Dahil sa kontaminadong tubig VISMIN SAPUL NG EPIDEMYA

BUKOD sa nakaambang panganib bunsod ng pandemya, nahaharap sa matinding pagsubok ang libo-libong pamilya sa mga lalawigang hinagupit ng bagyong Odette may tatlong linggo na ang nakakaraan, ayon mismo sa Department of Health (DOH). Sa tala ng DOH, siyam na katao na ang pumanaw dahil sa dehydration habang nasa 895 naman ang nasa balag ng alanganin bunsod ng diarrhea (pagtatae) na dulot ng kawalan ng ligtas na inuming tubig. Partikular na tinukoy ni Ernesto Pareja na tumatayong tagapagsalita ng DOH Caraga region ang siyam na pumanaw mula sa Dinagat Island…

Read More

Philippine Charity Sweepstakes Office: PUBLIC ADVISORY

DAHIL SA PATULOY NA PAGTAAS NG TALAAN NG COVID CASES SA ATING BANSA AT UPANG MAPANGALAGAAN ANG KALUSUGAN, KALIGTASAN AT KAPAKANAN NG MGA PCSO  EMPLOYEES, MGA AHENTE, AT NG PUBLIKO, PANSAMANTALA PO NAMING  SINUSUSPINDI ANG LOTTO DRAW OPERATIONS MULA SA ARAW NA ITO , IKA-10 NG ENERO 2022 HANGGANG SA IKA-12 NG ENERO 2022. ITO AY UPANG MAISAGAWA ANG KAUKULANG HAKBANGIN SA SEGURIDAD NG LAHAT. MANANATILI PONG BUKAS ANG MGA LOTTO OUTLETS PARA SAATING MGA KABABAYANG NAIS NA BUMILI NG TICKETS PARA SA DIGIT/JACKPOT GAMES, KENO AT INSTANT SWEEPSTAKES. PATULOY…

Read More

HITMAN SA FISCAL MURDER TIMBOG SA BUY-BUST

HAWAK na ng Cavite Police ang hitman sa pagpatay sa isang assistant city prosecutor sa Cavite matapos na maaresto sa buy-bust operation noong Biyernes ng gabi sa Trece Martires City. Kinilala ang suspek na si Marvin Tagayon Linaban, 44, ng Brgy. H2, Dasmariñas City, na umano’y inamin ang pagbaril at pagpatay kay Fiscal Edilberto Mendoza, 48, may asawa, assistant city prosecutor sa lalawigan at residente ng Elysian Field Subd., Brgy. Cabuco, Trece Martires City, noong Disyembre 31, 2021 dakong alas-7:38 ng umaga. Ayon kay P/SSgt. Rene Bibon ng Trece Martires City, may…

Read More

STRICT IMPLEMENTATION NG GUN BAN SA BICOL SINIMULAN NA

INIHAYAG ng Philippine Army at Philippine National Police-Police Regional Office 5 (PNP-PRO5) na sinimulan na nilang mag-deploy ng mga dagdag na mga tauhan bilang suporta ng Joint Task Force (JTF) Bicolandia sa pagpapatupad ng COMELEC checkpoints at gun ban kaugnay sa nalalapit na 2022 national and local elections. Ayon kay MGen. Alex DC Luna, commander ng JTF Bicolandia, pasado alas-12:00 ng hatinggabi ng Enero 9, opisyal nang nagsimula ang election period na magwawakas hanggang Hunyo 8, 2022, kaya pinaalalahanan ang lahat ng mamamayan ng Southern Luzon partikular sa Bicol Region hinggil sa umiiral…

Read More

1 PATAY, 7 SUGATAN SA SUMAMBULAT NA WATER TANK

CAMP GEN ALEJO S SANTOS, City of Malolos, Bulacan — Patay ang water pump operator habang pito ang sugatan nang sumabog ang isang water tank facility sa Barangay Bagumbayan, Bulakan noong Sabado ng umaga. Sa report na tinanggap ni PCol Rommel Ochave, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, kinilala ang nasawi na si Paul Ryan Mangio, residente ng Barangay Bambang ng nasabing bayan. Sugatan naman sina  Eduardo Carpio, tubero; Ricardo Sulit, isa ring pump operator, mga residente ng Barangay Bambang; Milagros Mila Tionloc at Jennifer Esteban, kapwa client account representatives;…

Read More

NCR POSITIVITY RATE UMAKYAT NA SA 50%

PUMALO na sa 50% ang bilis ng hawahan sa COVID-19 sa National Capital Region. Nangangamba si OCTA Research Fellow Guido David na posibleng tumaas pa ito sa mga susunod na araw. Ang positivity rate ay ang porsyento ng bilang ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19 tests. Ang 50% na positivity rate ay nangangahulugan na sa dalawang tests na isasagawa ay isa ang magpopositibo. Nitong Sabado, nakapagtala na ng 43.7% na positivity rate sa 77,004 indibidwal na isinalang sa tests. Nahigitan na nito ang 21% positivity rate na siyang pinakamataas…

Read More

TOTAL LOCKDOWN HINDI IDEDEKLARA Pero Alert Level 4 posible – Nograles

TINIYAK kahapon ng Malacañang sa publiko na hindi magdedeklara ang gobyerno ng “total lockdown” para mapigil ang kasalukuyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Kasabay nito, itinanggi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang kumakalat na voice clip na nag-aabiso sa publiko na mag-stock ng essential supplies dahil sa posibleng pagpapatupad ng lockdown at martial law ng pamahalaan. Tiniyak ni Nograles sa publiko na ang imbentaryo ng bansa para sa mga pangunahing bilihin ng pagkain, partikular na ang bigas, ay sapat. Sa kabila nito, sinabi ni…

Read More

NON-COVID PATIENTS SA PGH NILIMITAHAN

NILIMITAHAN na ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagtanggap sa mga pasyente na hindi COVID-19 ang sakit upang magamit ang ibang medical workers sa pagtutok sa mga pasyenteng nahawa ng virus. “Unti-unti na we’re limiting our admissions of the non-COVID patients. In fact, mayroon na kaming directive na we will only take real emergencies,” ayon kay Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH. Ang mga mababakanteng medical workers ay ire-reassign sa kanilang COVID operations makaraang tumaas muli ang mga kaso nito ngayong buwan. Sinabi ni Del Rosario na nasa 2,000…

Read More

BELMONTE NASAPAWAN NI DEFENSOR SA SURVEY

NASAPAWAN ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Quezon City mayoralty race si Mayor Maria Josefina Tanya Belmonte-Alimurung, base sa pinakahuling survey sa lungsod. Base sa isinagawang survey ng The Issues and Advocacy Center noong Disyembre 13 hanggang 19, umabot sa 51% sa mga respondent ang nagsabi na iboboto nila si Defensor bilang susunod na mayor ng lungsod habang 19% lamang ang nakuha ni Belmonte-Alimurung. “I hope residents of Quezon City will continue to support us so we can have fresh and proactive leadership in the city. We should end the reign…

Read More