P20-M HALAGA NG HOMECARE KITS DONASYON SA 17 LGUs

MULING nag-donate ang Pitmaster Foundation ng P20 milyong halaga ng homecare kits sa 17 local government units sa National Capital Region (NCR). Ayon kay Atty. Caroline Cruz, Executive Director ng Pitmaster Foundation, “Ito ay ilan lamang sa mga inisyatibang ipinagpapatuloy ng Foundation upang maiwasan ang COVID-19 lockdown, matulungan ang mga health workers, at maprotektahan ang mga maliliit na negosyo.” Sinabi ni Cruz, ang direktiba sa kanila ng kanilang chairman na si Charlie “Atong” ay tulungan ang mga LGU sa NCR sa laban nila sa COVID-19 at suportahan ang COVID-19 Response…

Read More

NASASANAY NA (ULIT) ANG PINOY?

SA halos dalawang taong nakalipas mula nang magkaroon ng pandemya, naoobserbahan ko na mukhang nasasanay na ang mga tao… natuto na silang tanggapin ang katotohanan at nasanay na sila sa kalagayan ng ating bansa. Sanay na ang mga tao na makakarinig at makakabasa ng balita mula sa mismong gobyerno na libo-libo ang nahahawaan ng COVID-19 araw-araw, parang ordinaryo na lang sa kanila. Mukhang manhid na rin ang mga tao na nakakabalita na araw-araw ay mahigit isang daan ang namamatay sa ­COVID-19. Pinamanhid ng kapabayaan ng mga nasa gobyerno na naatasang…

Read More

2022 BUDGET: BINALANGKAS AT IPINASANG MAG-ISA NGA BA NI KAP?

HINDI pa man nalulusutan ang kanyang problema sa Commission on Audit (COA) kaugnay ng hindi maipaliwanag na paggamit ng pondo sa loob ng maraming taon, muli na namang sumabit sa isa pang bulilyaso ang suking Kapitan ng isang barangay sa bayan ng Taytay. Sa isang pahinang liham na natanggap ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ikinanta ng mga kaalyadong kagawad ni Kapitan Allan de Leon ang umano’y sukdulang ­awtoritaryanismo ng bruskong opisyal ng pinaka­mayamang barangay sa buong bayang higit na kilala bilang Garments Capital ng bansa. Pag-amin ni…

Read More

JESSICA SOHO BIASED?

UMANI ng samu’t saring reaksyon ang hindi pagdalo ni ­dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa imbitasyon ni Jessica Soho sa presidential aspirants’ interviews kamakalawa ng gabi sa GMA-7. Sa reaksyon ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, “Kung ayaw niya, bakit mo pipilitin. Kung iniisip niya na hindi niya kailangan ‘yung interview na ‘yun e, ano ang pakialam ni Jessica. What power does she have to compel a candidate to go there and listen to her questions? Too presumptuous. Kung may freedom of the press, may freedom din ‘yung ini-interview”.…

Read More

BAGSAKAN NG KONTRABANDO

imbesigahan natin Ni JOEL O. AMONGO HINDI na bago ang pamamayagpag ng Divisoria sa tuwing sasapit ang tinatawag na peak season tulad ng pagbubukas ng klase, piyesta at maging sa tuwing sasapit ang kapaskuhang mistulang pagkakataon para sa mga sindikatong hangad ay perahin ang mga ipinuslit na kalakal mula sa ibang bansa. Ang totoo, ang Divisoria ang paboritong puntahan ng mga maliliit na negosyanteng hangad ay makamura sa kanilang kabuhayan. Bakit nga naman hindi? Hindi hamak na mas mababa ang presyo ng halos lahat ng kalakal sa Divisoria. Lingid sa…

Read More

P165.9B BUWIS, NALIKOM SA ANTI-FUEL SMUGGLING

NAGBUNGA ng tumataginting na P165.9 bilyon ang kinita ng pamahalaan sa ilalim ng isang mekanismong inilatag para tiyaking bayad ang buwis ng mga produktong petrolyong ibinebenta ng mga kumpanya ng langis sa merkado. Mula buwan ng Enero hanggang Disyembre, umabot naman sa mahigit 17 bilyong litro ng gasolina, krudo at kerosene ang ininspeksyon ng Bureau of Customs (BOC) sa mga establisimyentong nagbebenta ng mga produktong petrolyo sa mga motorista at mga kapitalista. Inumpisahang ipatupad noong Setyembre 2019, ang Fuel Marking Program ayon pa sa BOC ay isang programang nagbibigay katiyakang…

Read More

PEKENG ANTIGEN KITS AT GAMOT SILAT, TSINONG NEGOSYANTE ARESTADO

HINDI bababa sa P150 mil­yon halaga ng iba’t ibang pekeng antigen test kits, gamot, facemask at mga iba pang branded merchandise ang sinamsam ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa isang operasyon sa lungsod ng Maynila. Sa tulong ng isang impormante, partikular na sinalakay ng BOC ang isang bodega kung saan umano nakabarega ang mga bagong puslit na kargamento. Bitbit ang isang search warrant sinalakay ang pakay na bodega kung saan tumambad ang mga kahon-kahong medical logistics mula sa bansang Tsina. Kabilang sa mga kinumpiskang kalakal ang mga…

Read More

P5.2M DROGA NASABAT, CONSIGNEE SILAT SA QC

MULA Clark Pampanga, dinayo pa ng mga operatiba ang isang consignee sa Quezon City para ideliver ang hindi bababa sa P5.2-milyong halaga ng drogang inangkat pa mula sa bansang Netherlands. Sa isang controlled delivery operation na ikinasa ng Bureau of Customs (BOC), Port of Clark, Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), Enforcement and Security Services (ESS), X-ray Inspection Project (XIP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), arestado sina Evelyn Sotto alyas Jennica Abas at kapatid nitong nakilala bilang Genevie Abas, kapwa residente ng Barangay Tatalon sa nasabing lungsod. Sa kalatas…

Read More

SALN NG PUBLIC OFFICIALS GAWING TRANSPARENT— BBM

ISUSULONG ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na gawing mas transparent o bukas sa publiko ang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno. Kasabay nito, ipinahayag din ni Bongbong na handa rin niyang buksan sa publiko ang kanyang SALN sakaling maluklok sa pwesto. “I am perfectly willing to show my SALN, and in fact, I have been consistent in doing it before, as a public official,” ayon kay Bongbong sa panayam ng One News kamakailan. Bagama’t isusulong ang transparency sa pamahalaan, nagbabala naman…

Read More