3 TULAK SA ANTIPOLO SWAK SA P800K DROGA

ARESTADO sa buy-bust operation ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ang tatlong pinaghihinalaang tulak na nakumpiskahan ng 127 gramo ng shabu kamakalawa ng umaga sa Antipolo City. Sa ulat kay P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang mga naaresto na sina Djoen Canata, alyas “Joen”, Michael Jimenez at Angelo Lawaan, alyas Angelo, pawang ng Brgy. Cupang, sa naturang lungsod. Dakong 11:30 ng umaga, nadakip ng grupo ni PLT. Jackson Aguyen ang mga suspek sa Dimson St., Purok 2, Zone 8, Antipolo. Nakumpiska ng mga tauhan ni P/Maj. Joel Custodio,…

Read More

Sa pagkakalutas sa double murder case OAS, POLANGUI MPS PINARANGALAN NI RD ESTOMO

BINIGYAN ng pagkilala ng pamunuan ng Police Regional Office 5 sa pangunguna ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, ang mga tauhan ng Oas MPS at Polangui MPS ng Albay Police Provincial Office dahil sa kanilang maagap at mabilis na pagkilos upang lutasin ang insidente ng kidnapping at pamamaril na ikinamatay ng isang Indian national at barangay kagawad noong Enero 21, 2022 sa Purok 5, Brgy. Maporong, Oas, Albay. Ginawaran ng Medalya ng Kagalingan sina P/Maj. Karlo P. Dy; P/CMS Fernando B. Sabater; P/SMS Romeo R. Raro Jr.; P/SMS Ronald…

Read More

Naaktuhan sa pagnanakaw 8 TAUHAN NG PNP-CIDG ARESTADO

TINIYAK ni Philippine National Police chief, Police General Dionardo Carlos na may paglalagayan ang walong kasapi ng PNP Criminal Investigation and Detection Group na inaresto ng kanilang mga kasamahan matapos na maaktuhang ninanakawan ang isang bahay na tinitirhan ng ilang Chinese nationals. Ayon kay PNP-CIDG Director P/MGen. Albert Ignatius Ferro, sinisiguro niyang mananagot ang walong pulis na kinilalang sina sina Maj. Ferdinand Mendoza, Ssgt. Mark Anthony Reyes Iral, Ssgt. Sanny Ric S. Alicante, Cpl. Richmond P. Francia, Cpl. John Gervic N. Fajardo, Cpl. Kenneth Rheiner Ferrer Delfin, Pat. Leandro Veloso…

Read More

ONLINE SABONG SINISILIP SA PAGKAWALA NG MGA SABUNGERO

INAALAM na ng Philippine National Police kung may kinalaman sa online sabong o game fixing ang motibo sa napaulat na sunod-sunod na pagdukot sa mga sabungero mula sa Bulacan, Laguna, Rizal, Quezon, at Batangas. Una nang ipinag-utos ni PNP chief, Police General Dionardo Carlos sa PNP Criminal Investigation and Detection Group na imbestigahan ang report hinggil sa nawawalang mga sabungero nang dumulog sa Camp Crame ang ilang kamag-anak ng mga nawawala. Ayon sa isang mataas na opisyal na nagmula sa PNP-Anti Kidnapping Group, totoong may mga dinukot na sabungero katunayan…

Read More

COVID-19 CASES BUMABA PA PERO ‘DI PA HANDA SA ALERT LEVEL 2 – OCTA

BUMABA pa umano sa 0.63 ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region (NCR) na inaasahan pang lalong bababa pagsapit ng Pebrero, ayon sa OCTA Research Group. Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, nakikita nila na aabot na lamang sa mas mababa sa 500 ang arawang bagong kaso sa NCR pagsapit ng Pebrero 14. Sa kabila nito, naniniwala naman si Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians, na hindi pa handa ang Metro Manila sa Alert Level 2 sa Pebrero. Naniniwala siya na sa kabila ng pagbaba ng…

Read More

MAYNILA HANDA NA SA PAGBABAKUNA NG 5-11 ANYOS

TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa publiko na handa ang lungsod na ilunsad ang kanilang vaccination drive para sa mga menor de edad mula 5 hanggang 11 taong gulang sakaling ipatutupad na ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang programa sa susunod na linggo. “Nakahanda na po ang inyong pamahalaang lungsod sa pagbabakuna ng ating mga kabataan na may edad 5 hanggang 11 taong gulang. We are just awaiting word from the DOH as to our schedule in Manila, kung kailan nila…

Read More

Publiko binalaan ng BSP PEKENG PERA NAIPAPASOK SA ATM

POSIBLENG kumalat ang mga pekeng pera na magmumula sa ATM ng mga bangko dahil sa impormasyong may mga nagdedeposito nito sa nasabing mga makina. Kamakalawa, nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na maging maingat at tingnang mabuti ang nakukuhang pera mula sa Automated Teller Machines (ATMs). Pinaalalahanan pa ng central bank ang publiko na regular na suriin ang pera upang malaman ang authenticity nito sa pamamagitan ng “feel, look, tilt” na paraan bilang pag-iingat laban sa mga peke. “Should a banknote dispensed by an ATM be suspected as a counterfeit,…

Read More

Accounts ng BBM supporters babaklasin FACEBOOK OFFICIALS PINULONG NI LENI

“KUMPIRMADO na nakipagpulong ang kampo ng isang presidential aspirant sa mga opisyal ng social media platform na Facebook para baklasin ang FB accounts ng supporters ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na malalaki ang following,” pahayag ngayon ng abogadong si Larry Gadon. Isiniwalat ni Gadon na mismong taga-loob ng FB Phils ang nagtimbre sa kanya na umano’y nakipagpulong si Leni Robredo kina Chris Kuzhuppily, Philippine public policy manager ng FB; Roy Tan, politics and government outreach manager for Asia Pacific; at Kylie Mooney, government, politics and advocacy partner manager, hinggil sa…

Read More

BBM NANINDIGAN SA PRO-LIFE; RAPE VICTIMS, INCEST POSIBLE SA ABORTION

NANININDIGAN si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na mahalaga sa kanya ang buhay ng bawat isang tao, subalit maaaring pumabor siya sa legalisasyon ng abortion, depende sa bigat ng sitwasyon at kadahilanan. Nilinaw ni Marcos sa ‘The Boy Abunda Presidential One on One Interview,’ na anumang pagpayag niya ay sa kadahilanang gusto niya lamang na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga biktimang kababaihan na tutol sa kanilang pagbubuntis. “We (will) allow these critical cases to avail of that therapeutic abortion in those instances,” he added. Aniya madalas na…

Read More