NO VAX, NO RIDE SWAK DIN SA MGA PROBINSYA

SA hangaring pwersahin ang pagpapabakuna laban sa nakamamatay na COVID-19, nakatakda na ring maglabas ng kani-kanilang executive orders kaugnay ng polisiyang “no vax, no ride” sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila. Sa isang kalatas, hayagang kinatigan ni Quirino Gov. Dakila Cua na tumatayong pangulo ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), ang rekomendasyon ng Department of Transportation batay sa resolusyong ipinasa ng mga alkaldeng kasapi ng Metro Manila Council para sa pagbabawal sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan ng mga hindi pa bakunado. “Maraming lokal na…

Read More

UTAK SA ALEOSAN BUS BOMBING, 3 PA NAPATAY

NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine Army 6th Infantry Division ang mastermind sa Aleosan, North Cotabato bus bombing, at tatlong tauhan nito matapos silang matunton ng tumutugis na military matapos ang pambobomba na kumitil ng 5-anyos na bata at ikinasugat ng anim na iba pa. Ayon kay Major General Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, limang araw matapos ang malagim na pagpapasabog sa Mindanao Star bus sa national highway ng Aleosan, ay kanilang naneyutralisa ang utak sa pambobomba kasama ang tatlo pang ekstremista sa kasagsagan…

Read More

‘DI BAKUNADONG KAPITAN PINAGBIBITIW

NANAWAGAN ang isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa agarang pagbibitiw sa pwesto ng mga barangay captain na ayaw magpabakuna kontra COVID-19. Giit ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, hindi angkop na manatili sa pwesto ang mga kapitan sa mga nasasakupan nito, lalo pa’t una nang naglabas ng direktiba ang kagawaran sa hanay ng mga kapitan para sa pagtukoy ng nasasakupang mga residenteng hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine. “Kung talagang hindi pa bakunado, pwede naman kayo mag-resign o kaya mag-leave kayo…

Read More

AMBUSH SA 2 BOC EMPLOYEES, BINUBUSISI

INIUTOS ni Manila Police District Director, P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco sa kanyang mga tauhan na masusing imbestigahan ang nangyaring ambush sa dalawang tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na binaril sa magkahiwalay na lugar ng Binondo at Sampaloc, Manila. Binubusisi ng mga ekspertong tauhan ng MPD-Homicide Section, sa pangunguna ni P/Lt. Adonis Aguila, mga miyembro ng Binondo Police Station 11, sa pangunguna ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., at mga tauhan ni P/Lt. Col. Gene Licud, station commander ng Station 4, ang posibleng motibo sa insidente. Unang tinambangan si…

Read More

WORLD CLASS MOLECULAR LABS ITATAYO SA QC – DEFENSOR

MAGTATAYO si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ng world class molecular diagnostic laboratories sa Quezon City para sa 2.94 million residente ng lungsod sa sandaling mahalal ito bilang mayor sa eleksyon sa Mayo. “The residents of Quezon City deserve access to world-class automated testing services for diseases, and we are determined to give it to them,” ayon kay Defensor na tumatakbong Mayor ng Quezon City. “We intend to put up at least three molecular testing labs – one each for the Quezon City General Hospital, the Novaliches District Hospital, and…

Read More

INSTANT AYUDA SA TOURISM WELFARE ACT

TITIYAKIN ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) ang pagsasabatas ng “Tourism Welfare Act” na puprotekta sa kapakanan ng tourism workers at entrepreneurs kabilang na ang pagbibigay sa kanila ng “instant ayuda” sa panahon ng kalamidad. “Mahigit limang milyong Pilipino na naghahanap-buhay sa industriya ng turismo ang naapektuhan ng COVID-19 pandemic crisis at gayondin ang dinanas sa pagsapit ng kalamidad tulad ng pagbabagyo. Kinakailangan na may nakahanda na tulong para sa mga miyembro ng tourism sector at kanilang mga pamilya,” sabi ni TURISMO first  nominee Wanda Tulfo-Teo. Ang pagpapasa sa Kongreso…

Read More

YAMAN NG TSINOY TYCOON KINAMKAM NG ‘AMPON’?

WALANG kahirap-hirap na nailipat ng isang sinasabing ampon ng isang may-kayang pamilyang Tsinoy ang hindi bababa sa P45.75-milyong halaga ng salapi at iba pang ari-arian ng isang kumpanya, sa Pasay City. Base sa 10-pahinang reklamong isinampa ni Mariano Nocom Jr. sa Pasay City Prosecutor’s Office, kasong qualified theft ang inihain laban sa limang opisyal ng Salem Investment Corporation (SIC), kabilang ang isang Albert Nocom na umano’y nagpanggap na tagapagmana ng yumaong business tycoon na si Mariano Nocom Sr. Pasok din sa asunto maliban kay Albert, sina Caroline O. Nocom-Ng, Matthew…

Read More

INURNMENT NI NATIONAL ARTIST F. SIONIL JOSE GAGANAPIN SA LIBINGAN NG MGA BAYANI SA ENERO 18

Ang mga labi ng National Artist na si F. Sionil Jose ay ililibing sa Libingan ng mga Bayani sa Enero 18, 2022. Bago ang kanyang inurnment, magkakaroon ng misa sa ganap na alas-10:00 ng umaga na susundan ng State Funeral. Ang National Artist ay pumanaw noong Enero 6, 2022 habang naka-confine sa Makati Medical Center habang naghihintay sa kanyang angioplasty. Siya ay pumanaw sa edad na 97. Ang inurnment ay sa pamamagitan lamang ng pag-anyaya, batay sa nakasaad sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases protocols.…

Read More

BBM-Sara UniTeam HQ resumes operations

THE BBM-Sara UniTeam headquarters will resume operations on Monday, January 17, 2022, following a two-week closure after many staff and volunteers were tested positive of COVID-19. The resumption of HQ functions, however, will be LIMITED ONLY for staff who were tested NEGATIVE in their RT-PCR tests. “To avoid further health complications, NO WALK-IN in guests, non-staff and volunteers of parallel groups are allowed for now until further notice,” said BBM Chief of Staff Atty. Vic Rodriguez. In its previous announcement, the UniTeam reported that more than 30 staffers initially tested…

Read More