KASABAY nang pagiging kampante at hindi na pagsunod ng maraming residente at bumibyahe sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at physical distancing, isang COVID patient ang binawian ng buhay sa Navotas City noong Disyembre 7. Bukod dito, dumoble sa 14 ang dating bumaba na sa pitong active COVID cases sa lungsod matapos na walo ang nagpositibo sa virus at iisa lamang ang gumaling. Pumalo na sa 17,633 ang active COVID cases sa fishing capital, kung saan 17,074 na ang gumaling…
Read MoreAuthor: admin 2
9 KALABOSO SA P.8-M SHABU
SIYAM na katao, kabilang ang tatlong babae, ang natimbog sa isinagawang anti-drug operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa Quiapo, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Luz Mayes, 31; Evelyn Abrillo, 38; Jeffrey Bobis, 42; Bobby Swing, 44; Alexander Ronquillo, 36; Emmanuel Cordero, 31; Ace Robles, 41; Verna Obinguar, 30, at isang menor de edad na si Mark Vincent, isang estudyante. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. John Guiagui, commander ng MPD-Station 3, bandang alas-10:00 ng gabi magsagawa ng anti-drug operation ang mga…
Read MoreP8.5-M PARTY DRUGS NASABAT SA LAS PIÑAS *Chinese sa Pasay, huli sa kidnapping at droga
UMAABOT 4,970 piraso ng tableta ng MDMA o ecstasy na may street value na P8,500,000, ang nasabat sa joint controlled delivery operation dakong alas-4:25 ng hapon noong Martes sa Manila Doctors Village, Almanza Uno, Las Piñas City. Kinilala ang suspek na si Ana Fe Morilla alyas Jonah, residente ng Guava St., CAA PH2, Las Piñas City. Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang package na naglalaman ng 4,970 piraso ng ecstasy na may street value na P8,500,000, 1 unit ng cellular phone at dalawang identification cards. Ayon sa report na nakarating kay P/BGen. Jimili…
Read MoreBBM sa QC supporters PAGPILI SA BONGBONG-SARA BOTO SA TUNAY NA PAGKAKAISA
SA gitna ng daan-libong supporters na tumangkilik sa BBM-Sara unity caravan sa Lungsod Quezon nitong Miyerkoles (Disyembre 8) ay sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang boto para sa mapagkaisang tambalan nila ni vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte ay boto para sa tunay na pagbubuklod ng sambayanan. Ito ang iginiit ni Marcos Jr., sa motorcade ng BBM-Sara UniTeam na halos hindi makausad sa kahabaan ng Commonwealth Ave., na tinaguriang pinakamalawak na kalsada sa Pilipinas, dahil sa kapal ng taga-suporta na sumalubong sa kanila. Ang southbound…
Read MoreOFFICIAL STATEMENT OF ATTY. VICTOR D. RODRIGUEZ Chief of Staff and Official Spokesperson of Presidential Aspirant Bongbong Marcos, Jr.
On QC-LGU sentiment on the BBM-Sara UniTeam Caravan held in Quezon City. Nagpapasalamat ang BBM-Sara Uniteam sa mga tulong na inihanda ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte para sa okasyon na ginanap ngayong araw (Disyembre 8). At nagpupugay ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte sa pakikiisa ng lahat na taga-lungsod Quezon, maging anoman ang kanilang paniniwalang pulitikal, sa nasabing pagtitipon. Humihingi na rin ng paumanhin at pang-unawa ang BBM-Sara UniTeam sa mga motorista, byahero, pamahalaang lungsod at maging sa MMDA kung ang nasabing Unity Caravan ay…
Read More3 TULAK LAGLAG SA PNP-PRO5
TATLONG kalalakihang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa siyudad ng Naga ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operations ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo katuwang ang PDEA RO5. Ayon sa isinumiteng report ng Naga City Police Office kay Bicol PNP chief, Gen. Estomo, unang nadakip sa ikinasang buy-bust operation si Rafael Pabilona Martinez, 28, residente ng Zone 7, San Rafael, Cararayan. Pagsapit ng 6:50 ng gabi, arestado rin ang isang tricycle driver na si Edgardo Manago Reyes, 42, ng Zone 6,…
Read MoreACTIVE COVID CASES SA CALABARZON, SUMADSAD SA 1K
CALAMBA CITY – Pababa nang pababa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon ng Calabarzon kung saan naitala lamang ang 917 na bilang, ayon sa inilabas na bagong tala ng Department of Health CHD 4-A noong Lunes. Ayon sa ulat, nasa 190 na lamang ang bagong kaso ng coronavirus habang nakapagtala ng 215 na mga gumaling at 11 katao ang pumanaw. Ang lalawigan ng Cavite ang nakapagtala ng pinakamataas na aktibong kaso na pumalo sa 266, sumunod ang Rizal na may 167; Quezon, 157; Batangas, 154; Laguna, 129, at Lucena City na…
Read MoreP13-M SHABU NASAMSAM SA 3 DRUG DEALERS
UMABOT sa P13 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isinagawang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at 4th Marine Brigade ng Philippine Navy sa lalawigan ng Sulu. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong itinuturing na mga bigtime drug dealer na nasakote sa inilatag na joint buy-bust operation. Kinilala ang mga nadakip na sina Ilahan Yahya, 48; Murida Ahajan, at Elwina Unaid, 24, pawang mga residente ng Indanan, Sulu. Una rito, nagsagawa ng intelligence operation ang…
Read MoreSa harap ng barangay hall TRADER, KASAMA SAPUL SA BALA
QUEZON – Patay ang isang negosyante habang sugatan ang kasama nito matapos na tambangan ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Sariaya, noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang napatay na si Ruperto Mabuna Labrague, 42-anyos, habang sugatan naman si Renante Aguila Tisbe, 44, parehong residente ng Barangay Bignay. Batay sa report ng Sariaya Police, magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo na minamaneho ni Labrague at tinatahak ang barangay road patungo sa bahay ni Tisbe. Ngunit pagsapit sa madilim na bahagi sa harap ng barangay hall, ay pinaulanan ang mga ito ng…
Read More