SA halip na isulong ang maruming pulitika, ilang grupo ng mga tagasuporta ni Presidential Aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang naglunsad ng “positive campaign” program para suportahan ang pagtakbo ni Marcos bilang pangulo sa 2022 national elections. Nauna nang inilunsad at isinulong ni Marcos ang “Pagkakaisa at hindi Pagkansela” sa kanyang ika-184 na BBM Vlog kaya pinupuri niya at isinusulong ang iba’t-ibang “positive campaigning” ng kanyang mga tagasuporta. Si Marcos na standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay naninindigang palaganapin ang positive campaigning at siniguro ang publiko na iiwas…
Read MoreAuthor: admin 2
DILG HUGAS-KAMAY SA NO VAX, NO AYUDA
HUGAS-KAMAY ang Department of Interior and Local Government sa kontrobersyal na polisiyang “No Vax, No Ayuda” sa mga benepisaryo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan para sa maralitang mamamayan. Ayon kay DILG spokesperson Jonathan Malaya na tumatayong tagapagsalita ng nasabing ahensya, hindi umano sila ang nagsusulong ng nasabing patakaran kundi ang mga local government units (LGUs) na nangangasiwa sa pamamahagi ng buwanang ayudang laan bilang agapay sa pag-aaral ng mga estudyanteng mula sa mga maralitang pamilya. “Let me just emphasize, it’s not just the DILG that…
Read MoreEPEKTO NG SIGALOT NG BENECO-NEA IIMBESTIGAHAN
NAGHAIN ng resolusyon si Senador Win Gatchalian upang siyasatin ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Benguet Electric Cooperative Inc. (BENECO) at ng National Electrification Administration (NEA). Kahit napabalitang bumalik na sa normal ang serbisyo ng BENECO, matapos magambala ang operasyon nito noong Oktubre 10 hanggang 20 nang sapilitang mag-take-over ang mga hinirang na opisyal ng NEA, wala pa ring pinal at malinaw na proposisyon ang dalawang panig. Nalaman ni Gatchalian na nahihirapan ang BENECO sa proseso sa bangko dahil ayaw umanong kilalanin ang pirma ni Engr. Melchor S. Licoben bilang…
Read MoreEX-PNP SPOKESMAN HAHALILI KAY ELEAZAR
KINUMPIRMA ng Malakanyang na tinintahan kahapon, Nobyembre 10 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang appointment ni Dionardo Bernardo Carlos bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), epektibo Nobyembre 13, 2021. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kumpiyansa sila na ipagpapatuloy ni Gen. Carlos na gawing “professional, capable and reform-oriented organization” ang PNP na isinaisip na nito. “We wish Gen. Carlos all the best as the new PNP Chief,” ayon kay Sec. Roque. Sa kabilang dako, naghahanda na si PNP Chief General Guillermo Eleazar sa pagsalin ng pamunuan ng…
Read More45K BATANG LAS PIÑAS HANDA NA SA BAKUNA
HINDI bababa sa 45,000 kabataang edad 12 hanggang 17 mula sa Las Piñas ang nagpahiwatig ng pagnanais na bakunahan kontra COVID-19 sa ilalim ng Bakunahan sa Kabataan program na pinangangasiwaan ng nasabing lungsod. Sa isang pahayag, sinabi Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar na mas paiigtingin pa nila ang kanilang education and information campaign kaugnay ng buting dulot na bakuna, lalo pa’t hindi pa nila naaabot ang target na 65,000 general pediatric population sa kanilang lokalidad. Gayunpaman, lubos aniya siyang nalulugod sa mainit na pagtanggap ng mga magulang at guardian…
Read MoreTSINO, KINIDNAP NG KAPWA TSINO
MALALIMANG imbestigasyon ang isinasagawa ng Cavite Police at Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) kaugnay ng reklamong inihain ng isang 25-anyos na Chinese national na umano’y dinukot, kinuhanan ng hindi bababa sa P500,000 bilang ransom ng kapwa Tsino sa Bacoor City. Ayon sa biktimang si Jain Lui, residente ng Makati City, pinapunta umano siya ng suspek na kinilalang isang A-Xu, alyas A-Jian sa Shuang Ma building sa Barangay Niog-3 sa Bacoor City para pag-usapan ang kanya umanong business proposal. Subalit pagpasok pa lamang umano ng nasabing gusali, agad…
Read MorePULIS NA-WOW MALI SA HINULING SUSPEK
BATANGAS – Ilang araw makaraang dakpin ang isang barangay tanod na inakalang gumahasa at pumaslang sa isang 15-anyos na estudyante, kusang loob na sumuko sa pulisya ang isang 19-anyos na binatang umamin sa salang ibinintang sa iba. Kinilala ni Laurel Police chief Captain Errol Frejas ang suspek na si Jayvie San Vicente na inihatid pa ng kanyang magulang sa ginawang pagsuko at pag-amin sa panggagahasa sa estudyanteng natagpuang walang buhay sa isang liblib na bahagi ng Barangay Sta. Maria nito lamang nakaraang Lunes. Ayon kay Frejas, si San Vicente umano…
Read MoreKOREANONG DISTRIBUTOR NG PORNO, HULI SA CEBU
ARESTADO sa mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang high-profile South Korean fugitive na wanted sa kanyang bansa dahil sa pagpapakalat ng pornography. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang Koreanong si Jung Yonggu, 38-anyos, naaresto noong Nobyembre 1, 2021 sa Cebu City. Si Jung ay inaresto sa bisa ng Warrant of Deportation na inisyu noong Oktubre dahil sa pagiging undocumented alien at banta sa kaligtasan at seguridad ng publiko. “The office received information of his crimes from South Korean authorities,” pahayag ni Morente. “Upon receipt of the information,…
Read MoreP1B DAGDAG KITA NAITALA
TUMATAGINTING na isang bilyong piso ang naitalang dagdag kita ng Bureau of Customs (BOC) makaraang magsagawa ng pagsusuri sa mga binayarang buwis at taripang katumbas ng mga pumapasok na produkto sa bansa. Sa ulat ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa Department of Finance (DOF), may kabuuang P1.04 bilyon ang kanilang nasingil na dagdag kita para sa mga unang siyam na buwan ng kasalukuyang taon. Ayon pa kay Guerrero, malaking bentahe sa kanilang ahensya ang pagsasagawa ng regular na post-clearance audit sa mga pinagbayarang taripa at buwis katumbas ng mga…
Read More