TSERMAN, 2 PA KRITIKAL SA DYNAMITE FISHING

SAMAR – Naputulan ng braso ang isang barangay chairman at nasa kritikal na kondisyon kasama ng dalawang iba pa matapos masabugan ng dinamita habang nangingisda sa dagat sakop ng bayan ng Zumarraga sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame mula Eastern Visayas PNP, kinilala ang biktima ng dynamite fishing na sina Chairman Elino Sobrino, 58-anyos, punong barangay ng Brgy. Maputi; Fernan Hinundayan, 24, at isang lalaking menor de edad na kasama ni Sobrino, sakay ng fishing vessel sa Brgy. Tinaogan. Sa inisyal na imbestigasyon, ihahagis na sana ni…

Read More

25 KATAO ARESTADO SA P1.6-M DROGA SA BULACAN

TINATAYANG P1.6 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska habang 25 drug suspects ang naaresto sa ikinasang Bulacan PNP’s week-long Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa loob ng nakalipas na apat na araw. Sa report na tinanggap ni Police Regional Office 3 (PRO3) director P/BGen. Matthew Baccay mula kay Acting Provincial Director Col. Rommel Ochave ng Bulacan PNP, mahigit P1.6 million na illegal drugs ang nakumpiska sa magkakahiwalay na buy-bust operations ng mga operatiba mula sa Stations Drug Enforcement Units (SDEU) ng City of Malolos at San Rafael…

Read More

CCP AT TRIBUNG PILIPINO CULTURAL FOUNDATION MAGPEPRESENTA NG FILIPINO ART SONGS SA PEBRERO 1

Ang Cultural Center of the Philippines, sa pakikipagtulungan sa Tribung Pilipino Cultural Foundation sa pamumuno ng national art patron at 2020 Gawad CCP Para sa Sining Awardee na si Danny Dolor ay magbabalik ng tradisyunal na musikang Pinoy sa isang koleksyon ng Philippine art songs sa isang online platform sa awiting Masayang Kabukiran at ito ay streamed sa Pebrero 1, 2020 sa ganap na alas-6:00 ng gabi sa CCP Facebook page. Ang online event na ito ay panimula sa selebrasyon ng February Arts Month sa taong ito. Ang production na…

Read More

1 MILYONG OFWs APEKTADO NG COVID-19

MAHIGIT isang milyong overseas Filipino workers (OFWs) ang apektado ng COVID-19 mula nang magkaroon ng pandemya noong 2020 hanggang Enero 2022. Ito ang report ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagdinig ng House Committee on Overseas Workers na pinamumunuan ni Rep. Raymond Democrito Mendoza. “A total of 1,005,714 overseas workers were affected by COVID-19 as of January 2022,” pagkumpirma ni Senior Specialist Jose Cabrera III ng Office the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ng Department of Foreign Affairs (DFA). Halos lahat ng nasabing bilang ay nawalan ng trabaho matapos…

Read More

Iringan sa online sabong? MANILA ARENA BINATO NG GRANADA

HINAGISAN ng granada ng riding in tandem ang parking lot ng Manila Arena sa Sta. Ana, Manila noong Huwebes ng gabi. Ayon sa ulat ng Manila Police District Bomb Disposal Unit, nakatanggap sila ng tawag na umano’y may dumating na magkaangkas sa hindi naplakahang motorsiklo at hinagisan ng granada ang parking lot sa main gate ng Manila Arena sa New Panaderos St. sa Sta. Ana, Manila bandang alas-6:05 ng gabi. Nabatid kay Lt. Jay Michael Querubin ng MPD-Station 6, agad silang tumawag sa MPD-Bomb Disposal Unit at sa pangunguna ni…

Read More

FIRST BLOOD BANK STATION NG RED CROSS SA NOVALICHES, BINUKSAN

BINUKSAN kahapon ang kauna-unahang blood bank station ng Philippine National Red Cross sa Novaliches, Quezon City upang matugunan ang mga nangangailangan ng dugo sa panahon ng pandemya. Pinangunahan ni Quezon City 5th district Councilor PM Vargas, head ng Red Cross Novaliches branch kasama si Congressman Alfred Vargas ang kauna-unahang Blood Bank ng District 5 QC na matatagpuan sa Pamayanang Malusog Building sa Barangay Hall Compound ng Greater Fairview, Quezon City. Ayon kay Vargas, napapanahon ang pagbubukas ng blood bank dahil sa dami ng tao na nangangailangan ng suplay ng dugo…

Read More

PAG-ARESTO KAY ROSE NONO-LIN IKINABAHALA

INALMAHAN ng kampo ng negosyanteng si Rose Nono-Lin ang pagsama sa kanyang pangalan sa listahan ng mga “cite in contempt” ng Senado. Si Nono-Lin ay pinaratangan na tinatakasan nito ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee bilang testigo sa Pharmally probe. Ipinagtataka ni Atty. Alma Fernandez-Mallonga kung bakit kasama ang negosyante sa ipinaaaresto ni Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon kahit nag-abiso na si Lin na positibo ito sa COVID-19. Batay sa resulta ng RT-PCR test ng 39-anyos na negosyante, nagpositibo ito sa virus noong Miyerkoles, January 26. Pero…

Read More

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE: PUBLIC ADVISORY

This is to inform the public that effective February 1, 2022 all offices nationwide of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) will be accepting requests  for medical  assistance under Medical Access Program (MAP). Filing/submission of requests in the National Capital Region (NCR) shall be done only through the PCSO MAP On-line Application System while the Branch offices may accept walk-in applicants in the absence of online/email application system. Thank you for your usual understanding. #PCSOsupportsUHC #PCSOGEDSI #LarongMayPuso #ConqueringCOVID19 459

Read More

3 SANGAY NG SSS SA RIZAL, TIGIL OPERASYON

TIGIL sa operasyon ang tatlong sangay ng Social Security System (SSS) sa bayan ng San Mateo, Antipolo at Cainta sa lalawigan ng Rizal. Ito ang inihayag kahapon ng SSS-San Mateo, Rizal. Base sa abiso ng Social Security System (SSS), pinapayuhan ang mga miyembro na makipagtransaksyon sa kalapit na mga sangay ng ahensya sa kani-kanilang lugar. Nabatid na kabilang sa SSS branch offices na isinara ang SSS Cainta, San Mateo at Antipolo. Hindi na idinetalye ng SSS ang pagsara ng operasyon sa nasabing mga sangay ng ahensiya. (KNOTS ALFORTE) 416

Read More