NASORPRESA ang isa sa matagal nang minamanmanan na drug personality sa bayan ng Virac, Catanduanes nang ito ay silbihan ng search warrant ng mga tauhan ng ng PNP-PRO5 Catanduanes Police Provincial Office. Dakong 7:01 ng umaga nang pormal na isilbi ang search warrant para sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ipinalabas ng Virac, Catanduanes, laban sa suspek na si Ma. Salve Ferrer Gonzales alyas “Ambe/Bebe”, 37-anyos, walang trabaho at residente ng P-1, Barangay Palta Small ng nasabing bayan. Nakumpiska sa suspek ang…
Read MoreAuthor: admin 2
3 LAGLAG SA ANTI-CRIMINALITY CAMPAIGN NG PNP-PRO5
TATLONG indibidwal ang nadakip sa inilunsad na anti-criminality campaign ng mga tauhan ni PNP Regional Police Office 5 Regional Director Jonnel C. Estomo sa Bicol Region. Ayon kay PNP-PRO5 spokesperson, P/Major Malou Calubaquib, sa probinsya ng Camarines Sur, positibo ang ikinasang law enforcement operation ng pinagsamang mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit at Ragay MPS sa Brgy. San Rafael, Ragay laban sa dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Kinilala ang mga ito na sina Richard Porlaje y Losande, at Eduardo Porlaje…
Read MoreP7.5-M SHABU NASABAT SA FEDEX
NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Drug enforcement Agency at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang 1.1 kilograms ng umano’y shabu na tinatayang P7,527,600 ang street value, mula sa dalawang air parcels sa FedEx International Cargo Warehouse sa NAIA Complex. Nadiskubre ang kontrabando sa pamamagitan ng K-9 sweeping at X-ray scanning kaya natunton ang unang bahagi na naglalaman ng dalawang plastic packs ng 504 grams ng white crystalline substance ng illegal drugs. Habang ang ikalawang parcel ay naglalaman ng dalawang plastic packs na may 603 grams ng illegal drugs na itinago sa mga damit.…
Read MoreKOLORUM, SIKSIKANG PUV NASAMPOLAN
MATAPOS ang mahabang pananahimik, biglang nagpasikat ang mga operatiba ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa isinagawang operasyon sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension, gawing hangganan ng Pasig City at Cainta. Hindi bababa sa 50 pampasaherong dyip at mga UV Express ang nasampolan bunsod anila ng hindi pagsunod sa itinakdang bilang ng pasaherong pwedeng isakay, sa hangaring maiwasan ang hawaan ng nakamamatay na COVID-19. Sa guidelines na ipinalabas ng gobyerno sa mga lugar na isinailalim sa iba’t ibang antas ng community quarantine, 50% lamang ang itinakdang kapasidad ng bawat PUV.…
Read More9 QCPD OFFICIALS SIBAK SA ILLEGAL GAMBLING
SIYAM na opisyal mula sa hanay ng Quezon City Police District (QCPD) ang sinibak makaraang matuklasan ang patuloy na operasyon ng mga iligal na pasugalan sa kani-kanilang teritoryo. Pagtitiyak ni QCPD Director Brigadier General Antonio Yarra, binigyan niya ng pagkakataon ang mga nasabing opisyal na linisin ang kani-kanilang nasasakupan bilang tugon sa direktiba ni National Capital Region Police Office director Major General Vicente Danao. Ayon kay Yarra, ang pagsibak sa siyam na opisyal na hindi pa niya pinangalanan ay kinabibilangan ng dalawang station commanders at pitong Police Community Precinct Commanders…
Read MoreILEGAL NA SABUNGAN MULING SINALAKAY, ISINARA NG PNP
MANILA-Hindi umobra ang katigasan ng ulo ng isang ilegal na online sabungan matapos salakayin at muling ipasara ng Philippine National Police (PNP) kahapon. Nabatid na isang araw pa lamang ang nakalipas nang salakayin at ipasara ng National Bureau of Investigation (NBI) ang illegal online sabong sa San Leonardo, Nueva Ecija. Subalit, nagmatigas ang operator at muli itong nagbukas kaya’t nagdagsaan na naman ang mga parokyano nito. Hindi naman ito pinalagpas ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Chief Brig. Gen. Val de Leon, at kanila itong sinalakay saka ipinasara ang…
Read MorePAGPAPANATILI NG MAHUSAY NA SERBISYO NG MERALCO SA PANAHON NG BAGONG NORMAL
Nagsilbing isang matinding hamon para sa lahat ng negosyo, maliit man o malaki, ang pandemyang COVID-19. Ang paulit-ulit na pagpapatupad ng mga lockdown bilang hakbang sa pagkontrol ng pagkalat ng virus ay nagtulak sa mga negosyo na mag-isip ng mga istratehiya kung paano magpapatuloy sa paghahatid ng serbisyo nito sa mga konsyumer sa kabila ng limitadong pahintulot sa paglabas at paglalakbay ng mga mamamayan. Ang Meralco, bilang pinakamalaking distribyutor ng koryente sa bansa, ay nanatiling matatag sa kabila ng epekto ng pandemyang COVID-19. Hindi nito hinayaang maging hadlang ang pandemya…
Read MoreNEGOSYO LUGI PA RIN SA ALERT LEVEL SYSTEM
HINDI pa talaga kumikita ang mga negosyo na nabigyan na ng go signal na magbukas sa ilalim ng 10% dine in kasunod ng pagpapatupad ng gcq with granular lockdown And alert level 4 system sa national Capital region o Ncr . Aminado si Presidential adviser for entrepreneurship Sec. Joey Concepcion, kahit mababa ang capacity ay masaya na rin aniya kahit papano ang mga ito dahil unti-unti nang nagbabalik ang kanilang operasyon. Iyon nga lamang aniya kung ang mga business owners at mga manggagawa ang tatanungin ay nais sana nilang maitaas…
Read MoreSURVEY RATING NI SARA BUMABA; BONGBONG DUMIKIT
BAGAMA’T nangunguna pa rin sa presidential survey, bumaba ng walong puntos ang rating ni Davao City Mayor Sara Duterte sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia Survey. Nakakuha si Mayor Sara ng 20 percent rating na bumaba mula sa 28 percent score noong Hunyo. Pumangalawa sa alkalde si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na may 15% ratings; sinundan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, 13% at Senator Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao, 12%. Hindi naglalayo sa puntos ang batang Duterte at si Marcos maging sa mga naunang survey. Nasa…
Read More