UMAKYAT sa 200% ang dami ng tawag na natatanggap ng One Hospital Command nitong Agosto buhat sa publiko na humihingi ng tulong para makakuha ng hospital bed o humihingi ng payong medikal. Ayon kay Dr. Marylaine Padlan, OHCC Medical Director, nasa 400 hanggang 500 na tawag kada araw ang kanilang natatanggap na higit na mataas sa 100-200 tawag nitong nakaraang Hulyo. Sa nasabing bilang ay nasa 20% ang tawag mula sa National Capital Region (NCR) habang marami ring tawag buhat sa Region 4A at Region 3. Sa kasalukuyan, nasa ‘high…
Read MoreAuthor: admin 2
9 PATAY SA COVID-19 SA NAVOTAS, VALENZUELA
UMABOT sa lima ang naitalang namatay sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas at habang apat naman sa Valenzuela City, ayon sa ulat ng kanilang health office. Hanggang 11:59 pm noong Setyembre 2 ay 451 na ang COVID death toll sa Navotas habang 1,811 ang active cases matapos na 71 ang nagpositibo sa virus at 90 naman ang gumaling. Pumalo na sa 15,022 ang tinamaan ng COVID sa lungsod at 12,760 na sa kanila ang gumaling. Ayon naman sa Malabon City Health Department, 180 ang nadagdag na confirmed cases noong Setyembre 3. Sa…
Read MoreOLDEST WOMAN SA PH NAGPABAKUNA SA PASIG
NAKUMPLETO na ang bakuna ng pinakamatandang babae sa Pilipinas, sa Pasig City kamakailan. Si Lola Lualhati Masanga, 104-anyos, ay fully vaccinated na laban sa COVID-19, nangangahulugan na protektado na siya sa posibleng malalang sakit na dulot ng COVID-19. Sa pagpapabakuna ni Lola Lualhati, ay lalo siyang mapapalapit at magkakaroon ng oras sa kanyang pamilya. Si Lola Lualhati ay isa lamang sa 45,000 senior citizens na naninirahan sa Pasig City, na nakinabang sa vaccination program ng local government unit laban sa COVID-19. Sa kalagitnaan ng Agosto 2021 ay umabot sa 100%…
Read MoreSCLA SA QC BUMABA NA SA 49 LUGAR
UNTI-UNTI nang bumababa ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) sa Quezon City sa pagpasok ng Setyembre 2021. Sa pinakabagong ulat na inilabas ng Quezon City Government, as of September 3, 2021, nakapagtala na lang ng 49 SCLA sa nasabing lungsod. Batay sa data na inilabas ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon, noong unang linggo ng Agosto 2021 ay nasa 63 ang isinailalim sa SCLA dahil sa mataas na kaso ng COVID-19. Subalit noong Setyembre 2021 ay nakapagtala na lamang 49 na…
Read MoreProtected area tinayuan ng istruktura 3 TIMBOG SA NBI
BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), ang tatlong indibidwal dahil sa pagtatayo ng ilegal na istruktura sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape sa Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal. Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina Richie Cincoflores, Allan Seduco, at Rolly Olayaval. Inaresto ang tatlo base sa impormasyong natanggap ng NBI na inukupahan at nagtayo ang mga suspek ng permanenteng istruktura nang walang permiso sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape na sakop ng National Integrated Protective Area System. Nabatid…
Read More4,000 DOSES NG BAKUNA NAWAWALA SA CAVITE
IPINAG-UTOS ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi ang imbestigasyon hinggil sa ulat na 4,000 doses ng bakuna ang umano’y nawawala at naipasa sa mga dayuhang negosyante. Ang isasagawang imbestigasyon ay kasunod ng lumabas sa imbentaryo na isinumite ng DOH Region 4A noong Agosto na may discrepancy sa bilang ng vials na aktwal na hawak ng Ospital ng Imus sa isinumiteng report ng National Bureau of Investigation (NBI) “Sinabihan ko ang aking legal officer na si Atty. Eugene at Doctor Andy na gumawa ng imbestigasyon dahil ayaw nating mabahiran ng anomalya,” ayon kay…
Read MorePNP Bicol, AFP wagi vs insurhensya 2 PATAY, 2 SUMUKO
MULING nagkamit ng tagumpay ang mas pinaigting at patuloy na operasyon ng pulisya at militar laban sa banta ng insurhensya at iba pang kriminalidad sa rehiyon. Ayon kay PNP-Police Regional Office 5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, dalawang miyembro ng New People’s Army ang napatay makaraan ang engkwentro ng rebeldeng grupo at pinagsanib na puwersa ng mga pulis at Philippine Army noong Huwebes sa boundary ng Barangay Patag at Cawayan, Irosin, Sorsogon. Ito ay bunsod ng operasyong ikinasa ng PNP Bicol partikular ang Sorsogon Police Provincial Office, kasama ang Philippine…
Read More7 WANTED TIKLO SA PNP-PRO5
SINIMULAN ng PNP Bicol, na pinamumunuan ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, ang pagpasok ng buwan ng Setyembre sa matagumpay na “all-out” na kampanya kontra wanted persons na nagbunga sa pagkakaaresto sa pito katao sa iba’t ibang panig ng rehiyon. Sa Zone 4, Brgy. Sto. Domingo, Calabanga, Camarines Sur ay dinampot ng mga tauhan ng Calabanga MPS, Camsur PPO ang tinaguriang rank 6 most wanted person na si Christopher Casaldon y Alto, 22, na may kasong robbery na may piyansang P48,000, at paglabag sa RA 10883 o Anti-Carnapping Act na…
Read More99 BAGONG BI OFFICERS ITATALAGA SA NAIA
INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng kabuuang 99 new Immigration Officers (IOs) na kamakailan ay ni-recruit ng ahensiya para punuan ang kakulangan ng mga tao sa pangunahing pwerto ng bansa. “Our new IOs have started reporting for duty in the three terminals of the NAIA since last week and they are currently undergoing on-the-job training prior to their full deployment in our immigration counters,” ani Atty. Carlos Capulong, BI Port Operations chief. Sa report kay BI Commissioner Jaime Morente, sinabi ni…
Read More