SA pagsisimula ng bagong taon, bitbit pa rin ng Police Regional Office 5 ang matinding pagnanais na buwagin at bigyan ng tuldok ang karahasang dulot ng New People’s Army (NPA). Patunay rito ang matagumpay na combat operation ng mga kawani ng Catanduanes Police Provincial Office (CPPO) noong ika-9 ng Enero 2022. Ayon sa report ng CPPO, dakong alas-7:30 ng gabi sa Brgy. Hinipaan, Bagamanoc, Catanduanes nang mangyari ang engkwentro sa pagitan ng pinagsamang pwersa ng pulisya at militar laban sa tinatayang sampung miyembro ng rebeldeng grupo. Ito ay nagresulta sa…
Read MoreAuthor: admin 2
CONCEPCION SINIMULAN ANG PAKIKIPAG-USAP PARA SA PAGBILI NG MOLNUPIRAVIR PARA SA MSMES
Sinimulan na ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion ang pakikipag-usap sa mga supplier ng anti-viral drug Molnupiravir na bilang paraan para tulungan ang maliliit na negosyo na ang mga manggagawa ay tinamaan ng COVID-19. Inaprubahan kamakailan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) para sa Molnupiravir, isang oral medicine na nakatutulong para mabawasan ang malalang sintomas ng COVID-19. Ayon kay Concepcion, paraan ito para tulungan ang maliliit na negosyo at mga partner ng “A Dose of Hope Program” na makakuha ng…
Read MoreOFFICIAL STATEMENT OF ATTY. VICTOR D. RODRIGUEZ
Chief of Staff and Spokesperson of Presidential Aspirant, Bongbong Marcos, Jr. On the alleged Comelec data breach in its servers “We are keenly observing the development on the alleged hacking on the Comelec systems with prudence by awaiting confirmation by those tasked to investigate the incident. We do not intend to immediately jump into any conclusion that could lead to undermining or discrediting the preparations and the conduct of the May 9 general elections. For now, we call on the Comelec Steering Committe and the Joint Congressional Oversight Committee (JCOC)…
Read MoreSIGURUHING NASUSUNOD ANG MGA HEALTH PROTOCOL SA MGA EVACUATION CENTER — BBM-SARA UNITEAM
NANAWAGAN ang tambalan nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at running mate na si Davao Mayor Sara Duterte sa mga lokal na opisyal sa mga lugar na sinalanta ni ‘Odette’ na siguruhing nasusunod ang mga health protocol sa mga evacuation center kung saan pansamantalang tumutuloy ang libo-libong mga biktima. Ang panawagan ay ginawa nila bunsod ng pangamba na maaaring maging laganap ang hawaan ng ibat-ibang uri ng mga sakit, lalo’t higit ang coronavirus infection kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid19 na dala ng bagong Omicron variant.…
Read MoreCONG. ARROYO NADAGDAG SA COVID POSITIVE SA KAMARA
NADAGDAGAN pa ang mga miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso na tinamaan ng COVID-19. Sa Facebook post ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo, kinumpirma nito na nagpa-antigen test ito noong Lunes at positibo ang resulta. “Im asymtomatic for now and have gotten in touch w a doctor to take care of me. The advice for now is to isolate at home and take Molnupiravir and vitamins,” ayon sa kongresista. Una nang kinumpirma nina Deputy Speaker Bienvenido Abante Jr. at Quezon City Rep. Alfred Vargas na nagpositibo sila sa COVID-19 kamakalawa. Tulad…
Read More1989 KUDETA HERO PUMANAW
NAGPAABOT ang Armed Forces of the Philippines ng kanilang pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating AFP Chief of Staff Lisandro Abadia. Ayon kay AFP spokesman, Col. Ramon Zagala taos-puso ang kanilang pakikidalamhati sa pamilya ni Gen. Abadia na pinamunuan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula Abril 1991 hanggang Abril 1994. “He (Abadia) paved the way for the professionalization of the military and the return of meritocracy in its promotion system,” anang opisyal. Pinamunuan din ni Abadia ang pagpapatupad ng Campaign Plan Lambat Bitag na naging daan para humina ang puwersa ng…
Read MorePNP NADAGDAGAN NG 436 COVID POSITIVE
NAKAPAKO sa 125 ang bilang ng mga nasawing kagawad ng Philippine National Police sa COVID-19 subalit nadagdagan naman ng 436 ang bagong kaso nito sa hanay ng kapulisan. Sa datos ng PNP Health Service, hanggang nitong Lunes (January 10), 43,603 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng PNP. Sa nasabing bilang, 1,884 ang aktibo pang kaso, habang may lima namang pulis ang gumaling. Dahil dito, 41,594 ang total recoveries sa hanay ng PNP at walang bagong napaulat na nasawi. Samantala, sa record ng Department of Health (DoH) ay nasa…
Read MoreJobless pinagbabaril MATAGAL NANG ALITAN TINAPOS NG DRIVER
PATAY ang isang 22-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng dati nitong kaalitan matapos abangan sa isang eskinita sa Bacoor City, Cavite noong Linggo ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Gilbert Villantes Jr., binata, walang trabaho, ng Malipay 3, Molino IV, Bacoor City, Cavite habang pinaghahanap ng pulisya ang inginusong suspek na si Rule Endang, alyas Bor, nasa hustong edad, isang driver, ng Sitio Tabing Ilog, Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes Jr., ng Bacoor City…
Read MoreDRIVER DEDO, 2 ANGKAS SUGATAN SA MOTORSIKLO
QUEZON – Patay ang isang rider habang sugatan ang dalawang backrider nito matapos na ang sinasakyang motorsiklo ay sumemplang at sumalpok sa railings ng highway sa bayan ng Catanauan sa lalawigang ito, noong Linggo ng tanghali. Ayon sa report ng Catanauan Police, dead on arrival sa ospital ang biktimang si Phillip Abenilla, 37, dahil sa grabeng pinsala sa ulo. Sugatan naman ang magpinsang backrider nito na sina Jason Organo, 29, at Elmer Caparos, 25, pawang mga residente ng Barangay Bulagsong, Catanauan. Batay sa imbestigasyon, tinatahak ng tatlo ang Lopez-Catanauan national highway sakop ng…
Read More