2 WANTED TAIWANESE, KOREAN NALAMBAT

INANUNSYO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto sa isang babaeng Taiwanese na wanted ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa kasong forgery. Ayon sa report kay Immigration Commissioner Morente, ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang pugante na ang 61-anyos na si Peng Hui Ying, naaresto noong Enero 12 sa isang condominium unit sa Araneta Ave., Quezon City. Nabatid mula kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, inaresto ang suspek ng arresting agents na armado ng mission order mula kay Morente na inisyu matapos hilingin ng…

Read More

DRIVE-THRU VACCINATION SA PUV DRIVERS BINUKSAN SA MAYNILA

INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pinakabagong booster vaccination drive-thru para sa mga driver ng public utility vehicles, kabilang ang mga jeepney, taxi, tricycle, pedicab at maging ang mga delivery van sa Bagong Ospital ng Maynila, mula 8am hanggang 5 pm ngayong Lunes, para mapagaan ang booster drive-thru vaccination site sa harap ng Quirino Grandstand sa Luneta na ngayon ay 24-hour na nag-o-operate. “Sino-sino po ‘yan? Jeepney driver, tricycle driver, sidecar boy, delivery van, pedicab driver, taxi driver. Dalhin nyo pamilya ninyo, mag drive-thru kayo, injection ng booster…

Read More

OFW FORUM SA PUERTO GALERA DINAGSA

HINDI napigil ng napakalakas na buhos ng ulan ang pagtungo ng mga OFW at pamilyang OFW sa Puerto Galera Municipal Gymnasium. Matapos masiguro ang pagpapatupad sa health protocols na pinangasiwaan ng mga kawani ng Puerto Galera sa tagubilin ni Municipal Administrator Carmela Dating-ginoo, ay agad sinimulan ang programang OFW FORUM ng Team #10  AKOOFW PARTYLIST. Naunang namahagi ng mga munting regalo si 3rd noninee Nald Santos na sinundan ng pangungusap na nagpa-alab sa damdamin ng mga OFW at dating OFWs. Naging bahagi naman ng talumpati ni AKOOFW Partylist Chairman at…

Read More

SULIT KITA SA X-RAY MACHINES

KUNG pagbabatayan ang imbentaryo ng kitang pumasok sa Bureau of Customs (BOC) para sa nakaraang taon, sulit ang salaping ginamit ng ahensya sa modernisasyon sa hangaring tiyakin ang pagpasok ng angkop na koleksyong kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kalakal sa bansa. Partikular na tinukoy ng X-Ray Inspection Project (XIP) ang mga x-ray machines sa isang ulat kung saan lumalabas na hindi bababa sa P113 milyon ang pumasok na dagdag kita ng kawanihan mula sa kargamentong dating hindi pinapatawan ng angkop na taripa. Sa datos ng ahensya, lumalabas na…

Read More

CONSIGNEE DAKIP, DROGA SA PENTEL

ARESTADO sa pinagsanib na operasyon kontra droga ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City ang isang consignee ng bagaheng naglalaman ng shabu. Sa ulat ng BOC-Port of Clark, lubhang ikinabahala ng mga kawani ng nasabing tanggapan ang isang bagahe makaraang magpamalas ng kakaibang galaw ang mga nakatalagang K9 dogs, dahilan para agad na gamitan ng x-ray machine na nakatalaga sa naturang puerto ang kaduda-dudang laman ng kargamentong idineklarang marker pens mula sa Estados Unidos. Nang masipat ang imaheng lumalabas sa x-ray, nagpasya ang…

Read More

KASO VS IMPORTERS, CUSTOMS BROKERS

HINDI nakalusot sa aberya ang mga tangkang pandaraya ng ilang importers at customs brokers sa likod ng mga bugong pagpupuslit ng mga kargamento sa iba’t ibang puertong saklaw ng Bureau of Customs (BOC). Sa imbentaryo ng Revenue Collection Monitoring Group ng kawanihan, nasa 166 ang kabuuang bilang ng mga asuntong isinampa ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) laban sa mga bulilyasong importers at kasapakat na customs brokers bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra smuggling. Ayon sa BOC, nasa 103 kasong kriminal ang inihain mula Enero hanggang Disyembre ng…

Read More

P30M FAKE MEDS, SILAT SA BOC OPS

Ni JOEL O. AMONGO ARESTADO sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Intelligence Service Armed Forces Of the Philippines (ISAFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Pakistani na umano’y nasa likod ng pamemeke ng mga gamot laban sa laganap na trangkaso. Kabilang sa mga nasamsam ang ibat ibang palsipikadong gamot tulad ng Biogesic, Neozep, Bioflu, Immunpro, Ivermectin, Phenokinon F Injection, Medicol, Flanax, Alaxan FR at MX3. Sa tala ng mga operatiba, hindi bababa sa P30-milyong halaga ang…

Read More

Pangmatagalang kapayapaan hangad ni Bongbong para sa bansa, todong suporta ibibigay sa NTF- ELCAC

Buong suporta ang pangakong ibibigay ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa National Task Force to End Local Communist (NTF-ELCAC) sa laban nito para wakasan ang kaguluhan dulot ng mga rebelde at sinisiguro rin niya ang dagdag na pondo, kung siya ang mananalo sa darating na halalan. Matatandaan na nauna nang binatikos ni Marcos Jr. ang desisyon ng Senate Finance Committee na bawasan ang pondo ng NTF-ELCAC, dahil aniya ay baka masayang ang mga tagumpay na natamo ng pamahalaan sa pagsugpo ng insurhensiya. Sa…

Read More

‘DI BAKUNADO TABLADO SA 7 LUGAR SA LAGUNA

LAGUNA – Nasa pitong lokal na pamahalaan sa lalawigang ito ang naglabas ng kautusan at ordinansa na nagtakda ng regulasyon sa paglabas ng mga hindi pa bakunadong indibidwal, sa gitna ng tumataas na aktibong mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Kabilang dito ang pamahalaang lungsod ng Biñan at pamahalaang bayan ng Los Baños, Kalayaan, Mabitac, Magdalena, Pagsanjan, at Pila, ayon sa ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 4A. Ang paglilimita sa paglabas ng mga hindi pa bakunadong indibidwal ay kasunod ng pagtatakda ng Metro Manila…

Read More