NADAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang isang American national na wanted sa US federal authorities dahil sa kasong “stalking.” Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang nasabing dayuhan na ang 49-anyos na si Joe Miller Grubb III, naaresto noong Martes sa Jorge Bocobo Street, Malate, Manila ng mga operatiba mula sa BI-FSU. Ayon kay Morente, si Grubb ay nakatakdang ipa-deport bilang undesirable alien at ibabalik sa kanyang bansang US sa sandaling mailabas ang summary deportation order mula sa BI commissioners. “He will then…
Read MoreAuthor: admin 2
LOCKDOWN SA KAMARA 1 WEEK EXTENDED
PINALAWIG pa ng isang linggo ang lockdown sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kasunod nang patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan. “We have decided to extend the lockdown by another week from January 10 to 16 as a precautionary measure to protect the health and safety of House members and employees in view of an alarming rise in COVID-19 cases in NCR and adjacent provinces,” ani House Speaker Lord Allan Velasco. Unang ini-lockdown ang Batasan Pambansa Complex sa Quezon City mula…
Read MorePABUYA PARA SA MGA IMPORMANTE
NANG isabatas ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), isa sa mga tampok na probisyon nito ay ang paglalaan ng gantimpalang salapi para sa mga impormanteng karaniwang sandigan para sa matagumpay na operasyon kontra smugglers at tiwaling kawani ng Bureau of Customs. Kung tutuusin, matagal nang kalakaran ang ganitong sistema – ang paggamit ng mga impormante, asset at iba pang pinaghuhugutan ng impormasyong higit na kailangan sa pagtukoy ng mga taong sangkot sa anumang iligal na transaksyong may kaugnayan sa pumapasok at lumalabas na kargamento sa bansa. Ito mismo ang…
Read MoreSPECIAL TAX IPINATAW SA IMPORTED CEMENT
BILANG proteksyon sa mga lokal na industriya, nakatakdang patawan ng pamahalaan ng karagdagang buwis ang mga sementong inaangkat pa mula sa bansang Vietnam. Sa isang kalatas, tiniyak ng Bureau of Customs (BoC) na hindi madedehado ang lokal na industriya ng semento sa bansa, kasunod ng pahayag kaugnay ng anila’y provisional anti-dumping duties na ipapataw sa loob ng apat na buwan para sa mga imported Portland cements. Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), lubhang nakakaapekto sa mga negosyanteng Pinoy ang pagpasok ng Portland cement ng Vietnam na ‘di hamak…
Read MoreWALANG F2F DEAL PAGSAPIT NG 2025
ASAHANG tuluyan nang matutuldukan ang suhulan at pambabarako ng mga tiwaling kawani kaugnay ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento pagsapit ng 2025, ayon mismo sa isang opisyal ng Bureau of Customs (BoC). Sa isang pahayag, hayagang sinabi ni Customs Associate Commissioner Vincent Philip Maronilla na matatapos na ng BOC ang programang full automation na aniya’y may kalakip at garantiyang iwas katiwalian bunsod ng pagwawaksi ng mga face-to-face transactions sa pagitan ng kanilang mga kawani at ng mga importers at customs brokers. Aniya, malaking bentahe ang full automation ng kawanihan…
Read MoreLabis pa sa 2021 target collection SAPUL!
MARAMI ang nanlumo sa muling paglobo ng arawang talaan ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na COVID-19. Dangan naman kasi, ang inaasahang pagwawakas ng pagdurusa at balik-normal na pamumuhay, naunsyami pa. Pero iba ang pananaw ni Fr. Nicanor Austriaco, isang eksperto pagdating sa larangan ng molecular biology. Aniya, ito na ang indikasyong magwawakas na talaga ang pandemya, batay sa resulta ng pag-aaral ng mga kapwa niya dalubhasa. Pag-amin ni Austriaco, higit na nakahahawa ang Omicron variant. Gayunpaman, hindi naman aniya dapat mabahala dahil sa mga pag-aaral, ito raw ay isang…
Read MorePAMASKONG HANDOG NG KABATAAN PARA SA KALIKASAN
NITONG nagdaang Pasko ay lubos na nakiisa ang mahigit isang libong kabataan ng Montalban sa ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punla ng puno ng prutas tulad ng guyabano, sampaloc, pili, santol, at cacao sa Mt. Parawagan ng Brgy. San Rafael upang isulong ang pangangalaga at patuloy na pagtatanim ng mga puno sa ating kabundukan. Ito ay bilang panangga sa mga kalamidad at pagbaha. Hangad po ng FutureNatin na sama-sama ang ating kabataan sa patuloy na pagtatanim ng mga puno at paglilinis ng ating kapaligiran upang makatulong tayo…
Read MoreNO. 1 MOST WANTED CPP-NPA-NDF LEADER SA MINDANAO, NAPATAY
INIHAYAG ito ni Lt. Gen. Ernesto “Jun” Torres, commander ng Army 10th Infantry Division, matapos na maneyutralisa ng kanyang mga tauhan mula sa 1001st Infantry Brigade, Philippine Army, ang sinasabing founder ng New People’s Army sa Mindanao. Ayon sa ulat na ibinahagi ni MGen. Jun Torres, kinilala ang napatay na ang veteran NPA fighter na si Menandro Villanueva alyas “BOK,” ang longest-serving secretary ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), kasalukuyang secretary ng Komisyong Mindanao (KOMMID), Commanding Officer ng NPA’s National Operations Command (NOC), at kasapi ng makapangyarihang POLITBURO ng Central Committee ng Communist…
Read MoreJOINT SECURITY PLAN SA 2022 POLLS Inilatag ng Comelec, AFP, PNP Bicol
LUMAGDA ang bagong talagang Philippine Army 9th Infantry Division commander at Philippine National Police-Bicol PNP chief sa binalangkas na Joint Security Plan for a Secure 2022 Polls napinangungunahan ng Commission on Election (Comelec). Ayon kay PNP-Police Regional Police Office 5 director, P/BGen. Jonnel C. Estomo at bagong 9th ID commander, Maj. General Alex Luna, opisyal nang inaktibo ang Regional Joint Security Control Center (RJSCC) sa Bicol bilang paghahanda sa nalalapit na 2022 national and local Elections. Sa pangunguna ng Comelec, tinalakay sa kauna-unahang coordinating conference ng RJSCC ang hinggil sa kahaharaping…
Read More