NAGSIMULA na ang mobile vaccination sa Quezon City nitong Huwebes sa pamamagitan ng proyektong ‘Bakuna Bus’ ng Philippine Red Cross (PRC). Ang programa ay inilunsad ni Quezon City Councilor Patrick Michael “PM” Vargas upang makaabot ang pagbabakuna sa mga lugar na marami pa ang hindi nababakunahan. Naisakatuparan ang programa sa suporta ni PRC chairman at Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon kay Councilor PM Vargas na siya namang Red Cross QC Novaliches Branch Council chairman. Isa ang programang medikal sa mga tinututukan ni Vargas, tumatakbong kinatawan ng Quezon City…
Read MoreAuthor: admin 2
MAY KASONG ROBBERY SA QC, ARESTADO NG WPD
INIATANG ng korte sa mga tauhan ng Manila Police District Station 12 ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa isang 37-anyos na babaeng sangkot sa robbery, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa Novaliches, Quezon City noong Biyernes ng hapon. Kinilala ni MPD District Director, P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si H-D Tablante, residente ng Block 34, Lot 17, King Paul St., Kingspoint Subdivision, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Paul Jady Doles, commander ng MPD- Delpan Police Station 12, bandang alas-2:30…
Read MoreESTUDYANTE WALANG FACE MASK, HULI SA SHABU
SWAK sa hoyo ang isang 19-anyos na estudyante nang mahulihan ng lagpas sa P.3 milyong halaga shabu nang sitahin dahil walang suot na face mask sa Caloocan City. Maliban sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at “Disobedience of lawful orders of persons in authority or their agents”, nahaharap din kasong sa paglabag sa City Ordinance 0862 na nagmamandato sa pagsusuot ng face mask, ang suspek na si Joseph Sabsalon y Beaniza, binata, ng #69 Bagong Sikat St., Brgy. 132, Bagong Barrio, Caloocan City. Ayon sa…
Read MoreMODERNIZATION NG BFP MAGPAPABUTI SA SERBISYO
PINAPURIHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang mga serbisyo sa proteksyon at pagsugpo sa sunog sa isinagawang seremonya ng Bureau of Fire Protection (BFP) noong Martes, Enero 25, para markahan ang turnover ng 62 bagong unit ng fire trucks na ipinagkaloob ng pamahalaan. Ang event ay virtually attended ni Sen. Go na ginanap sa BFP national headquarters sa Quezon City. Ang 1,000-gallon capacity na mga fire truck ay bahagi ng isang set ng mga pagbili na ginawa noong 2020 na inaasahang ganap na maihahatid…
Read MoreCOVID DEATH TOLL SA MALABON, UMAKYAT SA 700
UMABOT na sa 700 ang COVID-19 death toll sa Malabon City matapos na tig-isang pasyente sa mga barangay ng Baritan at Catmon ang binawian ng buhay noong Enero 28. Ayon sa City Health Department, 30 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw mula sa Barangays Catmon (3), Ibaba (2), Longos (6), San Agustin (2), Tañong (3), Tonsuya (7), at Tugatog (7). Sa kabuuan ay 25,059 ang positive cases sa siyudad, 152 dito ang active cases. Habang 35 ang bilang ng mga gumaling mula sa Barangays Catmon (2), Concepcion (2),…
Read MoreISTIBADOR NAHULOG, NALASOG
NALASOG ang katawan at nabasag ang ulo ng isang 25-anyos na istibador nang mahulog mula sa container van na buhat ng crane sa Navotas City. Bangkay na nang idating sa Tondo Medical Center ang biktimang si Jonathan Postrero, ng Montalban, Rizal. Ayon sa ulat, alas-2:50 noong Biyernes ng madaling-araw, nasa ibabaw si Postrero ng container van na buhat ng crane na pinagagana ni Romeo Margin, 60, crane operator, ng Kapak St., Brgy. 12, Dagat-Dagatan, sa loob ng TBS Container Yard sa Honorio Lopez Road, Brgy. North Bay Boulevard South, nang…
Read MoreBBM MULING NANGUNA SA SURVEY, 51%; UNITEAM NAKAKUHA NG SUPORTA SA PARTIDO BARUG NG CEBU
ISA na namang survey ang nagpatunay na si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang nananatiling nangungunang kandidato sa pagka-pangulo sa darating na halalan sa Mayo 2022. Ang survey na isinagawa ng Issues and Advocates Center na inilabas nitong Martes ay nagpapakita na nakakuha si Marcos Jr., ng 51 porsyentong voters preference o mas mataas ng walong porsyento sa nakaraan nilang survey nitong Disyembre. Ayon kay Ed Malay, director ng The Center, ang Pulso ng Pilipino survey ay isinagawa simula Enero 10 hanggang Enero 16 ngayong…
Read MoreSARIMOS DRUG GROUP LEADER, NAKORNER
CAVITE – Makaraang makulong at lumaya, muling naaresto ang lider ng Sarimos drug group sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam ang mahigit sa P103,000 halaga ng umano’y shabu sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Joel Sarimos y Perez, 40, driver, tinaguriang high value individual (HVI). Ayon sa report ni P/SSgt. Wilson Candava ng Dasmariñas City Police, dakong alas-11:40 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite PPO at Dasmariñas CPS sa Bgry.…
Read MoreLIDER NG GUN FOR HIRE, 2 PA HULI SA ANTIPOLO
RIZAL – Hawak na ng Rizal PNP ang 64 anyos na umano’y lider ng robbery at gun for hire group sa Antipolo City. Kinilala ni Rizal PNP Provincial Director, P/Col. Dominic Baccay, ang mga nadakip na sina Teddy Serafin Garcia, 64, itinuturong lider ng grupo; Joeman De Luna at Joemary De Luna, magkapatid, pawang mga residente ng Sitio Igiban, Zone 7, Brgy. Cupang sa lungsod. Nadakip si Garcia ng mga tauhan ng Special Weapon and Tactics (SWAT), Provincial Intelligence Unit (PIU) at Antipolo PNP sa bisa ng warrant of arrest…
Read More