MANLILIGAW ngayong araw, Miyerkoles, Disyembre 8, si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate nito na si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga botante sa Metro Manila sa pamamagitan ng grand caravans. Ayon kay Anakalusugan Representative at Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor, magsisimula ang motorcade sa pamamagitan ng meet-and-greet sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue, Quezon City partikular na sa harap ng Commission on Audit (COA) alas-7:30 ng umaga. “It will then proceed along Commonwealth Avenue and Quezon Avenue. The end point of the Quezon City…
Read MoreAuthor: admin 2
NO. 6 MOST WANTED SA CAMSUR, HULI SA QC
INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Antonio C. Yarra ang pagkakaaresto sa no. 6 provincial level most wanted person ng Camarines Sur at nakalista bilang no. 1 most wanted person sa Libmanan Municipal Police Station, sa isinagawang pinagsamang operasyon ng mga operatiba ng Project 6 Police Station (PS-15) at Libmanan Municipal Police Station, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Jonathan S. Alayan, sa Quezon City kahapon. Kinilala ni P/Lt. Col. Michael DG Bautista, station commander ng PS-15, ang akusadong si Albert Abay, 40-anyos, residente ng Sitio Tumanan, Brgy. Sigamot, Libmanan, Camarines…
Read MoreCOVID nasa paligid pa 1 TUMBA SA PANDEMYA SA VALENZUELA
NAKAPAGTALA ng isang namatay sa COVID-19 ang Valenzuela City, habang bahagyang tumaas ang active COVID cases sa lungsod. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), mula sa 829 noong Disyembre 2 ay naging 830 ang COVID deaths sa siyudad noong Disyembre 6, at mula sa dating 29 ay umakyat sa 34 ang active cases. Pumalo na sa 35,835 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 34,971 na ang gumaling. Ayon naman sa Malabon City Health Department, apat ang nadagdag na confirmed cases sa lungsod noong Disyembre…
Read MoreDROGA, BARIL NASABAT SA 3 TULAK
TIKLO ang 26-anyos na kabilang sa drug watchlist ng pulisya, at dalawang kasama nito makaraang makumpiskahan ng ilegal na droga at baril noong Lunes ng gabi sa Pasig City. Ayon sa ulat ni EPD Director P/BGen. Orlando Yebra, kinilala ang mga nadakip na sina Christopher Nano, 26, nasa drug watchlist; Joven Lopez, tricycle driver, at Charmaine Bautista, 31-anyos. Napag-alaman, dakong alas- 8:30 ng gabi nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation laban sa tatlo sa #133 MC Guinto Malasagana St., Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig. Nakumpiska sa mga suspek ang…
Read More#BrigadangAyala: ‘KAAKAY’ NG MGA NABIYUDA AT NAWALAN NG TRABAHO SA PANDEMYA
MANILA – Kinse anyos lamang ang aspiring pastry chef na si Mary Jane Balanon nang isilang niya ang unang anak. Sa murang edad ay kinailangan niyang huminto sa pag-aaral at isantabi ang kanyang mga pangarap upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Bago magsimula ang pandemya, isang contractual saleslady si Balanon sa isang department store sa Sampaloc, Manila. Ngunit nang bumagsak ang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya, siya at ang kanyang asawa ay parehong nawalan ng hanapbuhay. “Sobrang hirap po mawalan ng trabaho. Dalawa po ang anak namin,…
Read MoreBBM-SARA UNITEAM KINONDENA PAMAMARIL SA DALAWANG MAYOR SA ZAMBOANGA CITY
KINONDENA ng BBM-Sara UniTeam nina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice-presidential aspirant Sara Duterte ang pamamaril sa dalawang mayor sa Zamboanga City ng mga hindi pa nakikilalang salarin nitong Lunes ng umaga. Nasawi sa insidente si Al Barka, Basilan Mayor Darussalam Saguindilan Lajid na miyembro ng partidong Lakas-CMD at ang kanyang aide. Samantalang sugatan naman si Akbar, Basilan Mayor Alih Awal Sali. Ayon kay Marcos, hindi na dapat nangyayari ang mga ganitong uri ng political violence bagkus ay pagtuunan na lamang ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa kabila…
Read MorePAGSIPA KAY DUQUE INILUTANG NI DUTERTE
BUKAS na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palitan ang kontrobersyal na pinuno ng Department of Health. Ito ay matapos hayagang tanungin ng Pangulo si OCTA Research Fellow Fr. Nicanor Austriaco kung handa itong palitan si Health Secretary Francisco Duque III bilang bagong health secretary. “I would be happy to appoint you as a Secretary of Health if that is okay with you,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi matapos magsagawa ng presentasyon si Austriaco ukol sa Omicron variant. Bilang tugon, magalang na…
Read MoreBago face-to-face classes PAGBABAKUNA SA MGA EDAD 5-11 UNAHIN
UMAPELA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (ISTF) na unahing bakunahan ang mga batang edad 5-11 bago payagang pumasok para sa face-to-face classes. Sa kanyang privilege speech noong Lunes, sinabi ni Robes na maging ang mga nasa kolehiyo ay limitado lamang sa mga estudyanteng nabakunahan na kaya’t dapat ay gawin din itong panuntunan sa mga batang nasa kinder at elementary school para sa kanilang proteksyon. “Kung ang mga nasa kolehiyo ay pinapagayan lamang nating…
Read MoreMakakamit ng Sorsogon HERD IMMUNITY SA PAGTATAPOS NG 2021
NANINIWALA si Sorsogon Gov. Chiz Escudero na makakamit ng probinsiya ang herd immunity sa pagtatapos ng 2021 kung kailan inaasahang mababakunahan ang 85% ng target population nito lampas-lampas sa itinatakda ng World Health Organization (WHO) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). “Marami kaming nabigyan ng first dose noong National Vaccination Days na inaasahan naming mabibigyan ng second dose bago matapos ang taon kung kaya’t mararating namin ang mahigit kumulang na 84.7 percent fully vaccinated rate para sa populasyon ng aming lalawigan na may edad…
Read More