TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na patuloy nilang tutugisin ang iba pang mga kasabwat ng apat na mga dayuhang drug traffickers na napatay sa Zambales anti-narcotics operation at naaresto ang tatlo pa sa hot pursuit operation sa Bataan, sa layuning wasakin ang kanilang clandestine operation sa Pilipinas. Inatasan ni PNP chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang kinauukulang mga yunit ng pulisya na tulungan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng intelligence-gathering laban sa iba pang kasamahan ni Xu Youha na kabilang sa mga napatay sa engkwentro sa…
Read MoreAuthor: admin 2
MAHIGIT 400 BAGONG COVID-19 CASES SA PNP NAITALA
NAKAPAGTALA ng kabuuang 422 bagong kaso ng COVID-19 ang Philippine National Police (PNP). Ayon kay Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force Commander at PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, ito na ang pinakamataas na kaso na nadagdag sa PNP sa loob lang ng isang araw. Paliwanag ng opisyal, simula nang umatake ang pandemya ay nasa mahigit 200 lang pumapalo ang bagong kaso ng sakit sa PNP kahit pa may ‘surge’ o pagtaas ng mga kaso ng sakit. Pinakamaraming bagong kaso ay mula sa National…
Read More2 TIMBOG SA SALAMIDA MURDER
ARESTADO ang dalawang lalaki na hinihinalang responsable sa pagpatay sa dating tabloid editor sa loob mismo ng pag-aari nitong salon sa Quezon City noong August 17, 2021. Nasukol ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga suspek na sina Nilo Payag Anub at Richard Go Alaba, kapwa taga-Brgy. Commonwealth, QC. Ang mga ito umano ang sumalisi sa Gott Beauty Salon and Spa na matatagpuan sa No. 192 Kaingin Road, Barangay Apolonio Samson bandang 3:35 ng hapon noong Agosto 17 at binaril ng apat na beses ang journalist…
Read MoreTSINO NAGBARIL SA SENTIDO
HINIHINALANG dahil sa matagal nang karamdaman kaya nagbaril sa sarili ang isang 75-anyos na Chinese national sa kanyang bahay sa Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si An Sing Chan y Ko, residente ng Unit 502, Ancom Building sa #1408 Tomas Mapua St. sa panulukan ng Bambang St. sa Sta. Cruz. Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-1:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa tinutuluyang unit ng biktima. Nabatid sa salaysay ni Evelyn Bandal, kinakasama ng biktima, matapos nilang mananghalian, pumasok na…
Read More12 TUMBA SA PANDEMYA SA 3 CAMANAVA CITIES
UMABOT sa 12 katao ang namatay sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela dahil sa COVID-19, batay sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, anim ang namatay sa Malabon City at umakyat na sa 571 ang COVID death toll ng lungsod, habang, 137 ang nadagdag na confirmed cases noong Setyembre 7. Sa kabuuan ay 17,957 ang positive cases sa lungsod, 769 dito ang active cases. Habang 317 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 16,623 ang recovered patients ng…
Read MoreTUMANGGAP NG P2.1-M KUSH PACKAGE, TIMBOG
ARESTADO sa mga awtoridad noong Martes ang consignee ng shipment ng kush o high-grade marijuana, na tinatayang P2,198,400 ang halaga sa Lazaro St., Brgy. Sto. Niño, Marikina City. Kinilala ng Bureau of Customs (BoC) ang consignee na si Arthur Antonio, 39, na dinakip sa anti-illegal drugs-controlled delivery operation na isinagawa ng composite team mula sa BoC-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa BoC, ang shipment ay idineklarang cookies, balloons, toys at school supplies at ipinadala galing sa California, USA ng isang nagngangalang Allan Gatchalian. Gayunman, nang siyasatin ang package, nadiskubreng…
Read More2 SOLON TINAMAAN NG COVID-19
DALAWA pang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nadagdag sa bilang ng mga mambabatas na nabiktima ng COVID-19. Nitong Miyerkoles, isiniwalat ni Pasay City Rep. Antonino Calixto na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos sumailalim sa swab test nang makaranas ng mild symptoms. Ayon sa mambabatas, sumailalim din sa swab test ang kanyang mga close contact kasama na ang mga miyembro ng kanyang pamilya ngunit negatibo ang mga ito sa COVID-19. Gayunman, kailangang sumailalim ang mga ito sa 14-araw na home quarantine base na rin sa payo ng kanilang mga doktor.…
Read MoreSa pagkamatay ng binatilyo sa Laguna PAG-ABSWELTO NG IAS SA 10 PULIS KINATIGAN
KINATIGAN ni Philippine National Police (PNP) director general Guillermo Eleazar ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service (IAS) na nag-abswelto sa 10 pulis Laguna kaugnay ng pagkamatay ng isang menor de edad sa isang anti-drug operation sa lungsod ng Biñan noong Hunyo. “Isang operasyon sa Laguna na nagresulta sa pagkamatay ng isang menor de edad ang tinutukan ko dahil sa mga kontrobersyal na pahayag na isa itong kaso ng human rights abuse at inaakusahan pang extra-judicial killing,” pambungad ng heneral sa isang pahayag. Aniya, walang indikasyon ng anomang pag-abuso ng mga…
Read MoreBEBOT KALABOSO SA KANIN NA MAY SHABU
ARESTADO ang isang babae na dadalaw sa kanyang boyfriend na nakakulong matapos mahulihan ng umano’y shabu na itinago sa kanin sa Caloocan City. Kinilala ang arestadong suspek na si Erica Rivera, 40, ng Zapote Street, Bagong Barrio. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang dumalaw ang suspek sa kanyang boyfriend na nakakulong sa Bagong Barrio Police Sub-Station 5 sa Brgy. 146 para dalhan ng pagkain. Habang nagsasagawa ng routinary inspection si P/Cpl. Dandan Canuto at P/Cpl. Philip Siembre sa dalang pagkain ng suspek ay may napansin…
Read More