna ng pagbaba sa Alert Level 2 sa Metro Manila at iba pang lugar. Sinabi ni Hontiveros na wala siyang nakikitang problema sa pagbubukas ng borders at pagbaba ng mga COVID restrictions sa kondisyong ito ay may science-based evidence at batay sa rekomendasyon ng mga health experts. Iginiit ng senador na sa new and better economic normal, kritikal sa pagbuo ng…

Read More

CRAME UNANG NAKAALAM NG BBM ‘KILL PLOT’

bbm

BAGO pa man lumutang ang napaulat na planong pagpaslang kay dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, nakatanggap na ng timbre ang Office of Cybercrime (OCC) ng Philippine National Police – Office kaugnay ng nagbabadyang panganib sa buhay ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa nalalapit na halalan sa Mayo. Pagtatapat ni PNP chief General Dionardo Carlos, sila mismo ang nagpabatid kay Marcos sa planong pagpatay sa kanya, kasabay ng paghimok na dumulog sa PNP para sa angkop na proteksyon. Agad namang nakipag-ugnayan sa PNP ang kampo ng dating senador,…

Read More

MINORYA DISMAYADO SA PAG-ABSWELTO KAY LAO

MATINDING pagkadismaya ang pahiwatig ng minorya sa Kamara matapos maiwan sa talaan ng inirekomendang kasuhan ang iba pang mataaas na opisyal ng pamahalaan kabilang si dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao na siyang nagbigay daan sa kontrobersyal na transaksyon sa pagitan ng Pharmally Pharmaceutical Corp. at ng Procurement Service ng Department of Budget and Management. “It echoes the whitewashing line of President Duterte that, if at all, only Pharmally and its officials are involved in anomalies – the scapegoat,” paglalarawan ni House deputy minority leader Carlos Zarate sa inilabas na…

Read More

REQUIREMENTS SA TULONG PINANSYAL SA KOOPERATIBA PINALULUWAGAN

INIHAYAG ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero na dapat luwagan ng gobyerno ang rekisitos at iba pang hinihingi sa pagtanggap ng tulong at subsidiya ng maliliit na kooperatiba kung tunay na ninanais ng bansa ang pagsulong nang walang maeetsa-puwera matapos ang pandemya. Ayon sa senatorial aspirant, nangangailangan ng agarang tulong ang mga kooperatiba, lalo na ang sektor ng agrikultura kung saan nandito ang mga pinakamahirap na Pilipino, upang makasulong ang mga ito. “Nagsimula ang kooperatiba sa sektor ng agrikultura pero naiwanan na ito ng mga kooperatiba sa iba’t ibang sektor kabilang…

Read More