SUPORTA SA 2022 PRESIDENTIAL BID NI BONGBONG LUMALAWAK

MAY dalawampu’t limang cause-oriented organizations ang nagsanib pwersa para suportahan ang kandidatura ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 2022. Kamakailan, binisita ng Progressive Alliance for BBM ang campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City para magsumite ng isang manifesto na nagpapahayag ng kanilang suporta. Ang nasabing alyansa ay binubuo ng 25 organisasyon mula sa mga sektor ng OFW, Seafarers, Barangay Youth, Christian Churches, Loyalista, at mga Healthcare worker. Sa isang simpleng seremonya, isinumite nila ang isang dokumento na tinawag nilang ‘Manifesto of…

Read More

UKAY-UKAY SILAT SA MATNOG

TULAD ng inaasahan sa nalalapit na kapaskuhan, naging masigasig ang tangkang pagpupuslit ng mga pinaglumaang kasuotan, bagay na napaghandaan ng Bureau of Customs (BOC) na minsan pang nakasabat ng iligal na kargamento sa bayan ng Matnog sa lalawigan ng Sorsogon. Sa isang joint operation ng Port of Legazpi kasama ang Philippine Coast Guard (PCG), nasabat ang isang trak na naglululan ng P5.1-milyong halaga ng mga iba’t ibang klase ng mga pinaglumaang kasuotan na nakatakda na sanang ibiyahe sa patungo sa Davao City. Sa imbestigasyon ng nasabing Puerto, galing umano sa…

Read More

BODY CAMS BUENA-MANO SA DAVAO

SA hangaring tuldukan ang aregluhan sa mga transaksyon at operasyon kontra smuggling, sinimulan nang ipamahagi at ipagamit ng Bureao of Customs (BOC) sa mga kawani ng Port of Davao ang bahagi ng 200 bagong biling body-worn cameras sa pagpapaigting ng kampanya laban sa tiwali. Bukod sa katiwalian, target din ng BOC ang aktuwal na kaganapan sa sa loob at labas ng ahensya bilang tugon sa Customs Memorandum Order 33-2021. Sa ilalim ng nasabing memorandum order, obligadong isuot ng mga kawani ng nasabing ahensya para sa official customs activities, subalit hindi…

Read More

WALANG TAKOT KAY GUERRERO

Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO MUKHANG hindi sapat ang angas ng retiradong heneral na si Rey Leonardo Guerrero para pangilagan ng mga sindikato sa likod ng patuloy na smuggling operations sa iba’t ibang pwertong saklaw ng Bureau of Customs (BOC). Maging ang mga kasapakat na tiwaling kawani ng BOC, tila deadma lang sa bantang pagsibak at pagsasampa ng asunto laban sa mga tiwali sa nasabing ahensya. Ang totoo, sadyang mahirap supilin ang korapsyon sa BOC lalo pa’t naging kultura na sa nasabing kawanihan at katiwalian. Ito rin ang dahilan…

Read More

Kampanya kontra agri-smuggling OH MY GULAY KUMPISKADO!

Ni JOEL O. AMONGO MULA Enero hanggang Setyembre, tumataginting na P545-milyong halaga ng mga smuggled farm products mula sa bansang Tsina ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa pagpapatuloy ng masigasig na kampanya laban sa mga tangkang pagpupuslit ng iba’t ibang produktong pang-agrikultura papasok sa bansa. Sa ulat ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, pinakamarami ang bigas na kanilang nasabat, kasunod naman ang sibuyas at bawang. Sa kanilang pagtatala, pumalo na sa P206.8 milyon ang halaga ng mga bigas ang nakumpiska sa iba’t ibang pasilidad ng nasabing kawanihan. Pumangalawa…

Read More

Sa pagiging matatag at matibay MGA WARAY DAPAT TULARAN NG COVID SURVIVORS – BONGBONG

PINAPURIHAN ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang mga Waray sa pagiging matatag at matibay ng mga ito sa kabila ng pinakamabigat na pagsubok na dinanas nila. Sinabi ito ni Marcos sa kanyang pagdalo sa paggunita ng ika-walong anibersaryo ng super typhoon Yolanda na nanalasa sa Eastern Visayas kasabay ng panawagan sa mga tinamaan at nakaligtas sa pandemya dulot ng COVID-19 na tularan ang pagiging matatag ng mga Waray. “Dahil sa ginawa ninyo pagkatapos ng Yolanda, ang mga Waray ang itinuturo ngayon. Sinasabi pag malungkot masyado dahil sa pandemya,…

Read More

Dito ni Dennis Uy P8.4-B na ang lugi magmula noong 2020

UMABOT na sa P8.4 billion ang lugi ng Dito, ang third telco player ng bansa na kontrolado ni Davao-based business tycoon Dennis Uy, magmula noong 2020. Ito ay ayon sa pro forma statement ng Dito na inihanda ng P&A Grant Thornton. Nakasaad sa statement na ang telco firm ay may net loss na P4.656 billion noong 2020 at P3.769 billion sa unang anim na buwan ng 2021, para sa kabuuang P8.4 billion. Ang Dito ay nagsimulang mag-operate noong nakaraang Marso at kumita ng P248 million sa unang anim na buwan…

Read More

GUARTE, PERPEKTO SA 4 OBSTACLE RACES

WINALIS ni dating ­national track athlete Mervin Guarte ang apat na races sa Spartan ­Philippine National Series Leg 4 sa Batangas Lakelands nitong Nobyembre 6-7 sa Balete, Batangas. Kasalukuyang miyembro ng national obstacle course racing team, nagtala si Guarte ng 27:28 tiyempo upang manguna sa 5 kilometrong obstacle race, na ang unang tatlong leg ay kanya ring pinagharian. Dating middle distance runner at national record holder sa 800m si Guarte, na ngayon ay 4x800m national athletics record holder din kasama sina Wenlie Maulas at Paul Billones. Miyembro ng Philippine Air…

Read More

EJ OBIENA SASABAK SA PH ATHLETICS OPEN

UUWI ng Pilipinas ang unang 2020 Tokyo Olympics qualifier, si pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena. Kaugnay nito, sasabak siya sa inorganisang torneo ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), ang 2021 Ayala Philippine Athletics Championships na nakatakda sa Disyembre 9-10 sa Philsports Track Oval sa Ultra, Pasig City. Nauna nang ­ipinahayag ni Obiena ang pagnanais na makasali sa annual competition, na dalawang taong nakansela dahil sa COVID-19 pandemic. Patuloy ang pagsasanay ng Pinoy Olympian sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang torneo bilang paghahanda sa 2024 Paris Olympics.…

Read More