GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISA sa mga bagay na hindi ko kailanman inasahang mababasa sa balita ay ang salitang “school shooting.” Madalas natin itong marinig sa ibang bansa. Madalas din natin itong makita sa mga pelikula. Pero ngayon nangyari ang trahedya sa Tacloban City na ikinasawi ng ilang estudyante at ikinasugat pa ng iba, hindi lang lungkot ang naramdaman ko. Mas nangingibabaw ang pangamba. Parang may isang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Bakit tila mas dumarami ang ganitong mga insidente? Noon, kapag may gulo sa…
Read MoreAuthor: admin 3
Uusad Pa Ba ang mga Kaso?
PUNA ni JOEL O. AMONGO SA mabilis na pagbabago ng balanse ng kapangyarihan sa Senado, hindi maiiwasang itanong ng publiko kung uusad pa ba ang mga kasong may kaugnayan sa umano’y flood control scandal laban kina Senators Francis “Chiz” Escudero at Joel Villanueva. Lalong lumakas ang tanong matapos silang lumipat sa panig ni Senate President Win Gatchalian, sa gitna ng mainit na bangayan sa Mataas na Kapulungan. Tinawag ni Senator Alan Peter Cayetano ang kasalukuyang liderato bilang “Senate of Malacañang,” isang pahayag na nagpapahiwatig ng kanyang paniniwalang malakas ang impluwensiya…
Read MoreLGUs HUGAS-KAMAY SA KRISIS SA TUBIG SA QUEZON
NILINAW ng mga LGU sa Lalawigan ng Quezon, kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Lucena City, at Tayabas City, na wala silang direktang hurisdiksyon o kontrol sa operasyon ng PrimeWater-QMWD Joint Venture sa kabila ng lumalalang krisis sa tubig sa lalawigan. Ayon sa mga lokal na opisyal, ang QMWD ay isang independent quasi-public corporation habang ang LWUA at NWRB naman ang may saklaw sa usapin. Maaari lamang umanong repasuhin ng mga lokal na opisyal ang Joint Venture Agreement upang matukoy ang posibleng legal na hakbang. Sa kabila nito, pursigido ngayon ang…
Read More1 SA 2 ABANGERS NA HOLDAPER SUGATAN SA PULIS SA CAVITE
SUGATAN ang isang hinihinalang holdaper makaraang barilin ng isang pulis matapos na unang magpaputok habang nakaparada ang kanilang motorsiklo at umano’y nag-aabang ng mabibiktima sa Bacoor City, Cavite noong Martes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Southern Tagalog Regional Hospital ang suspek na si alyas “Sherwin”, 26, isang installer, ng Barangay Molino, dahil sa tama ng bala sa katawan habang tinutugis ang kasamahan nito na si alyas “Erwin” na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa salaysay ni Pat. Joseph Agsunod ng Bacoor Component City Police Station, nagmamaneho siya ng kanyang…
Read MoreCAFGU MEMBER TIMBOG SA PAMAMARIL SA 4 KATAO
ARESTADO ang isang CAFGU member na itinuturong gunman sa magkasunod na pamamaril sa mga bayan ng San Andres at Lopez sa Lalawigan ng Quezon noong Abril na ikinasawi ng apat na katao. Sa press conference na isinagawa sa Camp Vicente Lim sa Laguna, inihayag ni Police Brigadier General Hansel Marantan, Regional Director ng PNP Calabarzon, ang pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Jerome”, nakatala bilang Rank No. 1 Regional Most Wanted Person. Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng kasong murder, na walang…
Read MoreP150K AYUDA SA PAMILYA NG MGA NASAWI SA TACLOBAN SHOOTING
MAKATATANGGAP ng tig-P150,000 ayuda ang pamilya ng bawat estudyanteng nasawi sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Ito ang inanunsyo ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. “Each family of those who died will be given financial assistance of PHP150,000,” ani Castro. Bukod dito, magbibigay rin ang Department of Social Welfare and Development at Department of Health ng psychosocial services sa mga naapektuhan ng insidente. Samantala, lumabas sa imbestigasyon na mahigit isang buwan umanong pinagplanuhan ng dalawang menor de edad na suspek…
Read MoreKASO ISINAMPA NA LABAN SA 15-ANYOS NA SUSPEK SA TACLOBAN SHOOTING
NAGSAMPA na ng mga kasong kriminal ang PNP-Police Regional Office 8 laban sa 15-anyos na estudyanteng sangkot sa madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Kabilang sa mga isinampang kaso ang tatlong bilang ng murder, tatlong frustrated murder at multiple counts ng serious physical injuries. Tatlong estudyante ang nasawi habang 13 iba pa ang nasugatan sa insidente. Hindi naman nasampahan ng kaso ang 14-anyos na suspek dahil exempted ito sa criminal liability sa ilalim ng umiiral na batas. Sa halip, inilagay ito sa pangangalaga ng City…
Read MorePHILIPPINE ARMY: HUWAG TAWAGING ‘NATIONAL GUARD’ ANG CAFGU
UMAPELA ang Philippine Army sa media at publiko na huwag gamitin ang terminong “National Guard” kapag tinutukoy ang mga miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit Active Auxiliary (CAFGU-CAA). Ayon kay Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, wala pang batas o opisyal na polisiya na kumikilala sa naturang katawagan. “We respectfully request that the term ‘National Guard’ not be used when referring to members of the CAFGU Active Auxiliary,” ani Dema-ala. Bagama’t may isinagawang pilot testing sa konsepto, sinabi niyang wala pa itong pinal na legal framework. Aniya, maaaring magdulot ng…
Read MorePASAY RAINBOW FESTIVAL, PINANGUNAHAN NI MAYOR EMI
PINANGUNAHAN ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano ang pagdiriwang ng Pride Month sa pamamagitan ng Pasay Rainbow Festival 2026. Nagsagawa ng parada ang LGBTQIA+ community mula EDSA Tramo hanggang Cuneta Astrodome na sinundan ng Miss Gay Pasay Grand Coronation Night at Rainbow Party. Ayon kay Mayor Emi, “101 percent welcome” sa Pasay City ang LGBTQIA+ community dahil sa malaking ambag ng mga ito sa komunidad at sa bansa. Sinabi rin ng alkalde na aktibong katuwang ang sektor sa mga charity programs, pagpapaganda ng lungsod at iba pang aktibidad ng…
Read More