ESTADO NG PAG-IISIP NG ‘KILLER’ TOTOY SUSURIIN

HINILING ng local Department of Social Welfare and Development at Municipal Health Office na isailalim sa neuro-psychiatric test ang 16-anyos na binatilyong nakapatay sa kanyang ina at malubhang ikinasugat ng kanyang ama matapos niyang hatawin ng martilyo sa bayan ng Anini-y sa Antique. Ayon kay Police Major John Paul Guay, hepe ng Anini-y Municipal Police Station, nasa kustodiya na ng DSWD ang binatilyo na itinuturing ngayon bilang ‘child in conflict with the law’ (CICL). Ito ay makaraang lumabas sa inisyal na pagsusuri ng Anini-y Municipal Health Office na dumaranas ng…

Read More

EX-DPWH SEC. MARK VILLAR PASOK SA BBM-SARA UNITEAM SENATE SLATE

KINUMPIRMA ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na kasama sa binubuong Senate slate ng BBM-Sara UniTeam si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar. Kabilang si Villar sa mga kasamang senatoriables ni Marcos Jr. kaninang umaga sa UniTeam Rally na isinagawa sa Bacoor City, Cavite. Nilinaw rin ni Marcos na isa si Villar sa mga unang isinama sa kanilang Senate slate. “Well that is not a surprise for me, because to tell you the truth, Mark Villar is one on the first of our senatorial…

Read More

Kinondena ng media groups, Malacañang VETERAN JOURNALIST INILIGPIT SA CALBAYOG

KINONDENA ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang pamamaril at pagpatay sa beteranong journalist na si Jesus “Jess” Malabanan malapit sa kanyang bahay sa Calbayog City sa Samar dakong alas-6:00 ng gabi noong Disyembre 8, 2021. Ang brutal na pagpatay sa biktima ay isinisi ng CEGP sa gobyerno partikular kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kultura ng kawalan ng pananagutan sa mga gumagawa nito. Sinabi pa ng CEGP, kailangan mapanagot ang salarin, at ang rehimeng Duterte na may pananagutan sa pagpatay sa biktima dahil sa lumalalang kultura ng…

Read More

LOCALIZED TRASLACION NG NAZARENO, IPATUTUPAD

POSIBLENG gawing localized ang traslacion ng Poong Itim na Nazareno ng Minor Basilica of the Black Nazarene, o mas kilala sa tawag na Quiapo Church, kasunod ng nauna nang napagkasunduan na suspendihing muli ang tradisyunal na traslacion na dapat sana ay idaraos sa Enero 9, 2022. Ayon kay Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong, localized traslacion events ang ipapalit nila sa Traslacion 2022 upang maiwasan ang pagdagsa ng malaking bilang ng mga deboto sa Maynila sa araw ng kapistahan ng Itim na Nazareno, ngayong nananatili pa rin ang banta…

Read More

KABATAAN SA AGENDA NG PARTY-LIST

BAGAMAT may kanya-kanyang sektor na kinakatawan ang mga party-list sa Kamara, marapat pa rin itaguyod ang buhay at hanay ng kabataang pag-asa ng kinabukasan. Sa isang kalatas, nagpahayag ng pagpapatuloy ng suporta sa mga programang naglalayong protektahan, hubugin at kilalanin ang sektor ng kabataan, ang Buhay party-list na itinatag ng dating Manila Mayor Lito Atienza. Bukod sa edukasyon, higit na kailangan anilang suportahan ang mga programang nakatuon sa sining at kultura, ani Von Valdepeñas na kumakatawan ng nasabing party-list na itinaguyod ng dating alkalde at maybahay nitong si Beng. Kabilang…

Read More

WANTED SA CAMNORTE, LAGLAG SA PNP-PRO5

HINDI na nakapalag ang isang lalaki nang dakpin ng mga tauhan ng PNP Regional Office 5 dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa Camarines Norte. Kinilala ang nadakip sa isinagawang manhunt operation ng mga kawani ng Camarines Norte Police Provincial Office, na si Blandino Borjal y Anoñuevo na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 39, Daet, Camarines Norte noong Nobyembre 12, 2021. Si Borjal ay isang negosyante at residente ng Purok-9, Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines…

Read More

Iniwan sa umaandar na sasakyan BANGKAY SA BACKSEAT

BATANGAS – Isang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki ang nadiskubre sa loob ng isang umaandar na nakaparadang kotse sa bayan ng Calaca sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Batay sa report ng Calaca Police, nadiskubre ng dalawang residenteng malapit sa lugar ang bangkay ng biktima sa backseat ng isang gray na Mitsubishi Mirage na iniwang umaandar sa gilid ng barangay road sa Barangay Cahil, bandang alas-5:30 ng umaga. Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, may mga tama ng bala sa iba’tibang bahagi ng katawan ang biktima. Narekober sa crime scene…

Read More

TERORISTANG BOMB EXPERT SUMURENDER

MAKARAAN ang sunud-sunod na operasyon ng militar kontra terorismo, mas pinili na lamang ng isang bomb expert ng grupong Daulah Islamiyah, na sumuko kaysa matulad sa mga kasamahang napatay sa sagupaan. Kinumpirma ni Major General Juvymax Uy, tumatayong commander ng Joint Task Force Central at 56th Infantry Division, ang pagsuko ng hindi na pinangalanang miyembro ng grupong terorista sa bayan ng Carmen sa North Cotabato. Ayon sa heneral, hindi pipitsuging terorista ang sumuko lalo pa’t klasipikadong high-value target ang nasabing indibidwal na aniya’y isang dalubhasa sa paggawa ng mga pampasabog na…

Read More

150 KABAHAYAN NATUPOK SA MAYNILA, PASAY

MAGPAPASKO’T bagong taong walang tahanan ang hindi bababa sa 150 pamilya makaraang masunog ang kanilang kabahayan sa magkahiwalay na insidente sa mga lungsod ng Maynila at Pasay. Unang natupok ang isang residential area sa San Andres Bukid sa Maynila kung saan mahigit sa 100 pamilya ang nawalan ng kanilang tahanan. Ilang minuto lang ang pagitan, sumiklab naman ang isa pang sunog sa Barangay 87 sa Pasay kung saan 20 kabahayang tinutuluyan ng 50 pamilya, ang nilamon ng apoy. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), hindi naging madali ang pag-apula…

Read More