2 ARESTADO SA FAKE SWAB TEST RESULTS, VAX CARDS

HINDI nakapalag ang dalawang lalaki sa ikinasang entrapment operation mga awtoridad hinggil sa pamemeke ng swab test results at vaccination cards sa Quiapo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Martes. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 175 ng Revised Penal Code (Falsification of Public Documents, Certificates) at Sec 9 (b) (Tampering of Records or Intentionally Providing Misinformation) ng RA 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) ang dalawang suspek na sina Edito Pan y Ata, 41, encoder, at Jimmy Santisima Jr., y Noda, 31, helper.…

Read More

19 PATAY SA COVID SA CAMANAVA

NAKAPAGTALA ng 19 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA Caloocan, Malabon at Navotas, Valenzuela) area, batay sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Mula sa 1,294 noong Setyembre 4, sumipa sa 1,309 ang COVID death toll sa Caloocan City noong Setyembre 6 o karagdagang 15 casualties habang 2,936 ang active cases.  Pumalo na sa 48,873 ang tinamaan ng COVID sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 44,680 na ang gumaling. Umakyat naman sa 565 ang pandemic fatalities ng Malabon matapos na tatlong pasyente ang bawian ng buhay noong Setyembre 6,…

Read More

4 CHINESE PATAY SA DRUG OPS SA ZAMBALES

ZAMBALES – Apat na Chinese national ang napatay sa ikinasang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at PNP Drug Enforcement Group nitong Lunes ng umaga sa Brgy. Libertador, sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito. Tinatayang mahigit 500 kilo ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation. Kinilala ang napaslang na bigtime foreign drug personalities na sina Gao Manzhu, 49; Hong Jianshe 58; Eddie Tan, 60, pawang ng Fujian, China; at Xu Youhua, 50, naninirahan sa Stanford Ville, Quezon City. Sa inisyal na report na…

Read More

5 PATAY SA SALPUKAN NG SASAKYAN

LIMA katao ang namatay sa dalawang insidente ng salpukan ng mga sasakyan sa lalawigan ng Camarines Sur at Agusan del Norte. Sa Camarines Sur, dalawa katao ang namatay habang sampung iba pa ang sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa bayan ng Baao noong Lunes ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na si Marlon Tacalan, driver ng Toyota Innova at pasahero nitong si Ely Bongay. Nilalapatan naman ng lunas sa magkakahiwalay na ospital ang mga sugatan na sina Jomar Opong, driver ng Hi-Ace van; Joan Tortola, Jeneve Parino,…

Read More

Nagdiwang ng kaarawan sa beach resort POLICE MAJOR NALUNOD

CAVITE – Nalunod ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) habang nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa isang beach resort sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito. Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang mga kasamahan ang biktimang si Police Major Salvador Garcia, nakatalaga sa Las Piñas City Police Station 4, sa Caysubic Beach Resort sa Puerto Azul pasado alas-2:00 ng madaling araw noong Linggo, Setyembre 5, 2021. Sinubukan pang isugod sa Naic Doctors Hospital si Garcia ngunit idineklarang ng dead on arrival. Batay sa inisyal na imbestigasyon, habang nag-iinuman…

Read More

PNP, LGUs inalerto BICOL, VISAYAS TUTUMBUKIN NG BAGYONG JOLINA

INALERTO ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang buong puwersa ng pulisya sa Bicol at Eastern Visayas gayundin sa iba pang lugar hinggil sa posible pang epekto ng bagyong Jolina. Sinasabing sa loob ng susunod na 24-oras ay inaasahan ang patuloy na pananalasa ng bagyo at posibleng magdulot ito ng malalakas na pag-ulan sa area ng Masbate, Leyte, Biliran, Samar, Northern Samar, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines provinces, Southern Quezon, Romblon, at Marinduque. Bilang kasapi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa panahon…

Read More

298 DINAPUAN NG DELTA VARIANT SA CALABARZON

UMAKYAT na sa 298 ang bilang ng mga dinapuan ng mas mabagsik na Delta variant ng COVID-19 sa buong rehiyon ng Calabarzon. Sa pinakahuling ulat na inilabas ng Regional Biosurveillance noong Setyembre 5, nakapagtala sa lalawigan ng Laguna ng 85 kaso habang sa Cavite naman ay 71 cases; Rizal, 62l; Batangas, 43; Quezon, 26, at Lucena City, 11 ang kaso. Walo sa mga ito ang binawian ng buhay sa buong rehiyon, tig-dalawa sa lalawigan ng Rizal at Quezon habang sa tig-iisa naman sa Cavite, Laguna, Batangas at Lucena City. Napag-alaman na lumobo ang bilang ng…

Read More

118 barangay inilagay sa granular lockdown NCR IBABABA SA GCQ MULA SEPT. 8

APRUBADO na ng Inter-agency Task Force (IATF) ang bagong community quarantine classifications simula sa Miyerkoles, Setyembre 8 hanggang Setyembre 30. Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, binanggit nito ang mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) gaya ng probinsiya ng Apayao, Bataan, Bulacan, Cavite, siyudad ng Lucena, probinsiya ng Rizal at Laguna, Iloilo province, Iloilo City at Cagayan de Oro City. Ang mga lugar naman aniya na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) with hightened restrictions ay ang mga probinsiya ng Ilocos…

Read More

EX-PRESS USEC.CAPCO PUMANAW NA

NAGPAABOT ng pakikiramay si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pamilya Capco sa pagkawala ni dating Press Undersecretary Roberto “Bobby” Capco. Sa isang kalatas, sinabi ni Andanar na maaalala si Capco sa pagsisilbi nito sa bansa bilang mamamahayag na may integridad at dedikasyon. Aniya, importante ang ginampanang papel ni Capco bilang integral communications operations planner at implementer na siyang namahala sa mga programa ng Philippine Information Agency, Bureau of Communications Services, at News and Information Bureau noong administrasyong Arroyo. (CHRISTIAN DALE) 361

Read More