Commuters may isang buwang palugit para magpabakuna NO ‘VAX, NO RIDE’ POLICY SINUSPINDE

PANSAMANTALANG binawi ng Department of Transportation (DOTr) ang direktibang pagbabawal sa pagsakay ng mga hindi pa bakunado sa mga pampublikong sasakyan sa National Capital Region (NCR). Sa isang pahayag, binigyan ng DOTr ang mga partially-vaccinated at mga wala pang turok ng bakuna kontra COVID-19 ng 30 araw para makapagpatala at makapagpabakuna sa kani-kanilang lokalidad. Nagsimula naman ang pagbilang ng 30-araw na ultimatum kahapon (Enero 26) at magtatapos sa ika-24 na araw ng susunod na buwan. Sa atas ng DOTr, maaaring sumakay sa mga pampublikong sasakyan tulad ng mga bus, dyip…

Read More

Kapag nahalal ang UniTeam BBM HANDANG BIGYAN NG PWESTO MGA KRITIKO

BILANG bahagi ng isinusulong na pagkakaisa, nakahanda si presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bigyan ng pwesto sa gobyerno, kahit pa ang kanyang mga kritiko. Sa panayam ng DWIZ, sinabi ng standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na isa ito sa kanyang mga gagawin sakaling palarin na manalo bilang pangulo sa halalan sa Mayo. Ani Marcos, Jr., lahat ng maaaring makatulong upang pagandahin ang Pilipinas, anoman ang partido, ay dapat na mapakinggan. Kabilang sa kanyang ikokonsidera sa pagtatalaga ng mga opisyal ay ang kanilang…

Read More

DNA TEST HAMON SA ‘HEREDERO’ NG TYCOON

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA hangaring tuldukan ang usapin sa husgado kaugnay ng kung sino ang higit na may karapatan sa mga  ari-arian na iniwan ng kanyang ama , hinamon ng panganay na anak ng yumaong business tycoon na si Mariano Nocom Sr. ang aniya’y nagpapakilalang kapatid niya na sumalang sa isang DNA test. Bilang pambungad, kusang-loob na nagpresenta sa Pasay City Regional Trial Court si Mariano Nocom Jr., panganay na anak ni Mariano Sr. para unang sumalang sa DNA test. Subalit sa halip na tanggapin ang hamon para sumalang…

Read More

ANAK, NAPATAY NG BALUT VENDOR

QUEZON – Napatay sa saksak ng isang balot vendor ang kanyang sariling anak na tinedyer nang magkasagutan ang mga ito sa kanilang bahay sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang 19-anyos na biktimang si Edrian Quejano dahil sa tama ng saksak sa dibdib at sa beywang. Ayon sa tatay na si Arnold Macalinga Quejano, 46, nasaksak niya ang anak dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang sarili. Batay sa imbestigasyon ng Sariaya police,…

Read More

ANTI-DRUG PARTY-LIST VOLUNTEER, 2 PA TIKLO SA P199K SHABU

CAVITE – Tinatayang P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa arestadong tatlo katao, kabilang ang volunteer ng isang anti-drug party-list, at isang menor de edad, sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina Asrap Kamad Kasan Datu, volunteer ng People’s Volunteer Against Illegal Drug (PVAID) party-list; Datu Jerklie Abdulkarim, at isang 17-anyos na binatilyo na si alyas Tato. Ayon sa ulat ng NBI-TFAID, noong Enero 23, nakatanggap sila ng impormasyon na si Datu ay may ibebentang shabu na nagkakahalaga ng P900,000, sa informant…

Read More

SENIOR CITIZEN DEDBOL KAY UTOL

CAVITE – Patay ang isang 61-anyos na senior citizen nang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid nang magtalo habang nag-iinuman sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Unang isinugod sa CARSIGMA Hospital saka inilipat sa De La Salle University Medical Center ang biktimang si Alexandro Velasco y Estilo, ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang nakababata nitong kapatid na si Tomas Velasco y Estilo, 58. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Dann Czar Rosales ng GMA Police Station, bago ang…

Read More

NAT’L CHILDREN’S VAX DAY IKAKASA

HINIKAYAT ng health experts ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) against coronavirus disease (COVID-19) na magsagawa ng COVID-19 vaccination day para lamang sa mga bata sa gitna ng kamakailan lamang na pagsirit ng infections sa bansa. Sa isang webinar na may pamagat na “Omicron Truths and Myths, Pediatric COVID-19 vaccine news and the Journey to the New Normal” na idinaos nitong Enero 25, pinatunayan ng health experts ang pagiging epektibo ng COVID-19 vaccines. Sa kahalintulad na webinar, sinabi ni Philippine Medical Association (PMA) president Dr. Benny…

Read More

Cyber crimes pinatutuldukan ni Defensor P365-M NG CICC GAMITIN VS HACKING, PHISHING

DISMAYADO ang isang kongresista sa patuloy na pagdami ng cybercrimes sa kabila ng pondong inilaan para sa Cybercrime Investigation and Coordinating Council (CICC) na may mandatong tugunan ang mga biktima ng cyber attacks at pagtugis sa cyber criminals. Giit ni party-list Rep. Mike Defensor na aspirante rin para sa posisyon ng alkalde sa Quezon City, hindi dapat ipinagwawalang bahala ng CICC ang pinakahuling cyberattack kung saan ang sahod na nakadeposito sa Land Bank of the Philippines (LBP) ng mga guro naman ang pinuntirya. Ayon pa sa kongresista, may kakayahan ang…

Read More

PAG-IMPORT NG GALUNGGONG PAG-ARALAN MUNA

DAPAT pag-aralan muna ng Department of Agriculture (DA) ang planong pag-aangkat ng galunggong dahil maraming mangingisda ang maaapektuhan. Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, bagamat may kakulangan ng galunggong dahil sa bagyong Odette noong nakalipas na buwan at ang umiiral na “fishing ban” ngayon”, dapat timbangin ng DA kung ano ang mas mahalaga – ang kabuhayan ng mga fisherman natin o ang mga konsyumer na galunggong lang ang kayang bilhin. Ayon kay Yap, maiintindihan naman ng mga konsyumer kung hindi tayo mag-iimport alang-alang sa mga mangingisda natin. Ani Yap,…

Read More